You are on page 1of 5

Q3 WK 6 NAME: ______________________________________________ SECTION: ___________________

ARALING PANLIPUNAN: PROGRAMANG IPINATUPAD NG IBA’T IBANG ADMINISTRASYON MULA 1946 HANGGANG 1972
Ang pamamahala ng Ikatlong Republika ay nagsimula noong taong 1946 at nagtapos ng taong 1986. Sa loob ng apat na
dekada ng paghahari ng Ikatlong Republika, ang bansa ay pinamahalaan ng anim na pangulo kung saan ang bawat isa ay nagsagawa
ng iba’t ibang patakaran at programa para sa higit na ikasusulong at ikabubuti ng bansa.

Pangulo at taon ng Mga Programa at Patakaran Mga Nagawa


panunungkulan
1. Manuel A. Roxas  Nagsimula pa lamang siyang ibangon ang Pilipinas sa labi ng  Itinatag ang Rehabilitation
(Abril 23, 1946 – digmaan. Finance Corporation (RPC)
Abril 15, 1948)  Pagsasaayos ng elektripikasyon  Pagtatatag ng Bangko
 Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal Sentral
 Pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang  Paglagda ng Batas Pambansa
 Paghihikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamumuhunan Blg. 34 kaugnay ng partihan ng
sa Pilipinas ani sa lupang sakahan.
 Pagpapasiyasat sa mga likas na kayamanan ng bansang
humantong sa pagmumungkahing kailangang magtatag ng mga
industriyang mangangalaga at lilinang sa mga likas na kayamanan
ng Pilipinas.
 Mga samahang itinatag upang magpautang at mangalaga sa
kapakanan ng magsasaka gaya ng mga sumusunod:
1. NARIC-National Rice and Corn Corporation
2. NACOCO-National Coconut Corporation
3. NAFCO-National Abaca and Other Fibers Corporation
4. NTC-National Tobacco Corporation
2. Elpidio R. Quirino Pinagtuunan niya ng pansin ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa ● Pagtatatag ng ACCPA
(Abril 17, 1948- pamamagitan ng industriyalisasyon. Upang maisulong nang lubos ● Pagtatatag ng mga bangkong
Nobyembre 1953) ang kanyang programa hinggil sa pagpapataas ng antas ng buhay ng rural
mga Pilipino ay ipinatupad niya rin ang mga sumusunod: ● Pagtatatag ng mga bagong
 Pagpapaunlad sa sistema ng patubig o irigasyon sa buong bansa ahensya ng pamahalaan
na kailangan sa pagsasaka. ● Pagtatapos ng Quirino-
 Pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang Fostner Agreement
kalakaran ng transportasyon partikular na ang farm-to-market
roads.
 Pagsasagawa ng lingguhang pag- uulat sa taumbayan sa
pamamagitan ng radyo at pahayagan ukol sa mga gawain ng kanyang
administrasyon.
 Pagtatatag ng President’s Action Committee on Social
Amelioration o PACSA upang matugunan ang pangangailangan ng
mahihirap na mamamayan.
 Pagpapatayo ng mga bangko rural na nagpapautang ng
kapital sa mga magsasaka.
 Pagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
● Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage
Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa.
● Lubos na mobilisasyong ng lahat ng mga posibleng
pagkukunan upang maiangat ang bansa.
3. Ramon F. ● Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law kung saan sa ● Pagbabalik loob ng mga
Magsaysay pamamagitan nito ay itinadhana ang paghahati-hati ng malalaking HUKBALAHAP
(Disyembre 30, asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamahagi nang ● Muling pagtitiwala ng tao
1953-Marso 17, hulugan sa mga kasama. sa pamahalaan
1957) ● Pagpapatayo ng mga poso, artesano at patubig upang mabilis ● Tumulong sa pagtatatag ng
ang pag- unlad ng mga baryo. South East Asian Treaty
● Pagpapagawa ng mga daan at mga tulayupang mailapit ang baryo Organization (SEATO)
