You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Kawa kawa

By: Rey Benipayo

Noong unang panahon sa bayan ng Kaligawan (na hindi pa naman lungsod kundi isang malawak na
kagubatan pa)na ang tawag na ngayon ay Ligao ay may nakatirang magkasintahan na nagtanan na sina
Dante at Isa. Sila ay nakatira sa isang maliit na bahay kubo nag ginawa ni Dante bago pa man sila
magtanan. Masipag, mabait, guwapo at pamagmahal si Dante samantalang morena, maalaga, at
malambing. Dahil sa sobrang mahal ni Isa ang kabiyak nitong si Dante ay walang araw na hindi ito
nagluluto ng kung anu- anong masasarap na ulam para dito.

Isang araw ay pumunta sa bayan si Dante para mamalengke at para din ibili ito ng magandang
lutuan.Isang malaking kawali ang nakita at nagustuhan nitong ipasalubong sa kabiyak.

Sa paguwi nito ay wala ang kabiyak nito. Hinanap niya ito sa buong bahay pero wala. Natagpuaan niya
ito sa kanilang hardin. Sa hardin na ginawa niya para rito. Sa hardin na puno ng mga gulay at
panrekados. Nakahiga sa lupa. Wala itong buhay. Natuklaw ito ng isang naligaw na ahas habang
kumukuha ito ng gulay para sana ipagluto ang kabiyak ng isa na namang masarap ng putahe para sa
pagbalik nito.

Mula nang mamatay ang kabiyak nitong babae ay walang araw na hindi ito nagluluto ng masarap na
putahe sa pasalubong sana nitong malaking kawali sa kabiyak. Kahit pa man sumakabilang buhay na na
ito. Naniniwala siya na kahit sa kabilang buhay ay natitikman nitong ang masarap niyang niluto. Hangang
sa tumanda at mamatay siya, si Isa pa rin ang minahal niya at pilit niya itong inaalala sa pagluluto nito.

Sa araw ng kanyang kamatayan, sa lugar na kung saan nakatayo ang bahay kubo nila ay tumubo ang
isang bundok. Isang bundok na kapag inakyat mo sa tuktok ay tila ba isang malaking kawali.

Sa una ay tinawag itong Kawa. At noong panahon daw mga hapon ay napaglaruaan daw ang tawag dito
ng isang sundalong hapon.
" A- anu?",tanong ng sundalong hapon.

"Yang burol na walang tutok...Kawa ang pangalan ng lugar na yan.",sagot ng binatang lalaki na
Ligaoeno.

"Kawa?... Kawa kawa?"ulit ulit ng sundalong hapon

Sa kalaunan ay nakasanayan na lang na Kawa kawa

You might also like