You are on page 1of 2

Ang bangka sa gitna ng kawalan

Labing-pitong taon na ako naririto sa mundong ating kinagagalwan, wala pa man din sa
kalahati ng aking buhay, pero napagtanto ko na simple lang naman talaga ang buhay, pero hindi
ito madali. Marami akong pagkakataon at mga oras na aking nasayang lamang. Maraming
pangyayari na kung saan dapat akong lumigaya at magdiwang, ngunit nanatili akong
sumimangot at magmuk-mok sa gilid, at ang walang pasasalamat sa mga biyayang binigay sa
akin na aking pinagsi-sisihan. Pero hindi pa huli ang lahat. Hindi ko inaakalang sa murang edad
na ito ay makakaranas na ako ng mga problema na tila bang pang matanda na. Pero ang aking
mga problema ay biyaya sa akin, dahil kung wala akong problemang kinakaharap sa
kasulukuyan at haharapin sa kinabukasan ay hindi ako matututong mamuhay sa nagbabago
nating mundo. Walang buhay na walang problema. Hindi man natin ma-ikontrol lahat ng
problemang ating kinakaharap, tayo naman ang may responsibilidad kung papaano natin ito
reresolbahin at aaksyionan. Tayo ang mag responsibilidad kung paano tayo magre-reak sa mga
problema natin, at kung ano rin ang ating bibigyang pansin at importansya. Noong ako’y bata-
bata pa, akala ko ang pagiging matagumpay ng isang tao ay nakasalaylay sa dami ng kanyang
kagamitan at sa dami ng nakakakilala sa kanya. Kinaiinggitan ko pa nga ang iba kong mga
kaklase dahil mas maganda ang kanilang mga laruan at sila pa ay mga peymus at may sari-
sariling titulong hinahawakan, pero ngayon na ako’y tumanda na, napagtanto ko na hindi naman
nababase ang tagumpay ng isang tao sa mga material na bagay o kung ano ang kumikinang sa
mata ng iba, kundi ito ay nababase sa espiritu ng isang tao na tumutukoy sa kanya ng buong-buo
sa puso. May mga araw din na ako’y kini-criticize ng mga tao sa aking paligid. Nagpapahayag
ng mga salitang hindi sang-ayon sa akin. Natutunan ko na minsan tayo ay nabubulag sa
katotohanan patungkol sa ating mga sarili at ang ibang tao na lamang ang makapagsasabi nito. At
tayo ay tumatanggi sa mga sinasabi ng iba na hindi natin matanggap, dahil ang pinakadakilang
katotohanan sa buhay ay ang pinaka hindi kanais-nais na pakinggan. Pero ang kritisismo pala ng
ibang tao sa atin ay nakatutulong upang mapabuti ang ating pagkatao. Hindi man sa kabuuan,
pero kahit sa ibang parte lamang ng ating sarili. At nakatutulong din na kilalanin natin kung sino
nga ba tayo, ang tunay natin na pagkatao. May mga araw sa gitna ng ating problema doon pa
talaga tayo nawawalan ng kasama. Mga araw na tayo’y napagiisa lamang sa gitna ng paghihirap
at kalungkutan. Pero walang ninuman ang may responsibilidad at obligasyon na harapin at
ayusin ang sarili nating mga problema para sa atin kundi tayo mismo lang din. Tayo lamang ang
may hawak ng padel sa bangka, ang iba ay nagbibigay lamang ng empatiya at suporta para sa
atin.
Lahat tayo ay nasa iisang malawak na karagatan lamang. Mayroon tayong kanya-kanyang
bangka na ating sinsakyan at padel na ating kinagamit upang umusad ang ating sinasakyan. May
mga pagkakatao na tayo ay bigla-bigla na lamang mawawala sa gitna ng karagatan, nag-iisa at
wala ng ibang nakikita. Makakaramdam tayo na hindi na tayo ang may control sa agos at daloy
ng tubig at tila ang bangka natin ay lumulubog at nabubulok na dulot ng mga bagyo, pero hawak
pa rin natin ang ating padel. Hindi man natin alam kung saan tayo itutungo ng mga alon na ito,
yung simpleng pagsisismulang gumamit ng padel upang umusad ang bangka ay sapat na. Patuloy
natin ginagamit ang padel natin dahil naghahanap tayo ng mga kasagutan sa ating mga tanong na
mag papakontento at magpapasaya sa atin. Lagi lang natin tatandaan na gamitin natin ang ating
mga bangka habang naririyan pa, dahil balang araw lahat ng mga bangka at padel sa karagatan
ay mabubulok din sa parehong paraan.

You might also like