You are on page 1of 1

Bagong laro sa Pilipinas na cornhole, paano nilalaro?

 Enero 21, 2023 7:16pm GMT+08:00


 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News

Puro paghagis na hindi nangangailangan ng sobrang lakas at bilis ng katawan, enjoy para sa lahat ng edad ang bagong laro sa Pilipinas na tinatawag na cornhole. Saan
ba ito nagmula, at paano ito nilalaro?

Sa kwentong Dapat Alam Mo! ni Patricia Tumulak, sinabing sa kasaysayan, nagsimula at nilalaro na ang cornhole sa Cincinnati, Ohio. Ngunit may mga kwentong ang
Black Hawk tribe sa Illinois ang isa sa mga nagpasimula ng laro.

Para sa laro, gumagamit sila ng bean bag na may pinatuyong bladder o pantog ng hayop, na sinamahan ng corn kernels.

Base naman sa iba pang mga kwento, inimbento ito ng German cabinet maker na si Matthias Kuepermann noong 1935, matapos makapanood ng mga batang inihahagi
bato sa maliliit na hukay.

Isa si JP Demontaño, lecturer sa University of the Philippines Diliman at founder ng Philippine beach games, ang isa sa mga pioneer ng larong cornhole sa Pilipinas.

"Ang advantage nitong cornhole, hindi siya katulad ng traditional sports na very demanding sa agility, speed, strength and everything like that. With cornhole, lahat kay
makalaro nito, kahit sino pwedeng maglaro and pwedeng mag-excel. Kahit hindi ka physically fit, hindi ka ganoon ka-agile and everything," sabi ni Demontaño.

Hinihikayat ni Demontaño ang paggamit ng DIY bags na abot ang tamang bigat at sukat nito.

Para rin sa lahat ng edad ang cornhole, kaya maaaring maglaro ang mga bata, estudyante at mga young at heart.

Itinuturo sa UP Diliman College of Human Kinetics ang laro bilang subject.

Ayon naman kay Francis Carlos Diaz, dean ng UP CHK, ang cornhole ay isang target and precision game. —VBL, GMA Integrated News

You might also like