You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III

STO.DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


Baloc, Sto.Domingo, Nueva Ecija

PAMPAARALANG PATNUBAY/ALITUNTUNIN
MGA ALINTUNTUNING DAPAT SUNDIN
1. Dumalo sa pagtataas ng watawat (flag raising ceremony) tuwing araw ng Lunes sa
ganap nsa ika-7:15 ng umaga at gayundin sa pagbaba ng watawat (Flag Retreat)
tuwing araw ng Biyernes sa ganap na 4:30 ng hapon.
2. Magsuot ng uniporme na itinakda ng paaralan .
I. Para sa babae: white baby collar blouse with logo at royal blue pleated skirt
plus necktie at belt sa STE
II. Para sa lalaki: white polo with logo at patch sa STE and black slacks pants
III. Ang babae at lalaki ay ay magsuot ng black shoes and white socks

3. Pagsusuot ng ID
4. Pagpasok at paglabas sa tamang oras
5. Pagkuha ng magulang ng report card ng kanilang mga anak bawat markahan
6. Pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa mga guro (minsan bawat buwan at kung
kinakailangan)
7. Paggalang at wastong pakikipag-usap sa mga guro at kawani ng paaralan
8. Pagdadala ng tumbler (lalagyan ng inumin) araw-araw
9. Wastong segregasyon ng basura
Note:
 Sundin po natin ang ordinansang ipinaiiral ng pamahalaan ng Sto. Domingo
sa paglabag sa wastong segregasyon ng basura

10. Wastong paggamit ng elektrisidad


11. Ang mga mag-aaral na lumiliban sa klase ay dapat na magpakita sa kaniyang guro/
gurong tagapayo ng liham-paghingi ng paumanhin na may lagda ng magulang. Ang
mga liham na nabanggit ay hindi makapagbabawas sa pananagutan/tungkulin sa
mga gawaing kaniyang dapat gampanan noong panahong siya ay lumiban sa klase.
Note:
 Kapag lumiban ng isang araw ito ay kailangang may lagda ng gurong
tagapayo
 Kapag liban ng 2-3 araw ito ay kailangang may lagda ng Guidance Counselor
 Kapag liban ng mahigit sa 3 araw kailangang may lagda ng Puno ng
Magkakaugnay na Aralin/ Puno ng Departamentong Pambokasyonal at
pagpapatibay ng guro ng paaralan

12. Pag-aaral ng Mabuti, pang-akademiko, pambokasyunal at mga gawaing pampaaralan


13. May kahuli-hulihang marking lagpak/bagsak sa iba’t ibang aralin ay pinapayuhang
mag-aral ng SUMMER

ANG MGA SUMUSUNOD AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL


1. Cutting Classes
2. Pagkukulay ng buhok at mahabang buhok sa lalaki
3. Pagdadala at paninigarilyo sa loob at labas ng paaralan
4. Pagsusgal sa loob ng paaralan
5. Pagdadala at pag-inom ng alak sa loob at labas ng paaralan
6. Pag-oover the bakod
7. Pagsusuot ng hikaw (pagkakaroon ng butas sa tainga) ng mga kalaalkihan at mahigit sa
isang pares sa mga kababaihan
8. Paggawa ng anumang gulong pisikal gaya ng suntukan, sampalan, atbp.
9. Pagdadala ng malalaswang babasahin at malaswang panoorin sa cellphone sa loob ng
paaralan
10. Vandalism (pagsusulat at paninira sa lahat ng gamit ng gobyerno)
11. Pagnanakaw
12. Pangingikil
13. Pag-istambay sa canteen/tindahan, computer shop at labas ng paaralan sa oras ng klase
14. Paggamit ng ID ng iba/magpahiram ng ID na gagamitin ng iba
15. Paggamit ng plastic cup bilang lalagyan ng inumin
16. Pagkakalat ng anumang pinaglagyan/pinagbalutan ng pagkain (pinagbalutan ng candy)
17. Pandaraya sa panahon ng pagsusulit
18. Paghuhuwad o pagpapasilpika sa lagda ng sino mang opisyal ng paaralan
19. Paggamit ng cellphone, headset/earphone at anumang uri ng gadget sa loob ng silid-
aralan sa oras na may klase
 Unang paglabag -pagkumpiska sa cellphone o gadget
o MABABALIK LANG ANG CELLPHONE/GADGET PAGKATAPOS NG KLASE SA
HAPON
 Pangalawang Paglabag-magulang ang kukuha sa paaralan
 Pangatlong paglabag-makukuha lamang ang cellphone/gadget pagkatapos ng
taong panuruan
20. Bullying at Harassment

Note: Ang sinumang mag-aaral ang lumabag sa nga patakarang nabanggit sa:
 Unang paglabag-ipapatawag at kakausapin ang mga magulang
 Pangalawang paglabag-sususpendihin ng 2-3 araw
 Pangatlong paglabag-ililipat sa ibang paaralan

MABIGAT NA KASALANAN AT MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

1. Pagbuo o kasapi ng fraternity/sorority


2. Pagdala ng anumang uri ng matigas, matulis, at matatalim na bagay o
anumang bagay na nakamamatau (lanseta, asero, baril)
3. Pambubugbog sa kapwa mag-aaral
4. Pambabastos o kawalan ng paggalang sa mga guro at tauhan ng paaralan
5. Demonstrasyon o welga
6. Pagpasok sa paaralan na nakainom ng alak o lasing
7. Paggamit ng droga

Note: Ang sinumang mag-aaral ang lumabag sa mga patakarang nabanggit


sa:
 Unang paglabag-suspensiyon sa klase
 Pangalawang paglabag-pagpapalipat sa ibang paaralan

Ang Pagmpaaralang Pantunabay o Alintuntuning ito na ipinaiiral ng Sto. Domingo National Trade
School ay dapat tuparin at sundin nang walang pasubali ng bawat mag-aaral sa pamamatnubay at
tulong ng mga guro at mga magulang upang mapanatili ng buong husay ang kaayusan, kapayapaan at
kaunlaran sa loob at labas ng paaralan.

You might also like