sa problasyon o kabayanan. ● Paglikha ng hukumang lilitis sa
● Paglulunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng mga suliraning pansakahan
pagsasaka at bagong uri ng binhi tulad ng Masagana. ● Reporma sa lupa
● Pagpapatay ng Agricultural Credit and Cooperative Financing ● Itinatag ang NARRA
Administration (ACCFA) upang matulungan ang mga magsasaka sa ● Nilagdaan ang Laurel-Langley
pagbili ng kanilang ani. Agreement
● Pagpapatayo ng Farmers’ Cooperative Marketing Association ● Paghiling ng titulo ng lupaing
(FACOMA) kung saan ang mga kasapi nito ay makakautang sa ACCFA sakop ng base militar ng Estados
upang makabili ng kanilang sariling kalabaw sa pagsasaka at Unidos
iba pang kagamitan.
● Pag-oorganisa ng mga kapulungan pambaryo, ng mga sanggunian
sa pagsasaka, at ng mga samahang 4-H na may kinalaman sa
paghahalaman.
● Pagbabago ng estratehiya sa suliranin sa mga HUKBALAHAP
● Paglalapit ng pamahalaan sa “masa”
● Pagpaparamdam ng katapatan sa mga tao lalo na sa mga nayon.
4. Carlos P. Garcia ● Pagtitipid o paglulunsad ng Austerity Program. ● Paghingi ng bayad sa
(Marso 17, 1957- ● Pagiging “una ng mga Pilipino” o Filipino First Policy. paggamit ng base militar ng
Disyembre 30, ● Dagdag na sipag, pag-unlad ng sarili Estados Unidos
1961) ● Pagbabawas ng inaangkat na mga produkto ● Kontra sa HUKBALAHAP na
patakaran
● Pagkuha ng bayad pinsala ng
Hapon sa digmaan 550
milyon
● Nakapangutang ng $250 sa
Hapon
● Paghirang kay Carlos P. Romulo
bilang embahador sa Estados
Unidos.
5. Diosdado P. ● Paghahandog ng sarili bilang modelo sa katapatan sa paglilingkod ● Pagpapasigla ng programa sa
Macapagal ● Pagbuhay ng usapin tungkol sa Sabah Reporma sa Lupa
(Disyembre 30, 1961- ● Pagsasanay ng mga kabataan sa mga gawaing pangkabuhayan ● Pagbabago ng Araw ng
Disyembre 30, 1965) ● Paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkawala ng Kalayaan buhat sa Hulyo 4 na
hanapbuhay ng maraming Pilipino naging Hunyo 12
● Pagtiyak na magkaroon ng sapat na pagkain ang buong bansa sa ● Pagtulong sa pagtatatag ng
pamamagitan ng pagpapalaki ng produksyon. Malaysia, Philippines, at
● Pag-akay sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng kanyang pagiging Indonesia (MAPHILINDO)
huwaran sa pamumuhay ng payak at walang halong karangyaan. ● Pagpapatibay ng Batas 3844
Kodigo ng Reporma sa lupang
pansakahan
6. Ferdinand E. ● Rebolusyong Luntian Himagsikan o Green Revolution o paglaki ng ● Pagtulong sa pagtatatag ng
Marcos produksyon ng bigas at mais dahil sa paggamit ng modernong Association of Southeast Asian
(Disyembre 30, paraan ng irigasyon at pagsasaka. Nation (ASEAN)
1965-Pebrero 25, ● Pagtatanim ng kahoy ● Pagpapasigla ng kilusang
1986) ● Pagtitipon ng pondo kooperatiba
● Pagpapabuti ng pagkolekta ng buwis ● Pagpapagawa ng maraming
● Ang pagsisikap na maging “Dakilang muli ang Bansa” kalsada, tulay at mga paaralan
● Pagbaba ng bilang ng kriminalidad ● Pagpapatupad ng Reporma
● Pagbaba ng katiwaliang nagaganap sa pamahalaan sa Lupa
● Pagpapalawak at higit na pagpapabuti ng programa sa reporma ● Paglikha ng mga bagong
sa lupa. hanapbuhay
● Pagpapalaganap ng mga paglilingkod pangkalusugan sa mga pook ● Pag-utang sa mga
rural. mayayamang bansa sa daigdig
● Pagpapalawak ng pakikipag- ugnayang pandaigdigan ng Pilipinas. ● Pagtatayo ng Cultural Center
of the Philippines, Philippine
Heart Center, Development
Academy of the Philippines,
atbp.

