You are on page 1of 1

"We cannot grow spiritually when we place our confidence in our own efforts.

"

2 Timoteo 4:7-8
7 Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at
nanatili akong tapat sa pananampalataya.
8 Kaya naghihintay sa akin ang koronang gantimpala para sa mga namuhay ayon sa
kalooban ng Diyos. Sa Araw na iyon, ang Panginoon na siyang makatarungang Hukom,
ang siyang magpuputong sa akin ng korona; hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng
nananabik sa kanyang pagbabalik.

1 Corinto 9:26-27
26 Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin.
27 Subalit pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ito, upang sa gayo'y
hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.

2 Timoteo 2:5
5 Hindi maaaring gantimpalaan ang isang manlalaro kung hindi siya naglalaro ayon sa
mga alituntunin.

Mga Awit 73:26


26 Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging
kailangan.

1 Timoteo 4:8
8 Sa pagsasanay ng katawan ay mayroon ding pakinabang, ngunit ang maka-Diyos na
pamumuhay ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito'y may pangako hindi
lamang para sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating.

Mga Hebreo 12:12-13


12 Dahil dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga
nangangalog na tuhod. 13 Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga
paang napilay at sa halip ay gumaling ang nalinsad na buto.

2 Timoteo 2:21
21 Ang sinumang lumalayo sa kasamaan ay katulad ng sisidlang natatangi, malinis at
karapat-dapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabubuting gawain.

2 Corinto 5:9
9 Kaya naman, ang pinakananais namin ay maging kalugud-lugod sa kanya, maging nasa
katawang-lupa o maging nasa piling na niya.

1 Juan 5:4
4 sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay
tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Mga Kawikaan 24:16


16 sapagkat siya'y makatatayong muli mabuwal man ng pitong ulit. Ngunit ang masama
ay dagling nababagsak sa panahon ng kahirapan.

Deuteronomio 31:6
6 Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa
kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni
pababayaan man.”

Mateo 17:20
20 Sumagot siya, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung
kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong
sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito'y lilipat nga. Tunay na walang
bagay na hindi ninyo magagawa.”

You might also like