You are on page 1of 1

PAGBABA NG PRESYO, ANG SIYANG PAGTAAS NG DEMAND.

PAGTAAS NG PRESYO, ANG SIYANG PAGBABA NG DEMAND. 

Ang batas ng demand ay ang nagiging reaksyon ng demand sa tuwing ang presyo ay tumataas o bumababa. Sa tuwing
tumataas ang presyo ng isang produkto, ang demand ay bumababa sa kadahilanang hindi ito kayang bilhin ng ibang konsyumer.
Kapag naman ang presyo ng isang produkto ay bumababa, ang demand nito ay tumataas dahil mas maraming konsyumer ang may
kayang bilhin ang produktong ito. 

Isang halimbawa upang mapatunayan ang batas ng demand ay ang pagdami ng mamimili bago ang isang kalamidad. Sa
tuwing may kalamidad na paparating, nagtatala ng floor price at price freezing ang gobyerno. Dahil dito, mas tumataas ang demand
ng mga tao sa mga produkto dahil ang presyo ng mga produkto ay nananatili sa mababang presyo. 

Ngunit, bakit nga ba tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin? Ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay
tumataas o nagkakaroon ng implasyon kapag ang demand nito ay tumataas. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa mga
pangunahing produkto, kaya itinataas ng mga prodyuser ang presyo ng produkto upang makontrol ang supply ng produkto at
bumaba ang demand ng mga mamimili.

You might also like