Gawain 1: Isulat ang titik ng bawat programa ng mga pangulo na matatagpuan sa ibaba.
a. Manuel A. Roxas b. Elpidio R. Quirino c. Ramon F. Magsaysay
d. Carlos P. Garcia e. Diosdado P. Macapagal f. Ferdinand E. Marcos

____1. Rebolusyong Luntian o Green Revolution


____2. Pagsasaayos ng elektripikasyon
____3. Pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang kalakalan at transportasyon particular na ang farm-to-market roads.
____4. Paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkawala ng hanapbuhay ng maraming Pilipino
____5. Pagpapabuti ng pagkolekta ng buwis
____6. Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law
____7. Pagtitipid o paglulunsad ng Austerity Program
____8. Paghahandog sa sarili bilang modelo sa katapatan sa paglilingkod
____9. Filipino First Policy o Pilipino Muna
____10. Paglalapit ng pamahalaan sa “masa”
____11. Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
____12. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law

Gawain 2: Suriing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik T kung totoo ang sinasabi tungkol sa mga programa at patakaran at
HT naman kung hindi totoo.
____1. Sa paglulunsad ng Austerity Program, nabigyan ng prayoridad ang mga Pilipinong pagyamanin ang likas na yaman ng bansa.
____2. Sa pangunguna ni Pang. Manuel A. Roxas, itinatag ang mga samahang magpapautang at mangangalaga sa kapakanan ng mga
magsasaka.
____3. Si Ferdinand E. Marcos ang pangulong nagwikang “Ang Pilipinas ay magiging dakilang muli”.
____4. Si Pangulong Manuel A. Roxas ang nagsimula ng pagbangon ng Pilipinas sa labi ng digmaan kayat una niyang isinaayos ang
elektripikasyon.
____5. Naitatag ni Pangulong Elpidio R. Quirino ang President’s Action Committee on Social Amelioration o PACSA upang matugunan
ang mga pangangailangan ng mahihirap na mamamayan.
____6. Programa ni Pang. Diosdado Macapagal ang “Pilipino Muna”.
____7. Pinalawak ni Pang. Ramon F. Magsaysay ang pandaigdigang pakikipag- ugnayan ng Pilipinas.
____8. Isa sa naging programa ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang pagpapatayo ng mga poso, artesyano at patubig upang mapabilis
ang pag-unlad ng mga baryo.
____9. Si Pang. Diosdado Macapagal ang umakay sa mga Pilipino at naging huwaran sa pamumuhay ng payak at walang halong
karangyaan.
____10. Noong panahon ng panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos bumaba ang bilang ng katiwaliang naganap sa pamahalaan.

PERFORMANCE OUTPUT
Itala sa Concept Map
Pumili ka ng isang programa ng pangulo na tumatak sa iyo. Isulat ito sa loob ng kahon at ipaliwanag kung bakit mo ito napili
(Content = 4, Presentation = 3) DITO NA KAYO MAGSASAGOT

PROGRAMA NG PANGULO

BAKIT MO ITO NAPILI?

Q3 WK 7 NAME: ______________________________________________ SECTION: ___________________

ARALING PANLIPUNAN: PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES


Natuklasan natin ang naging kalagayan ng bansang Pilipinas sa ilalim ng bagong Republika. Lalong sumidhi ang kahirapang
dinaranas ng mga mamamayan. Maging ang Estados Unidos at International Monetary Fund (IMF) ay nagkaroon ng pag-aalinlangang
muling magpahiram ng salapi sa bansa dahil sa krisis na dinaranas nito. Para makautang muli, nagbigay ng kondisyon ang IMF na
kailangang mapatunayan ni Pang. Marcos na may tiwala pa ang taong-bayan sa kanya. Dahil sa labis na paghahangad ng Pangulo na
mabawi at mapatunayang malaki pa rin ang pagtitiwala ng mga tao ay ipinahayag niya noong Nobyembre,13 1985 ang pagdaraos ng
isang Snap Election.

