You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III, Central Luzon
DIVISION OF NUEVA ECIJA
JAEN NORTH ANNEX
LAMBAKIN ELEMENTARY SCHOOL
MTB-MLE 2
Quartter 3, Week 3
Pagpapahayag ng Simpleng Karanasan at Pagbibigay ng Gamit ng Pandiwa

I- Learning Competency
 nakapagpapahayag ng sariling karanasan gamit ang pandiwa (\
 nakatutukoy ng gamit ng pandiwa.

II- Content
Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng mga kilos o galaw. Ito ay mayroong tatlong
aspekto, ang naganap, nagaganap at magaganap.

Ang pangnagdaan o naganap ay mga salitang kilos na ginawa na, tapos na o nakalipas na.

Ang pangkasalukuyan o nagaganap ay tumutukoy sa mga kilos na ginagawa, nangyayari o


ginaganap sa kasalukuyan.

Ang panghinaharap o magaganap ay mga salitang kilos na hindi pa nagaganap at gagawin


pa lamang.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pandiwa o salitang kilos na nagpapakita ng


tatlong aspekto: naganap, nagaganap at magaganap.

Salitang Ugat Naganap Nagaganap Magaganap


dilig nagdilig nagdidilig magdidilig
dilig inalagaan inaalagaan aalagaan
salo nagsalo nagsasalo magsasalo
bilad ibinilad ibinibilad ibibilad
bukas binukas binubukas bubukas

Ang mga karanasan ay tumutukoy sa mga kaalaman na nakuha mula sa paggawa ng isang
bagay o gawain. Ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa ay maaring gamitin sa paglalahad ng iyong
karanasan. Ang karanasan ay maaring maipahayag sa salaysay, kuwento, o tula.

III- Exercise/s
A. Punan ang nawawalang pandiwa upang mabuo ang aspeto nito.

Naganap Nagaganap Magaganap


1. umiyak ________________________ iiyak
2. __________________ tumatalon tatalon
3. sumigaw sumisigaw ____________________
4. __________________ sumasayaw sasayaw
5. __________________ tumatakbo tatakbo
B. Buuin ang pangungusap. Bilugan ang angkop na pandiwa.

1. _______ kami ni lolo sa bukid bukas. (pumunta, pumupunta, pupunta)


2. Sa Martes ____ ang pinsan ko galling probinsya. (dumating, dumadating, dadating)
3. _____ ako ng ngipin araw-araw. (nagsipilyo, nagsisipilyo, magsisipilyo)
4. _____ na sila kanina. (umalis, umaalis, aalis)
5. Si Nenita ay _____ ng ginataan mamaya. (nagluto, nagluluto, magluluto)

C. Sumulat ng isang linggong talaarawan tungkol sa iyong karanasan sa panahon ng pandemya.


Maaari mong isulat sa papel ang iyong araw-araw na gawain habang ikaw ay nasa inyong bahay.
Gamitin ang tala sa ibaba bilang gabay.

IV- Assessment
Alamin ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain gamit ang mga salitang hudyat. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. kumain ng almusal a. Panlima


2. nag-ayos ng higaan b. Una
3. naligo at nagsipilyo c. Pangalawa
4. nag-aral ng mga aralin d. Pang-apat
5. gumising ng maaga e. Pangatlo

You might also like