You are on page 1of 1

TAMPOCO, FRANCIS B.

BSCE 2B

T.A. 2.1

1. Ano ang naging misyon ni Rizal pagpunta sa Europa?

Bukod sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa Europa, may isang lihim na misyon si Rizal kung saan masusi
niyang pag-aaralan ang buhay at kultura, wika at kaugalian pati na rin ang industriya at komersiyo at
pamahalaan at batas ng mga bansa sa Europa upang maihanda niya na ang sarili sa mga pagbabago sa
sakaling makamit na ng mga inaaping Pilipino ang inaasam na reporma. Ang kaniyang pag-alis patungong
Europa ay nanatiling lihim mula sa pamahalaang kolonyal maging sa kaniyang mga magulang at
kasintahan. Sa katotohanan, iilan lamang ang nakakaalam nito dahil ang kanilang pamilya ay pinag-
iinitan at minamanmanan ng mga prayle dahil sa koneksyong mayroon si Paciano at si Padre Burgos at
dahil na rin sa minsan nang naranasan ni Teodoro Alonzo ang hindi makatarungang pagmamalupit ng
mga Kastila nang siya ay naikulong nang dalawang taon sa isang kasalanang hindi niya naman kinamit.

2. Sino-sino ang mga taong nakakaalam sa pag-alis ni Rizal papuntang Europa?

 Antonio Rivera
 Paciano
 Lucia
 Neneng
 Maunel Hidalgo
 Jose Ma. Cerillo
 pamilya Valenzuela
 Mateo Evanghelista
 mga paring Heswita
 Pedro Paterno
 Saturnina

3. Sa mga lugar na napuntahan niya, sino-sino ang mga nakilala niyang mga bantog na siyentista?

 G. Luis de Wicker – isang dalubhasang manggagamot sa mata na tinulungan ni Rizal sa


Paris.
 Dr. Javier Galenzonsky – Doktor sa mata na taga-Poland
 Dr. Otto Becker – tanyag na doctor sa Germany na pinagtrabahuhan ni Rizal.
 Dr. Karl Czepelak – isang paralitikong manggagamot.
 Dr. Willkomm – propesor sa kasaysayan sa kalikasan sa Unibersidad ng Prague.

You might also like