You are on page 1of 4

The Sisters of Mary School – Adlas, Inc.

Filipino sa Piling Larangan - Midterm

Pangalan : _________________________ Baitang at Pangkat : ________ Iskor : _____________________


Guro : ___________________________ Petsa : __________ Proktor : ___________________

Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Uri ng sulatin na ang layunin ay makapagturo ng aral at makapagbigay-aliw sa mga mambabasa?


a. Akademiko b. Jornalistik c. Pampanitikan d. Sulating-Teknikal

2. Anong uri ng sulatin ang tiyak at madaling maunawaan ang mga ginagamit na salita?
a. Akademiko b. Jornalistik c. Pampanitikan d. Sulating-Teknikal

3. Ang sulating ito ay pawang pormal na antas ng wika lamang ang ginagamit.
A. Akademiko B. Jornalistik C. Pampanitikan D. Sulating-Teknikal

4. Isa itong espesyalisadong anyo ng pagsulat dahil nakadirekta ito sa piling pangkat ng mambabasa.
A. Akademiko B. Jornalistik C. Pampanitikan D. Sulating-Teknikal

5. Alin sa ibaba ang tamang pagkakasunod-sunod ng layunin ng sulating-teknikal?


I. Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
II. Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
III. Upang magbigay-alam.
A. I, II, III B. III, I, II C. II, III, I D. III, II, I

6. Ang mga sumusunod ay katangian ng sulating-teknikal MALIBAN sa:


A. Makatawag-pansin C. Walang kamaliang gramatikal
B. Kumpleto ang impormasyon D. Angkop ang pamantayang kayarian

7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa gamit ng sulating-teknikal?


A. Upang makalikha ng proposal
B. Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
C. Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo o sistema
D. Lahat ng nabanggit

8. Ito ay matututuhang gawin kahit kaunti lamang ang pagsasanay at may pamamaraang puwede mong isagawa
tinatawag na waterfall method. Saang bahagi ito kabilang?
A. Batayang simulain B. Dapat tandaan C. Hakbangin D. Kahalagahan

9. Ano ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat?


A. Mahusay na pagsulat sa mga kasanayang teknikal.
B. Nakadirekta ito sa piling pangkat ng mambabasa.
C. Pinapaksa nito ang mga usaping may kinalaman sa siyensya, ekonomiya, negosyo, enhinyera at teknolohiya.
D. Ang introduksyon ng mag-aaral sa iba’t ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na
oryentasyon.

10. Ano-ano ang mga dapat tandaan ng isang manunulat ng teknikal-bokasyonal?


A. Pumili ng tamang disenyo
B. Tiyakin na ang dokumento ay madaling basahin
C. Iwasan ang masyadong paggamit ng teknikal na salita/parirala
D. Lahat ng nabanggit

11. Uri ng sulating teknikal na nagbibigay-diin sa katiyakan at katumpakan?


A. Deskripsyon ng Produkto C. Liham Pangnegosyo
B. Liham Aplikasyon D. Feasibility Study

12. Ang sulating-teknikal na ito ay ipinagbibili ang kasanayan, kakayahan, at kaalaman.


A. Deskripsyon ng Produkto C. Liham Pangnegosyo
B. Liham Aplikasyon D. Feasibility Study

13. Ang sulating ito ay ginagamit upang makapanghikayat ng mga bagong kostumer.
A. Dokumentasyon ng Produkto C. Kagamitang Pampromosyon
B. Deskripsyon ng Produkto D. Flyers

14. Ito ay may layuning magbigay ng maikli ngunit malamang paglalarawan ng pangunahing kontribusyon at
mahahalagang natamo.
A. Feasibility Study B. Naratibong Ulat C. Deskripsyon ng Produkto D. Dokumentasyon ng Produkto

15. Uri ng sulating teknikal na mahalaga ang kredibilidad ng pag-aaral.


A. Feasibility Study B. Naratibong Ulat C. Deskripsyon ng Produkto D. Dokumentasyon ng Produkto

16. Aklat ito ng mga panuto, mas gamitin para sa pagpapagana ng makina o pag-aaral sa isang paksa.
A. Manwal B. Leaflet C. Flyers D. Menu ng Pagkain

17. Ito ay nangangailangan ng sapat na panahon at masusing paghahanda.


A. Manwal B. Kagamitang Pampromosyon C. Flyers D. Leaflets

18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sampung mahahalagang Prinsipyo sa pagsulat ng kagamitang
pampromosyon?
A. Maikli B. Tumpak C. Tuwiran / Tiyak D. Wala sa nabanggit

19. Alin sa mga mahahalagang prinsipyo ang kinakailangan ay dapat tiyakin na ang nais sabihin ay malinaw na
naiparating at madaling maunawaan?
A. Tuwiran/Tiyak B. Mapanghimok C. Makatotohanan D. Tungo sa isang tiyak na layunin