ANG PAGTAWAG NG SNAP ELECTION


Noong ika-7 ng Pebrero 1986, naganap ang Snap Election o ang biglaang eleksyon kung saan si Pang. Marcos sa ilalim ng
partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ay lubos na umaasang siya’y muling magwawagi sapagkat ilang beses na niyang
napatunayan ang suporta sa kanya ng mga mamamayan. Ang kanyang katunggali ay si Corazon ‘Cory’ Aquino. Sa katunayan, hindi
niya ninasang pumasok sa pulitika. Subalit maraming sumusuporta sa kanya sapagkat ang taong-bayan ay naniniwalang siya ang
karapat-dapat na kandidatong panlaban kay Pang. Marcos. Bilang asawa ng pinatay na lider na si Ninoy, siya ang pinakabuhay na
biktima ng kasamaan ng remihing hindi marunong kumilala sa karapatang pantao. Sa pamamagitan ng isang milyong pirmang
kinalap ng Corazon Aquino for President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin “Chino” Roces, si Cory ay napapayag na
lumaban kay Marcos.
Sa panahon ng eleksyon, pinahihintulutang lumahok sa bilangan ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) na
pinamumunuan ni Jose Concepcion, isang mangangalakal. Ang himpilan ng NAMFREL ay nasa La Salle Green Hills samantalang ang
Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksyon ay nakahimpil sa PICC. Sa pagbibilang
ng boto, parehong kompyuter ang gamit ng dalawa, subalit ang nakapagtataka magkaiba ang itinatalang resulta ng mga ito. Sa
bilangan ng COMELEC, nanguna si Pang. Marcos ngunit sa NAMFREL malinaw na nanguna si Cory. Dahil sa kaguluhan, ang Batasang
Pambansa na ang nagpatuloy sa pagbibilang sapagkat ang mga nagbibilang sa COMELEC sa pangunguna ni Linda Kapunan ay
huminto na sa pagbibilang dahil di na nila kayang tanggapin ang talamak na dayaan. Sa opisyal na bilang ng Batasan, lumalabas na
sina Marcos at Tolentino ang nanalo subalit hindi ito tinanggap nang oposisyon. Dahil sa resultang, ito ay hinikayat ni Cory Aquino
ang mamamayang Pilipino na magprotesta. Isang kampanya nang di pagsunod o civil disobedience ang inilunsad ni Cory upang
paalisin ang rehimeng Marcos.

ANG 1986 PEOPLE POWER


Naganap ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22 hanggang 25,1986 bunga ng pagmimithi ng mga
mamamayang magkaroon ng pagbabago sa bansa. Ang People Power o Lakas ng Bayan ay nagsimula nang si Juan Ponce Enrile,
Ministro ng Tanggulang Pambansa, at si Hen. Fidel V. Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang-Lakas ay tumiwalag sa
administrasyong Marcos. Naniniwala silang hindi si Marcos ang inihalal ng taong bayan kundi si Cory Aquino kaya’t noong ika-22 ng
Pebrero 1986 ay ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin. Sa pamamagitan ng Radio Veritas, nanawagan sila sa mga
mamamayang suportahan sila at mabigyan ng proteksyon ang mga militar na tumiwalag sa pamahalaan.
Sa pangyayaring ito, nanawagan din si Marcos sa telebisyon, nakiusap siya sa dalawang sumuko at itigil na ang kanilang
ginagawang paglaban sa pamahalaan. Subalit hindi sila natinag sa kanilang ginawang desisyon. Lalong tumibay ang kanilang loob
nang manawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito “Butz” Aquino, kapatid ng yumaong Benigno Aquino, Jr. na tumungo ang mga
tao sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa paligid ng Kampo Crame at Kampo Aguinaldo kung saan nagtatago sina Enrile at
Ramos kasama ang iba pang mga sundalo. Ilang saglit lamang ang lumipas at dumagsa na ang napakaraming tao sa EDSA. May dala
dala silang mga inumin, at pagkain para sa mga sundalo. Dito naganap na nagsimula ang tinaguriang People Power sa EDSA o EDSA I.

