A. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang
pandiwa at salungguhitan ang paksa o simuno sa pangungusap. Pagkatapos, isulat ang pokus nito sa patlang. (aktor, lokatib, instrumental, gol)
_____ 1. Si Beverly ay nag-iisip ng magagandang bagay
para sa kanyang mga nasasakupan. _____ 2. Ang lalawigan ng Batangas ay pinaglilingkuran niya bilang mayor. _____ 3. Inuna niya ang pangangailangan ng mga tao sa kanyang pagseserbisyo. _____ 4. Si Martha ay lumaking biktima ng polio mula pagkabata. _____ 5. Tumutulong siya sa mga naaaping mamamayan sa kanyang lalawigan. _____ 6. Nag-aral siya sa Lyceum of the Philippines ng kursong Accountancy. _____ 7. Tapat siyang naglingkod sa kanyang nasasakupan. _____ 8. Tumanggap siya ng parangal mula sa Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2008. _____ 9. Pinaglingkuran niya ang Bombo Radyo ng Cauayan Isabela bilang isang broadkaster. _____ 10. Nabayaran niya ang malaking pagkakautang ng Isabela sa kanyang termino. _____ 11. Ang malaking kawali ay pinaglutuan ng kalamay. _____ 12. Ang salamin ay ginamit ni Myrtle.