You are on page 1of 32

Nakapagbabahagi ng isang halimbawa ng

buod na may kaugnayan sa napanood.

Nakasusulat ng isang buod mula sa pinanood na episodyo ng


isang teleserye at napakinggang balita sa radyo.

Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng


akademiko.
PAGSULAT
NG BUOD
BUOD kahulugan
o tala ng isang indibidwal
o pagbigkas o pagsulat
o pagbasa, pakikinig, panonood
BUOD kahulugan
o paaralan: paggunita
o propesyon: pag-uulat o
dokumentasyon
BUOD at repleksyon
pangangailangan
o kabuoan ng orihinal na teksto
o nyutral/walang kinikilingan
o maikling bersyon ng may-akda,
sariling pananalita ng gumawa
BUOD katangian
1. NAGTATAGLAY NG OBHETIBONG
BALANGKAS NG ORIHINAL NA TEKSTO
o ASSKPB na tanong
o pangunahin at sumusuportang ideya
BUOD katangian
2. HINDI NAGBIBIGAY NG SARILING
IDEYA AT KRITISISMO
o impormasyon ang sentro
BUOD katangian
3. HINDI NAGSASAMA NG MGA HALIMBAWA,
DETALYE, O IMPORMASYONG WALA SA
ORIHINAL NA TEKSTO
o limitasyon
BUOD katangian
4. GUMAGAMIT NG MGA SUSING SALITA
o pangunahing konsepto
BUOD katangian
5. GUMAGAMIT NG SARILING PANANALITA
NGUNIT NAPAPANATILI ANG ORIHINAL NA
MENSAHE
o malikhaing pagpapahayag
BUOD mga hakbang
1. SALUNGGUHITAN ANG MAHAHALAGANG
PUNTO AT DETALYE
o pagmamarka
BUOD mga hakbang
2. ILISTA O IGRUPO ANG PANGUNAHING
IDEYA, SUMUSUPORTANG IDEYA AT
PALIWANAG
o pagbabalangkas
BUOD mga hakbang
3. AYUSIN ANG PAGKASUNOD-SUNOD NG
MGA IDEYA SA LOHIKAL NA PARAAN
o pagpapasimple sa pamamagitan ng
pagsulat nang linyar o sikwensyal
BUOD mga hakbang
4. KUNG GUMAMIT NG UNANG PANAUHAN
ANG AWTOR, PALITAN ITO NG KANYANG
APELYIDO
o perspektibo o identidad
BUOD mga hakbang
5. ISULAT ANG BUOD
o pagpapakilala sa awtor, pinagmulan,
direktang buod
halimbawa
1. SALUNGGUHITAN ANG MAHAHALAGANG PUNTO AT DETALYE
Higit pa sa dekorasyon ang papel ng Baybayin sa pagbubuo
natin ng pagkakakilanlang Pilipino. Bago pa dumating ang mga
Kastila, ginagamit na ito ng mga Babaylan sa panggagamot. Sa
pananaliksik ni Dr. Vicente Villan (2009) ng UP Diliman ay sinabi
niyang "Tinintindigan ko ang Baybayin bilang mahalagang
sagisag ng ating pagkamamamayan at pagkabansa. Ito ay
natatangi dahil hugot mula sa bayan ang nasabing pamanang
pangkalinangan -- kasangkapan ito sa ugnayang panlipunan,
gawaing panrelihiyon, at sa kalusugan." Samakatuwid, sagrado
ang Baybayin para sa mga gumagamit nito sa Luzon at sa
Kabisayaan.
Ang tawag na Baybayin ay isang katagang
pangkalahatan sa wikang Tagalog na tinutukoy ang
lahat ng titik na ginagamit sa pagsulat ng isang wika.
Ibig sabihin, isang “alpabeto” – subali't mas kahawig ito
ng isang "syllabary" o palápantigan. Nakatala itong
pangalang ng lumang sulat sa ang Vocabulario de
Lengua Tagala noong taong 1613. Ito'y mula sa salitang-
ugat na “baybay” na nangangahulugang ispeling. Sa
mga sulatin ng mga unang Espanyol, ang karaniwang
tawag nila sa baybayin ay ang mga “titik o sulat ng mga
Tagalog.” (Morrow, 2002)
Kaugnay ng text messaging, may malaking pagkakatulad
ang proseso ng paggamit ng salita sa cellphone at ang
pagpapantig gamit ang Baybayin. Sa cellphone ang
pagpapantig at pagpapaikli ng salita ay tulad rin sa
prinsipyo ng pagpapantig gamit ang Baybayin.
Halimbawa, kung itatayp sa cellphone ang pangungusap
na PUPUNTA AKO SA BAHAY, tiyak na ganito ito paiikliin sa
PPUNTA AKO S BHY. Malinaw na ang texting at ang
paggamit ng Baybayin ay parehong nakabatay sa
konsepto ng pagpapantig. Magiging kumplikado ang
lahat kung taglish ang pagtetext, halimabawa, PPUNTA ME
SA HAWS katumbas ng naunang halimbawa.
Kung talagang susuriin ay hindi naman talaga bago ang
texting ayon kay Dr. Isagani Cruz. Sa kanayang
artikulong may pamagat na ANG TXTNG BLNG TXTO na
lumabas sa MALAY XVII (1) noong Agosto 2002,
ipinaliwanag niya na ang proseso ng texting ay walang
ipinagkaiba sa speedwriting noon pa mang unang
panahon sa England. Ang nabago lang ay ang
teknolohiya ng paggamit ng speedwriting sa cellphone.
Binigyang diin din ni Dr. Cruz na maging sa Baybayin ay
may istruktura ng texting lalo pa sa Bisayang
pagbabaybay ng mga pagbating maayong aga,
maayong buntag, maupay na aga, daghang salamat.
Marami ang tutol sa pag-aaral ng Baybayin gayong
kapag nagteteks tayo gamit ang Filipino ay ginagamit
natin ang prinsipyo mismo ng pagpapantig gamit ang
pamamaraan ng Baybayin. Natatakot ang mga
matatakutin sa deklarasyon ng Baybayin bilang "official
writing" samantalang hindi naman papaslangin ang
nakagisnang pamamaraan. Kung tamad ang matatanda
at ayaw mag-aral, tiyak namang sa mga estudyanteng
millennials at generation Z ay madali lamang ito dahil
likas naman sa kanila ang mag-aral ng pagsulat ng mga
Koreans, Japanese at Chinese.
2. ILISTA O IGRUPO ANG PANGUNAHING IDEYA, SUMUSUPORTANG
IDEYA AT PALIWANAG

