MALINTA MARKET OWNERS & VENDORS ASSOCIATION VALENZUELA CITY
(MMOVAVC) SEC REG. #: CN201810750
Kgg. Mayor Wes Gatchalian
Magandang araw po,
Sa ngalan po ng Malinta Market Owners and Vendors Association Valenzuela City ay pauna po kaming bumabati sa inyo ng advance Merry Christmas and Happy New Year. Nitong darating na kapaskuhan ay muli po kaming kumakatok sa inyong puso na payagan kaming umabante ng isa at kalahating metro mula sa mga orihinal na aming mga pwesto sa palengke dito sa malinta. Ito po ay karaniwan naming ginagawa sa pamamagitan po ng pahintulot ng butihing Mayor ng Lungsod ng Valenzuela, ang layunin po nito ay upang mapaayos pa ang serbisyo sa aming mga kostumer na maaari naming ibigay sa araw ng kapaskuhan. Kung inyo pong ipapahintulot, kami po ay magsisimula mula December 22, 2022 at magtatapos hanggang January 1, 2023. At ito po ay sa kahabaan ng tangke street at kahabaan ng saint Joseph. Harinawa muli niyo po kaming pagbigyan sa biyaya ng Makapangyarihang diyos Amang nasa Langit.