LEVIE U. UṄADA CATTLEYAN S. SALAK HRD Officers ONWARD REAL STATE INC., QUEZON CITY
Mahal na Ginoo / Ginang:
Magandang Araw po !
Kami po, ang LUISITA FARM WORKERS “BIOMETRICS” { FOREMAN, OPERATOR
TRACTOR, DRIVER, ASSISTING, TIME KEEPER } ay nais iparating sa inyong tanggapan ang aming mga hinaing bilang manggagawa, upang sa ganoon ay mapag-usapan ng magkabilang panig at matugunan ang aming katayuan sa trabaho. Narito ang mga hinaing na nais naming ipaabot:
1. Milling Season – 7 days of work po dapat
Off Season – 5 days of work or 7 days kung kinakailangan. 2. Pagkakaroon ng Production Incentive sa lahat. 3. Pagkakaroon ng 13 Month Pay at Christmas Bonus. 4. At kung may aksidente nangyari sa isang manggagawa sa oras ng kanyang trabaho, nararapat lamang na pananagutan ng kompanya ang pagpapagamot.
Gayundin ang hinaing ng mga FARM GUARD / BO: AREA
1. Milling Season – 7 days of work
Off Season – 3 – 4 days of work 2. Pagkakaroon ng Production Incentive sa lahat. 3. Pagkakaroon ng 13 Month Pay at Christmas Bonus.
Nawa’y naipaabot po namin ng malinaw ang mga karaingan naming
manggagawa at inyo pong bigyan ng solusyon sa madaling panahon. Pagpalain nawa po kayo ng Poong Maykapal.