* BAYBAYIN * TEXTING
- kasaysayan - kasaysayan
- estilo - estilo
- pananaw ng - paggamit ng
mga tao tao
2. ILISTA O IGRUPO ANG PANGUNAHING IDEYA, SUMUSUPORTANG
IDEYA AT PALIWANAG

* BAYBAYIN * TEXTING

- kahalagahan
3. AYUSIN ANG PAGKASUNOD-SUNOD NG MGA IDEYA SA LOHIKAL
NA PARAAN
I. Pananaw ng awtor
II. Baybayin
III. Texting
IV. Implikasyon sa Wika at
Pag-aaral
4. KUNG GUMAMIT NG UNANG PANAUHAN ANG AWTOR, PALITAN
ITO NG KANYANG APELYIDO

“Tinuran ni Malabanan…”
“Ipinaliwanag ng manunulay…”

“Kanyang binanggit…”
5. ISULAT ANG BUOD
Ang sanaysay na ito ni Joel Malabanan
ay tumatalakay sa kayang pananaw
sa HB1002 na layong iproklama ang
Baybayin bilang National Writing
System ng Pilipinas. Isinaad niya rito
ang kasaysayan ng bayabayin na
nagamit na bago pa man dumating
ang mga kastila sa Pilipinas.
5. ISULAT ANG BUOD
Nagamit na ito ng mga ninuno sa
kanilang pakikipag-ugnayan at
pamumuhay. Ang sistema ng baybayin
ay pagsasatitik ng mga salita sa
pamamagitan ng pagpapantig. Sa
kabilang banda, sa modernong
panahon ay naihalintulad niya ang
baybayin sa Sistema ng texting.
5. ISULAT ANG BUOD
Kung saan, ginagamit ang
“speedwriting” sa komunikasyon na
kapareho ng Sistema ng baybayin sa
pagsasatitik ng ideya. Inihalintulad niya
ang baybayin sa texting upang ipakita
sa mga di sumasang-ayon sa HB ang
kaparehong sistema na malapit sa
ating karansan at ano ang maitutulong
5. ISULAT ANG BUOD
…nito sa ating wika at identidad. Sa
huli, naniniwala ang manunulat na
hindi man ito sasang-ayunan ng nasa
mas matandang henerasyon, maaaring
ito ay yakapin at makasanayan ng
kabataan sa kadahilanang hindi ito
nalalayo sa pag-aaral nila ng
banyagang Sistema ng pagsulat.
maging responsible.

You might also like