You are on page 1of 1

Point of View

Panuto: Bumuo ng sariling pananaw kaugnay ng sinabi ni Hubert H. Humprey, naging Bise
Presidente ng Estados Unidos noong 1965-1969

   "
May mga tao sa ibat-ibang lugar na hindi pa natin narinig o mabigkas man lang ang
mga pangalan, na naninindigan para sa kanilang sarili......Ngunit ang kanilang sinasabi
ay pareho lang sa sinasabi ng sangkatauhan. Gusto nila ang isang desenteng
pamantayan ng pamumuhay. Gusto nila ang Dignidad at isang boses para sa kanilang
mga kinabukasan. Gusto nilang lumaki ang kanilang mga anak na malakas at malusog
at malaya.

Sa aking pagkaintindi, sinasabi dito na bilang isang tao, iisa lamang ang hangarin natin na
mapahalagahan ang ating buhay, kahit sino o saan man tayo naroroon. Ang pagkakaroon ng boses para
maipagtanggol ang ating karapatan, malayang pagkilos para sa ating kinabukasan, at mabigyan ng
tapat na hustisya, dangal at paglingkod ay ilan lamang sa pagpapahalaga sa bawat isa sa atin. Kaya
kung mayroon tayong pagkakataon na ipunto ang mali at isagawa ang mas nakakabuti, huwag lang natin
isipin ang ating sarili kundi ang iba din, isaalang-alang ang hinaing hindi lang ng mga nakikilanlan, kundi
ang mga taong bihirang maabutan at mapakinggan. Ang pagtutulungan natin na maitaas ang bawat isa
ay siguradong tutungo sa mas maayos, pantay-pantay at magandang buhay para sa atin at sa mga
susunod na henerasyon.

You might also like