You are on page 1of 7

PAGDADALUMAT SA MAIKLING PELIKULA NA

"ASAN SI LOLO
ME?"
NI SARI ESTRADA
SARI ESTRADA (Direktor)
Isang screenwriter, director at editor ng
maikling pelikula na pinamagatang "asan si lolo
me?". Base sa kanyang pakikipanayam,
naibahagi niya na siya ay mahilig gumawa ng
mga pelikulang may dyanra na komedya.
Nabanggit n'ya rin na s'ya ay tagahanga ng mga
kwentong pambata at nagbasa siya ng
madaming kwentong pangbata bago magsimula
ang produksyon ng maikling pelikula. Kaya
inilarawan niya na ang maikling pelikula na "asan
si lolo me?" ay isang kwentong pambata na para
sa mga matatanda
MGA KARANASAN SA PRODUKSYON NG "ASAN SI LOLO ME?"

-Pinakamalaking pagsubok ng director


base sa kanyang panayam ay. ang
pagpasunod sa isang kambing sa
produksyon ng pelikula.

-Isang prayoridad ang pagkuha ng mga pangteatrong


mga aktor bilang mga gaganap sa maikling pelikula
dahil sa mga senaryo nitong "absurd"
-Isa pang pinagbigyang pansin ng director ay ang
editing at ang skrip ng pelikula
MAIKLING PELIKULA
ay isang programa na nagtatampok ng makabuluhan
at award-winning films. Gayundin upang itampok ay
gagawin ang isang talakayan at annotation ng
director-filmmaker. Ang programa ay magtatampok
ng eksperimento at salaysay ng pelikula.

"ASAN SI LOLO ME?"


Ang maikling pelikula ay umaanyo ng isang
binagong pabula, pinagsasama ang mga
elemento ng realismo, pantasya, komedya, at
katumpakan upang iparating ang mga ideya
tungkol sa paniniwala, imahinasyon, na katulad
ng isang bata.
ANG PATUNGKOL SA MAIKLING
PELIKULA NA "ASAN SI LOLO
ME?"
Ang istorya ay tungkol kay Grace, isang ina na nahihirapang
iligtas ang kanyang anak na paslit mula sa pagtuklas sa
katotohanan ng kamatayan. Para maakop ang pagkamatay ng
lolo ng kanyang anak, sinabi ni Grace sa kanyang anak na ang
kanyang lolo ay naging kambing at hinihimok ang iba pa nilang
pamilya na makisakay na lamang.

Bilang isang normal na pamilya, sila din ay nagkakaroon ng mga


problema. Katulad ng problema ni Grace (ina) kung paano nya
papaniwalain ang kanyang anak na ang kanyang lolo patay na at
ito ay naging kambing. Problema ni Bert (ama), iniisip nito na ayaw
sakanya ng kanyang anak. Problema ni Ronnie (tito), ito'y inggit sa
kanyang kapatid dahil iniisip nito na ang kanyang kapatid ang
paborito ng kanilang ama.
MENSAHE NG MAIKLING PELIKULA
NA "ASAN SI LOLO ME?"
Ang pinapaabot na mensahe ng maikling pelikula na "asan si lolo me?" maliban sa pag ikot
nito sa pamilya at usaping kamatayan, ay nakatutok din ito sa interpretasyon ng isang
tao sa pamamaraan ng pag kakaroon ng imahinansyong pambata. Dahil nga ang maikling
pelikula ay hango sa dyanra ng kwentong pambata na hinaluan ng pabula at kaunting
komedya. Ipinapakita ng pelikula kung paano mo nakikita ang mundo ngayon at kung
paano mo pipiliing paniwalaan ang mga bagay-bagay na humuhugot sa mga di
pangkaraniwang pangyayari.
Ipinakita ng maikling pelikula na "asan si lolo me?" ay kung paano tayo
naapektuhan sa mga paniniwalang sinasabi ng ating mga magulang simula noon pa
man. Napagtanto ko na ang mga magulang ngayon ay nahihirapan magpalaki ng
mga anak. Hindi rin madali sa magulang na unawain ang anak kung paano sila
gagabayan sa yugto ng kanilang buhay lalo na kung nasa yugto pa sila na
mahihirapan silang intindihin ang mga bagay sa kanilang paligid. Ipinakita din
kung paano ginagampanan ng mga magulang ang kanilang mga responsibilidad sa
kanilang pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
MARAMING
SALAMAT SA PRESENTASY
ON NINA MA
NOLASCO AT RY ROSE
AURA NEEVA

PAKIKINIG!
B.
AGUIRRE

You might also like