You are on page 1of 17

6

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Romblon

FILIPINO
Pampagkatutong Pahina
( Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa)
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo

Paggamit ng Pangatnig, Pang-angkop


at Pang-ugnay sa Pangungusap

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2021

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.
Hindi inaangkin ni kinakatawan ang tagapaglathala (publisher) at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA- Dibisyon ng
Romblon
SDS: MARIA LUISA D. SERVANDO, Ph. D., CESO VI
ASDS: MABEL F. MUSA Ph. D, CESE

Mga Bumuo ng Kagamitangito para sa Mag-aaral

Manunulat: Roberto Junio Jr, Marie R. Refizo at Yolanda Vitto

Pangnilalamang Patnugot: Ma. Mia B. Muros

Editor ng Wika: Ma. Jennilyn M. Madeja

Ilustreytor: Wenceslao V. Morales Jr.

Tagapag-anyo: Wenceslao V. Morales Jr.

MgaTagasuri: Elalbe F. Junio, Maria Teresa M. Famorcan, Fe M. Moreno, Ma. Mia B. Muros,
Shieme M. Maestro, Lea M. Manungay, Germelyn M. Bauyon, Nema M. Forcado, Ma.
Jennilyn M. Madeja, Reynalyn E. Molo, Hilda M. Fondevilla, Wenceslao V. Morales Jr,
Ilene M. Moreno

MgaTagapamahala:

Maria Luisa D. Servando Ph. D., CESO VI SDS

Mabel F. Musa, Ph.D, CESE, ASDS

Melchor M. Famorcan, PhD, CID Chief

Elalbe F. Junio, EPS-Filipino/MTB-MLE

Ruben Dela Vega, EPS- LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng MIMAROPA, Dibisyon ng Romblon
Office Address: Brgy. Capaclan Romblon, Romblon

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


E-mail Address: deped.sdoromblon@deped.gov.ph

6
Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa

Filipino
Ikaapat na Markahan- Unang Linggo

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


Talaan ng Nilalaman

Paggamit ng Pangatnig, Pang-angkop at Pang-ugnay sa Pangungusap….. 1

Tuklasin Natin………………………………………………………………………….

Pagpapalawak ng Talasalitaan…………………………………………………….

Halinat tayo’y Magbasa……………………………………………………………… 2

Handa na Si Noel
ni Roberto R. Junio Jr…………………………………………………………………

Pag-alam sa Natutuhan……………………………………………………………… 4

Tandaan …………………………………………………………………………………. 5

Tayahin…………………………………………………………………………………… 8

Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………… 10

Sanggunian ………………………………………………………………………….…. 11

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


Aralin 1
Paggamit ng Pangatnig, Pang-angkop
at Pang-ugnay sa Pangungusap
MELC: Nagagamit sa pangungusap ang mga pangatnig, pang-
angkop at pang-ugnay. (F6WG-IIIj-12)

Tuklasin Natin
Alam mo ba?

Ang pag-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa mga


salita, parirala o pangungusap. Itoy ay may tatlong uri:Pangatnig, pang-
angkop at pang-ukol.
Halimbawa: At, pati, nang,bago, habang, upang,sakali, kaya, kung, at
gayon.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita. Piliin ang sagot sa kahon.
Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

A. makalimutan
B. pandaigdigang pagkalat ng isang bagong sakit
C. nakasabit
D. tapat sa loob; seryoso
E. sakit na laganap ngayon sa buong mundo

1. pandemiya 3. mataimtim 5. makaligtaan


2. COVID-19 4. nakapaskil

1
Halina’t Tayo’y Magbasa

Handa na si Noel
ni: Roberto R. Junio Jr.

Tiktilaoooook!

Maagang nagising si Noel ng umagang iyon.

Handang-handa na siya para sa mga nakatakdang gawain para sa


araw na iyon.

“Kumain ka na muna ng agahan upang magkaroon ka ng sapat na


lakas para sa iyong pag-aaral ngayong araw.”, Ang sabi ng kaniyang ina.

“Opo, Inay. Maraming salamat po.” Ang masayang tugon ni Noel sa


ina.

Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang nagsepilyo at kinuha ang


kaniyang pinagkainan sa mesa at tinulungan ang kaniyang ina sa
paghuhugas ng mga ito.

Habang naghuhugas ng mga plato, napag-usapan ng mag-ina ang


gawain ni Noel na kailangang tapusin sa araw na iyon.

