You are on page 1of 1

Ramdam na ang kapaskuhan sa Imus!

Sa nalalapit na kapaskuhan, naghandog ng ibat-ibang programa ang pamahalaang Lungsod Ng


Imus upang magbigay-inspirasyon sa mga Imuseño na maging tanglaw ng kanilang kapwa
kababayan.
Nakiisa ang mga Imuseño sa pagsisimula ng Paskong Imuseño sa isinagawang pagpapailaw ng
Christmas tree at lights sa Imus City Plaza noong Disyembre 2, 2022, tila napuno ng liwanag at
ningning ang pagunita ng programa na pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula
katuwang ang City Tourism and Development Office.
Isang Pamaskong handog naman ang ibinigay ng lokal na pamahalaan sa mga pamilyang
Imuseño sa pamamagitan ng Christmas Box para sa masaganang selebrasyon ng Kapaskuhan.
Kabilang din sa mga inilunsad ngayong Paskong Imuseño ang official Christmas ID ng Imus
noong Disyembre 5, 2022 at hindi magpapahuli ang ImuSarap at Saya Bazaar sa Imus Plaza na
nagbukas noong Disyembre 9, 2022.
Hiling ni Mayor AA ang pagkakaroon ng malasakit at pagtutulungan ng mga Imuseño sa
kanilang pagdiriwang ng Pasko at sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Aniya, “Ipagdiwang po natin ang Pasko nang may pag-ibig at malasakit para sa ating mahal na
lungsod. [At] sa pagsalubong natin sa bagong taon at sa darating pang mga taon, huwag sanang
mawala ang kinang sa ating mga puso, at nawa’y magsilbi tayong tanglaw sa bawat isa.”

You might also like