You are on page 1of 4

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: Araling Panlipunan Grade: 7 Quarter: Second Week: 4

MELC: Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Competency Code AP7KSA-IIc-1.4


Asyano sa kalagayang panlipunan at kultura sa Asya

Name ______________________________ Section ________ Date________

School: _____________________________ District: ___________

A. Paksa:
Hinduismo

Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India, ang mga Aryan ang unang tribong sumam- palataya sa
Hinduismo. Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan, subalit ito ay
naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.Veda ang banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula
pa sa panahon ng mga Aryan, tinuturo ng Vedas na ang tao ay magka-karoon ng mahaba at mabuting
buhay.Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang mga altar, mga santo.
Nagpupunta sila sa mga banal na lugar.

Mga Paniniwala ng mga Hindu:

• Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na


nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal.
• Naniniwala ang mga Hindu sa pagmamahal, pag- galang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na
may buhay, espiritu o kaluluwa.Sumasamba sila sa ibat ibat uri at anyo ng Diyos (polyteismo).
Bahagi ng paniniwalang Hindu ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay
isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang.
• Nainiwala ang mga Hindu sa Karma, ang Karma ang magbibigay sa tao ng gantimpala kung
kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa
kapwa.
• Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay
niya sa Diyos anuman ang antas niya sa lipunan
Buddhismo

Ang pagtuturo ni Buddha na ang buhay ay napupunta sa pagdurusa na dulot ng pagnanais, ang
paghihirap ay hihinto kapag ang pagnanais ay tumigil, at ang paliwanag na nakuha sa pamamagitan ng
tamang pag-uugali at karunungan at pagmumuni-muni ay naglalabas ng isa mula sa pagnanais at
paghihirap at muling pagsilang.

Mga Batayang Turo o Aral ng Buddhismo


Mga Tuntuning Moral NOBLE TRUTHS
1. Pagpatay ng mga buhay na bagay  Ang Katotohanan ng Pagdurusa
2. Kinuha ang hindi ibinigay (dukkha)
3. Ang sekswal na maling pag-uugali  Ang Katotohanan ng Pagdurusa
4. Pagsisinungaling (samudaya)
5. Paggamit ng alcohol o Droga  Ang Katotohanan ng Pagkatatapos ng
Pagdurusa (nirhodha)
 Ang katotohanan ng landas na
nagpapalaya sa atin mula sa
pagdurusa (magga)
Itong mga prinsipyong ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao ay nagdurusa at paano nila
malalampasan ang pagdurusa.
Kristyanismo Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lamang) na
nakabatay sa buhay at pinaniniwalan ang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na
isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong
daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito.

Mga Aral:

➢ Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Bibliya ay inspirado at walang pagkakamaling salita ng
Diyos at ang itinuturo ng Bibliya ay Pinal.
➢ Naniniwala ang mga Kristiyano sa iisang Diyos na may tatlong personahe, Ang Diyos Ama, Anak
(Hesu Kristo) at ang Banal na Espirito.
➢ Naniniwala ang mga Kristiyano na nilalang ng Diyos ang tao upang magkaroon ng relasyon sa
kanya, subalit inihiwalay ng kasalanan ang tao sa Diyos.
➢ Itinuturo ng Kristiyanismo na nagkatawang tao ang ating Panginoong Hesu Kristo dito sa mundo,
totoong Diyos at totoong tao, at namatay sa krus.
➢ Naniniwala din ang mga Kristiyano na matapos ang kanyang pagkamatay sa krus, inilibing si
Hesus, nabuhay Siya nang mag-muli at ngayo’y nasa kanang kamay ng Diyos Ama at patuloy na
nananalangin para sa mga mananampalataya.
➢ Inihahayag ng Kristiyanismo na sapat na ang kamatayan ni Hesu Kristo sa krus para lubusang
mabayaran ang kasalanan ng sangkatauhan. Ito rin ang nagpanumbalik sa naputol na relasyon ng
tao sa Diyos.

B. Exercises

Gawain 1: JUMBLED LETTER

Panuto: Ayusin ang mga titik na makikita sa ibaba upang makabuo ng salita.

Halimbawa:
HESUS
U H S E S

- Pinaniniwalaan ng relihyong Kristyanismo.

Y A N R A

1. Unang tribu na sumalampataya sa Hinduismo.

H D B A U H

2. Nagtatag ng relihiyong Buddhismo

B I Y B A L I

3.
Banal na kasultan ng Kristyanismo
Gawain 2: TALAHANAYAN

Panuto: Punan ang ikalawang hanay ng mga paniniwala o batayang turo ng mga relihiyon na
makikita sa unang hanay.

RELIHIYON MGA ARAL O BATAYANG TURO

HALIM
B AWA:

1. Naniniwala sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan, ngunit


naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.Veda
HINDUISMO 2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

1. 2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
BUDDHISMO ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

1. 2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
KRISTYANISMO
5. ___________________________________________________________

C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020)

Panuto: Tukuyin ang relihiyon ng bawat pangungusap sa ibaba. Lagyan ng HI kung tumutukoy
ito sa relihiyong Hinduismo, BU kung Buddhismo, at KR kung Kristyanismo.

_____ 1. Isang relihiyong monoteista.

_____ 2. Naniniwala sa banal na bibliya.

_____ 3. Kauna-unahang relihiyon sa India.

_____ 4. Ito ang relihiyon na may pinakamaraming naniniwala.

_____ 5. Naniniwala ang relihiyon na ito na ang buhay ay puno na pagdurusa at paghihirap.

D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Panuto: Sagutan ang tanong:

➢ Bakit mahalaga na tukuyin ang sinaunang pilosopiya ng mga Asyano?


_____ 5. Naniniwala ang relihiyon na ito na ang buhay ay puno na pagdurusa at paghihirap.

_____ 6. Sumasamba sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan ang relihiyong ito.

_____ 7. Ang relihiyong ito ay naniniwala na ang walang hanggang pagnanais ng tao ang ugat ng
paghihirap nito.

_____ 8. Naniniwala ang relihiyong ito sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na
nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal.

D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Panuto: Sagutan ang tanong:

➢ Bakit mahalaga na tukuyin ang sinaunang pilosopiya ng mga Asyano?

References:

Mga aklat at artikulo:

Rosemarie C. Blando, et. al : ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba De Jesus

Ruby et. al. (2015).Asyano ( pahina 115-116)

Cruz, Romela et.al. (2013). Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan (pahina 292-294 )

Mula sa web:

https://www.slideshare.net/mhineakoh1/pilosopiya-ng-china
https://www.slideshare.net/xe0nahq0h/sinaunang-kabihasnan-sa-china
https://vdocuments.site/download/mga-kaisipang-asyano-sa-pagbuo-ng-imperyo- 55893c13d842e
https://www.google.com/search?q=foot+binding&tbm=isch&ved=2ahUKEwiWo8y-

Prepared by:

APRIL ROSE B. LASPRILLA

You might also like