2
“Natapos mo na bang sauluhin ang iyong tula sa Filipino?” Ang
tanong ng kaniyang ina.

“Opo, Inay’’. Nakakasiguro po ako na mailalahad ko nang maayos ang


tula ng walang anumang pagkakamali. Ako pa ba, Inay? Kayang-kaya ko po
iyan.” buong pagmamalaki ni Noel sa ina.

“Alam ko naman na makakaya mo iyan’’. ‘’Bilib kaya ako sa iyo’’.


‘’Kaya nga hindi maikakaila na ikaw ay isa sa magagaling na mag-aaral sa
inyong klase’’. ‘’Oh, siya sige, anak, mauna ka na sa iyong silid upang
makapaghanda ka na sa iyong pag-aaral’’. ‘’Ako na ang magtatapos ng mga
gawain dito sa kusina’’. ‘’Tawagin mo lamang ako kung may kailangan ka.”
Sabi ng ina.

Gaya ng ibang bata’’, hindi rin pumapasok ngayon sa paaralan si Noel


dahil sa pandemiya na dulot ng paglaganap ng isang nakakahawang sakit
na COVID-19. Siya ngayon ay nasa bagong paraan ng pag-aaral na kung
tawagin ay Modular Distance Learning.

Inaamin ni Noel sa kaniyang sarili na kung minsan ay nahihirapan


siya sa ganitong pamamaraan ng pag-aaral subalit nauunawaan niya ang
sitwasyon at sa tulong na rin ng kaniyang mga magulang ay nakakaya niya
ang anumang hirap na kaniyang naranasan sa pag-aaral. Ito ay hindi
naging hadlang upang maipagpatuloy niya ang kaniyang nasimulan bagkus
naging inspirasyon niya spa ito upang mag-aral pang mabuti para sa
kaniyang kinabukasan.

Masipag na bata si Noel. Kahit noong umiiral pa ang face-to-face na


klase ay ibinibigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya at nag-aaral nang
mabuti upang makakuha ng mataas na marka.

Ito ang naging pangako niya sa sarili upang maipagmalaki siya ng


kaniyang mga magulang at makatulong sa pamilya kapag siya’y
nakapagtapos.

Sinisiguro niya na sa bawat araw ay laging handa ang kaniyang sarili


at ang mga gamit sa pag-aaral. Pumunta siya sa kaniyang silid at sa isang
sulok nito ay matatagpuan ang kaniyang malinis na mesa kung saan siya
nag-aaral. Mataimtim niyang sinusunod ang oras sa pag-aaral na itinakda
ng kaniyang guro at nakapaskil pa ito sa dingding na nakaharap sa kaniya
upang ito’y hindi niya makaligtaan.

3
Tinitiyak niya na bawat araw ay nasasagutan at natatapos niya ang
lahat ng gawain na kailangan niyang gawin. Para sa mga mahihirap na
gawain, ginagamit niya ang kaniyang paboritong cellphone dahil niregalo ito
ng kanyang ninong noong nakaraang Pasko. Doon ay nakakakuha siya ng
mga ideya para sa kaniyang mga aralin. Ito rin ang kaniyang ginagamit
upang makausap niya ang kaniyang guro sakaling may kailangan siyang
tanungin tungkol sa mga aralin.

“Ayan sa wakas, natapos ko na rin ang lahat ng kailangan kong


gawin. Siguradong matutuwa si Inay dahil makakatulong pa ako sa mga
gawing-bahay.” Masayang nasambit ni Noel.

“Bukas naman ay kailangan ko pang magsanay para sa aking tula


nang sa gayon ay maging maganda ang resulta kapag ito ay ipinakita ko na
sa aking guro sa pamamagitan ng vidyo na ipapasa ko sa kaniya sa
Biyernes.” ani pa ni Noel.

Talagang pursigido si Noel na mapaganda ang kaniyang pagtula


upang masiyahan ang kaniyang guro sa Filipino na si Ginang Hidalgo.

Tulad mo, nasa pareho kayong sitwasyon ni Noel. Pareho kayong nasa
bagong normal na pamamaraan ng pag-aaral na malayo sa dating
nakagawiang –pagpasok sa paaralan, kasama ang iyong guro at mga
kaklase.