20. Uri ng kagamitang pampromosyon na ginagamit sa pag-aanunsyo ng proyekto, produkto o serbisyo kadalasang 3ft.
by 5ft..
A. Anunsyo/Patalastas B. Brochures C. Posters D. Leaflets

21. Ito ay isa sa etika na kailangan ay pawang katotohanan ang inilalahad sa mga kagamitang pampromosyon.
A. Legal B. Orihinalidad C. Product Honesty D. Substantiation

22. Isa sa etika na kailangang mapatotohanan ito ng mga tao na nakagamit na ng naturang produkto.
A. Legal B. Orihinalidad C. Product Honesty D. Substantiation

23. Isa sa mga pangunahing layunin ng flyer ang ______.


A. Makapagbigay ng pagpipilian ng pagkain na mayroon ang isang restawran.
B. Pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o proseso sa paggawa ng isang produkto.
C. Makapanghikayat ng mamimili at makapagbigay ng impormasyon gamit ang papel.
D. Matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto on serbisyo.

24. Ang paglalarawan sa pagkain ay nakatutulong sa lakas ng pagbebenta. Alin sa mga sumusunod ang salitang
ginamitan ng pandama?
A. country style B. low calorie C. malutong D. vegetarian

25. Isaayos ang mga hakbang batay sa pagkakasunod-sunod sa pagbuo ng menu ng pagkain.
I. Lagyan ng larawan
II. Ilista ang pagkain at ang presyo nito
III. Isaalang-alang ang font style atbp.
IV. Gumawa ng layout ng menu
V. Ilarawan ang bawat pagkain
VI. I-proofread
VII. Piliin ang final layout

A. IV, V, II, III, I, VI, VII C. IV, II, V, III, I, VI, VII
B. IV, V, II, I, III, VII, VI D. IV, II, V, I, III, VII, VI
26. Ang mga sumusunod ay layunin ng leaflet maliban sa isa. Alin ang isang ito?
A. Mailagay sa pahayagan
B. Maipamigay sa mataong lugar
C. Mag-promote ng produkto, serbisyo o organisasayon
D. Magbigay ng tiyak na panuto kung ano ang tamang proseso

27. Isa sa anyo ng flyer kung saan ito ay kasinlaki ng postcard.


A. A6 B. A5 C. DL D. A4

28. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa etika sa pagbuo ng mga kagamitang pampromosyon?
A. Legal C. orihinalidad
B. Product honesty D. mapanira sa ibang produkto

29. Isaayos ang mga hakbang batay sa pagkakasunod-sunod sa pagbuo ng kagamitang pampromosyon.
I. Gumawa ng tema
II. Bigyang-diin ang kapakinabangan
III. Maging tapat sa pagpapakatotoo
IV. Bukas para sa suhestiyon
V. Karaniwang ayos ng pangungusap

A. I, II, III, V, IV C. I, V, II, IV, III


B. I, V, II, III, IV D. I, II, IV, V, III

30. Ang matagumpay na patalastas ay nakakaakit sa publiko. Ang pinakamatagumpay na paraan para makaakit ng
atensyon ay sa pamamagitan ng jingle, logo o slogan. Ano ang tinutukoy sa pahayag sa itaas?
A. Atensyon B. interes C. kagustuhan D. aksyon/paggawa

31. Alin ang hindi kabilang sa mahahalagang prinsipyo sa pagsulat ng kagamitang pampromosyon?
A. Tumpak B. makatawag-pansin C. kapakinabangan D. detalyado

32. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay mas pinahahalagahan ang kanilang mga gadgets kaysa sa pagdarasal at
pagsisimba. Kung ikaw ay isang advertiser ng cellular phone, paano mo ipakikilala ang produkto at isusulong ang iyong
pananampalataya?
A. Lumikha ng mga stickers na maaaring ipagbili na cellular phone accessory.
B. Magdisenyo ng panrelihiyong ring tones na maaaring i-download at gamitin sa kanilang cellular phones.
C. Lumikha ng program sa cellular phones na may iba’t ibang wall papers na magpapaalaala sa kanilang
pananampalataya.
D. Lumikha ng program sa cellular phones na may iba’t ibang alarms na maghuhudyat na oras na para sa
panalangin o araw ng pagganap sa mga tungkuling pananampalataya.

33. Ang inyong Science laboratories sa paaralan ay may sapat at angkop na mga kagamitan ngunit hindi ito organisado.
Bilang student teacher, paano mo isusulong ang wastong gamit at pagsasauli ng mga kagamitan sa laboratory sa mga
mag-aaral ng Junior at Senoir High School?
A. Magtalaga ng iba’t ibang seksyon sa laboratory kung saan dapat inilalagay ang mga kagamitan pagkatapos
itong gamitin.
B. Ilagay ang mga kagamitan sa isang tiyak na lugar sa laboratory at tabihan ito ng mga posters at paalala
upang magamit at mapangalagaan nang Mabuti.
C. Magsagawa ng oryentasyon sa mga mag-aaral ukol sa mga leybels ng iba’t ibang kagamitan at mga flyers na
maaari nilang basahin para sa wastong paggamit.
D. Lagyan ng leybel ang iba’t ibang kagamitan upang malaman ng mga mag-aaral ang gamit ng mga ito at mga
flyers na maaari nilang basahin para sa wastong paggamit.