Ang mahirap na sitwasyong ito ay hindi kailanman naging balakid kay


Noel para abutin niya ang kaniyang mga pangarap. Sa bawat araw na
nagdaraan, siya ay laging handa; handa sa bagong hamon ng buhay, ang
makapag-aral, matuto at makapagtapos sa gitna ng pandemiya.

Ikaw, handa ka rin ba?

Pag-alam sa Natutuhan
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at Ipaliwanag ang
iyong sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang kuwentong iyong binasa?


2. Ano ang iyong masasabi kay Noel?

4
3. Ano-ano ang mga ipinakitang katangian ni Noel sa kaniyang pag-
aaral?
4. Bakit hindi naging hadlang ang pandemiya upang maipagpatuloy niya
ang kaniyang pag-aaral?
5. Kung ikaw si Noel, paano mo maipapakita ang iyong kahandaan sa
pag-aaral ngayong tayo ay nasa panahon ng pandemiya?
Tandaan/Suriin
Pangatnig
Ang mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita at parirala ay
tinatawag na Pangatnig. Nakatutulong ang mga pangatnig na ito sa
pagbubuo ng diwa sa buong pangungusap. Ilan sa mga madalas
gamiting pangatnig ay ang mga salitang at, dahil, o, saka, pati,
ngunit, ni, maging, subalit, habang, at kung.

Ginagamit ang mga pangatnig na o, ni, maging bilang pamukod.


Pinagbubukod ng mga ito ang mga kaisipang pinag-ugnay.
Halimbawa: Ayaw kitang masugatan ni makagat ng lamok noong
ika’y bata pa.

Ginagamit naman ang at, saka, pati kapag may idaragdag na


salita, panimula, o sugnay.
Halimbawa: Masipag at matulunging bata si Noel.

Kapag sinalungat naman ang ikalawang kaisipan ang unang


ipinahayag na kaisipan, pangatnig na ngunit, subalit, datapwat, at
iba pa ang ginagamit.
Halimbawa: Mahirap ang sitwasyon ng pag-aaral sa ngayon
ngunit
nagpatuloy pa rin si Noel para sa kaniyang pangarap.

Marami pang mga salitang pangatnig. Marami ang mga ito dahil
maraming pagkakataong dapat pag-ugnayin ang mga salita at
parirala upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Narito pa ang

5
ilang halimbawa ng pangatnig: sa, bagkus, sakali, kaya, subalit,
kapag, samantala, anupa’t, at iba pa.

Halimbawa: Hindi naging hadlang ang pandemiya sa pag-aaral ni


Noel bagkus nagsilbi pa itong inspirasyon upang
lalo pang pagtibayin ang kalooban sa anumang
hamon
ng buhay.

Pang-angkop
Ang mga Pang-angkop ay ginagamit ding pang-ugnay. Ito ay ang
mga katagang ng, na at g. Iniuugnay nito ang dalawang
magkaibang salita upang makabuo ng parirala. Pansinin ang mga
halimbawa:

kabataang masisipag masisipag na kabataan


tulong na pinansiyal pinansiyal na tulong
sitwasyong mahirap mahirap na sitwasyon
batang masipag masipag na bata

Narito ang gamit ng mga nasabing pang-angkop:


ng – ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa mga
patinig at idinurugtong ito sa nasabing unang salita
na – ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa
katinig
maliban sa katinig na n. Inihihiwalay ito sa unang salita
g – ginagamit ito kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa
katinig
na n at idinurugtong ito sa unang salita

Pang-ugnay
Ang mga Pang-ugnay ay kailangan natin upang makabuo tayo ng
mga maayos na pangungusap. Iniuugnay nito ang mga salita at

6
pariralang may kaugnayan o koneksiyon sa bawat isa upang
maging buo ang diwa ng mga pahayag. Tinalakay na sa araling ito
ang dalawang pang-ugnay – ang pangatnig at pang-angkop.
Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang pang-ukol.

Ang Pang-ukol ay nag-uugnay sa tinutukoy na pangngalan o


panghalip.
Halimbawa: Para kina Maria at Jose ang mga aklat na ito.
Tungkol kay Lolo ang ibabalita ko sa iyo.

Ang iba pang halimbawa ng pang-ukol ay: para kay, para sa,
laban kay, laban sa, ayon kay, ayon sa, ukol kay, ukol sa,
tungkol kay, at tungkol sa.

Halimbawa: Tungkol sa pandemiya ang tulang ito.

III. Gawain 1 – Pangatnig


A. Panuto: Buuin ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng
panaklong ang angkop na pangatnig na bubuo sa diwa nito.
Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Tumatahol ang alaga naming si Dagul (kapag, subalit, pero) may ibang
taong nakatayo sa harap ng aming bahay.
2. Mahilig magbasa ng aklat (at, upang, o) magsulat ng tula si Noel.
3. Sa panahon ng pandemiya, dapat huwag tayong mawalan ng pag-asa
(samantalang, subalit, bagkus) ay palakasin pa natin ang ating
paniniwala
magiging maayos din ang lahat.
4. Mahalaga na magtakda ng oras ang mga magulang sa paglalaro ng
kanilang
mga anak (dahil, upang, kaya) hindi nila mapabayaan ang pag-aaral.
5. Halos kakaunti na lamang ang mga programang pambata ngayon sa
telebisyon (kaya, maliban, dahil) sa kakulangan ng suporta ng ating
pamahalaan.

B. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na pangatnig.

7
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

6. at -
_______________________________________________________________________
7. dahil -
____________________________________________________________________
8. ngunit -
__________________________________________________________________
9. habang -
__________________________________________________________________
10. bagkus -
_________________________________________________________________

Gawain 2 – Pang-angkop
A. Panuto: Punan ng wastong pang-angkop ang bawat magkapares na
salita.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. mahirap ________ sitwasyon 4. matindi ________ sakit


2. matulungin ________ bata 5. maganda ________ buhay
3. busilak _________ puso

B. Makinig o magbasa ng mga balita tungkol sa nangyaring pandemiya at


ang
pagkalat ng sakit na COVID-19 sa bansa. Ilarawan ang naging epekto nito
sa pamumuhay ng mga tao. Gumamit ng mga tiyak na pang-angkop.
Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Gawain 3 – Pang-ukol
A. Panuto: Tukuyin ang wastong pang-ukol para sa bawat pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. (Ayon sa, Ayon kay) guro ni Noel ay kailangang sundin niya ang mga
itinakdang oras ng pag-aaral nang sa gayon ay hindi siya mahuli sa
pagpasa ng kanyang modyul.
2. (Para sa, Para kay) sa mga batang may edad labindalawa hanggang
labingpito ang bakunang dumating sa munisipiyo.
3. Kailangang agad na masolusyunan ng ating pamahalaan ang isyu
(tungkol
kay, tungkol sa) pandemiyang ating nararanasan.
4. (Para sa, Para kay) ating kaligtasan, ang lahat ay susunod sa mga

8
itinakdang panuntunan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na
COVID-
19.
5. (Tungkol kay, Tungkol sa) Noel ang kuwentong aking binasa sa Filipino.

Tayahin

Panuto:Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang mga pang-ugnay sa


ibaba.
1.tungkol kay - ___________________________________________________________
2. para sa - _______________________________________________________________
3. laban sa - ______________________________________________________________
4. subalit- ________________________________________________________________
5. nang - _________________________________________________________________
6. upang - ________________________________________________________________
7. dahil - _________________________________________________________________
8. at - ____________________________________________________________________
9. kaya - _________________________________________________________________
10.ngunit - _______________________________________________________________

9
Susi sa Pagwawasto

Talasalitaaan
1. B
2. E
3. D
4. C
5. A
Pag-unawa sa binasa
Iba’t iba ang mamaring
kasgutan
I Gawain
A. 1. kapag 4. upang
2. at 5.
dahil
3. bagkus
B. Iba-iba ang maaaring sagot
ng mga bata.

Gawain 2
A. 1. mahirap na sitwasyon
4. matinding sakit
2. matulunging bata
5. magandang
buhay
3. busilak na puso
B. Iba-iba ang maaaring sagot ng
mga bata.

Gawain 3
A. 1. Ayon sa 4. Para sa
2. Para sa 5. Tungkol 10
kay
3. tungkol sa
Sanggunian
Aklat
Patricio Jo C. Agarrado, et. Al, Alab Filipino 5. Quezon City: Vibal Group Inc.
2016

11
12
Para sa mga tanong at suhestiyon, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Corner St. Paul Road, Meralco Avenue, Pasig City
deped.mimaropa4b@deped.gov.ph

13

You might also like