34. Ikaw ay tagapagsulong ng chastity o kalinisang-puri at nais mong maunawaan ng buong daigdig ang kahalagahan nito
hindi lamang para mamuhay nang may kabanalan bagkus upang maging mabuting huwaran ng mga kabataan sa
kasalukuyan at mga sumusunod na henerasyon. Anong kagamitang promosyonal ang pinakamainam upang maipabatid
ang iyong isinusulong?
A. Patalastas sa radyo na may dialogo na nakakaantig para maiparating ang iyong mensahe sa lahat ng mahilig
making sa radyo.
B. Patalastas sa telebisyon na may artista na modelo ng chastitiy para maiparating ang iyong mensahe sa lahat
ng mahilig makinig sa radyo.
C. Print media advertising na may nakakaantig na mga larawan at pangungusap para maiparating ang iyong
mensahe sa lahat ng mahihilig magbasa.
D. Infomercial na may iba’t ibang wikang gamit at kuwento ng mga tao kung paano sila namumuhay o namuhay
ng mga “chastity” para maipabatid sa lahat ang iyong mensahe.

35. Ito ay talaan o listahan ng mga nakahandang putahe o pagkain o inumin ng isang kainan, restaurant o mga fast food
chains.
A. Leaflet B. Brochure C. Menu ng Pagkain D. Flyers

36. Anyo ng patalastas na gumagamit ng mga nakaimprentang kagamitan tulad ng mga magasin at pahayagan para
maiparating sa mambabasa ang nais iparating.
A. Infomercials B. Brochure C. Print Media Advertising D. Flyers

37. Naglalaman ng naggagandahang larawan, nagtataglay ng mapanghimok na pananalita at maaaring maging dahilan ng
malakas na benta ng isang produkto.
A. Infomercials B. Brochure C. Print Media Advertising D. Flyers

38. Tiyakin na ang mga impormasyon ay katotohanan. Lahat ng inyong isusulat ay tumpak at totoo. Huwag palalabasin –
huwag ring mangangako ng anumang bagay na hindi naman kakayaning ibigay. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy
sa nabanggit na pahayag?
A. Tumpak B. makatawag-pansin C. kapakinabangan D. detalyado

39. Bahagi ng isang anunsyo na naglalahad ng pangalan ng taong maaaring tanungin o hingan ng iba pang detalye ukol sa
kaganapan.
A. Pagbabanggit ng layunin C. Pagbabanggit ng Araw, Petsa at Oras
B. Pagbabanggit sa Lugar D. Pagpapabatid sa Nagpadala

40. Ito ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay ng tao.


A. Paunawa B. Anunsiyo C. Babala D. Patalastas

41. Ang mga sumusunod ay mga salitang pangkalusugan o pang-diet maliban sa…
A. Low sugar B. creamy C. vegetarian D. Mabuti sa puso

42. Ang Sisters of Mary Schools – Philippines ay kasalukuyang nagpapatupad na ng kurikulum ng Senior High School na
nagdadagdag ng dalawang taon sa kasalukuyang apat na taong High School. Isa sa kalakasan nito ay ang pagkakaroon ng
Technical Vocational Track. Bilang kabahagi ng pamayanang Sisters of Mary School, paano mo higit na maipakikilala at
maisusulong sa mga bisita at benefactors ang iba’t ibang technical Vocational Tracks na inilalarawan ang basic, common
and core competencies?
A. Sa pamamagitan ng leaflets at flyers upang dala rin nila ito sa kani-kanilang mga opisina o kompanya.
B. Sa pamamagitan ng posters at tarpaulin upang mailagay nila sa kani-kanilang workshop at laboratory upang
mabilis na maunawaan ang mga gamit ng pasilidad ng paaralan.
C. Sa pamamagitan ng posters, tarpaulins para sa mas malinaw na perspektibo ng mga pasilidad ng paaralan at
flyers at brochures na magbibigay impormasyon at souvenir din.
D. Sa pamamagitan ng leaflets at brochures upang mabasa nila ang mga detalye ng iba’t ibang ispesyalisasyon
ng kursong technical vocational ng paaralan at maibahagi rin nila sa iba.

43. Kadalasan itong makikita sa likuran ng brochure na naglalaman ng mga paraan kung paano makikipag-ugnayan sa
inyo ang mga posibleng kliyente.
A. Features/Benefits B. Contact Information C. Action D. Mailing Address

44. Ang flyer/leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ___________.


A. Babala B. Feasibility Study C. Menu ng Pagkain D. Promotional Materials

45. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto at/o
serbisyo.
A. Feasibility Study C. Deskripsyon ng Produkto
B. Flyers/Leaflets D. Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

You might also like