Ang Kabayanihang Ginampanan ng mga Pilipino sa Rebolusyon sa EDSA


Ang unang pagsubok sa Lakas ng Bayan o People Power ay naganap noong ika-23 ng Pebrero, kinahapunan ng Linggo nang
ang isang convoy na kinabibilangan ng tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni Hen. Artemio Tadiar ay dumating sa EDSA. Ang
misyon nila ay gawin ang pinag-uutos ni Marcos, ang salakayin ang Kampo Aguinaldo, subalit sila ay sinalubong ng People Power sa
panulukan ng EDSA at Ortigas. Nakaharap nila roon ang mga kapwa nila Pilipinong tahimik na nagdarasal at umaawit. Sa halip na
salubungin ng galit ang mga sundalo ay inabutan nila ang mga ito ng rosaryo, bulaklak, at pagkain. Dahil dito, hindi nagawa ng mga
sundalo ang pinag-uutos sa kanila.
Kinabukasan, ika-24 ng Pebrero, Lunes ng madaling araw, ay isang pangkat naman ng mga sundalong marino ang inatasang
sumalakay sa Kampo Aguinaldo. Hinagisan nila ng mga tear gas ang mga tao upang magkahiwa-hiwalay ang mga ito subalit sila ang
umurong sapagkat sa kanila pumunta ang usok ng tear gas. Hindi nagtagal ay dumating naman ang mga helicopter gunships sa
pamumuno ni Kol. Antonio Sotelo. Nakadama ng takot ang mga tao sapagkat wala silang kalaban- laban sa isang pagsalakay mula sa
himpapawid. Subalit isang himala ang naganap sapagkat ang mga sakay ng helicopter ay pumanig sa kanila. Bago magtanghali nang
araw na iyon ay marami nang sundalo ang kumampi sa panig ng oposisyon.

Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon


Tinatayang umabot sa tatlong milyon ang bilang ng taong nakiisa sa People Power sa EDSA. Sa lugar ng EDSA, sa Channel 4,
at sa mga lansangan patungong Malacañang ay makikita ang nagkakaisang sambayanang Pilipino- pari ,madre, seminarista, pastor,
ministro, matanda, bata, mayaman, mahirap, kristiyano, at maging hindi Kristiyanong ay magkakapit-bisig habang nagdarasal. Buong
tapang nilang sinalubong ang mga kanyon at tangke. Pinakiusapan nila ang mga loyalistang sundalong huwag ipuputok ang
mga tangke at mga kanyon sa mga kapwa nila Pilipino. Sinikap nilang palambutin ang kalooban ng mga kawal sa pamamagitan ng
pagngiti, at pagbibigay ng inumin at pagkain. Higit sa lahat, nagdasal at nagkantahan ng makabayang awitin ang mga tao.
Noong Pebrero 25, ganap nang nagtagumpay ang sambayanang Pilipino. Sa harap ni Mahistradong Claudio Teehankee, si
Corazon C. Aquino ay nanumpa bilang pangulo ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ay nanumpa bilang pangalawang pangulo sa
harap ni Mahistrado Vicente Abad Santos. Ang mahalagang pangyayaring ito ay naganap sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan na
dinaluhan ng libu-libong Pilipino.
Sa kabilang dako naman, sa Malacañang ay nanumpa rin si Pang. Marcos bilang isang pangulo diumano sa harap ni Punong
Mahistrado Ramon Aquino. Ngunit batid ng pamilyang Marcos na wala na silang magagawa upang sila ay manatili pa sa posisyon
dahil ang taong bayan na ang kanilang kalaban, Dahil dito, noong gabi ng Pebrero 25,1986, ang pamilyang Marcos kasama ang
kanilang malalapit na kaibigan ay umalis sa Malacañang sakay ng helicopter patungong Clark Field at mula rito ay tumuloy sa Hawaii.
Sa wakas ay natapos na ang pamumuno ni Pang. Marcos, Ang mapayapang rebolusyong tumagal ng apat na araw ang siyang
nagbigay-wakas sa pamahalaang Marcos. Noong araw na iyon, napuno ng kagalakan at nagdiriwang ang sambayanang Pilipino
sapagkat sa wakas ay kanilang naibalik ang tunay na demokrasya at katarungang matagal na nilang inaasam-asam,

Gawain 1: Pagpapahalaga sa mga tungkulin dapat gampanan ng bawat Pilipino upang mapanatili ang demokrasya sa bansa. Sa
muling pagkakamit ng tunay na demokrasya sa bansa ay mahalagang maunawaan ng bawat isa na ang karapatan at kalayaang
tinatamasa ng mga mamamayan ay may katapat na tungkulin at pananagutan. Basahing mabuti ang mga pahayag at lagyan ng
markang tsek (/) kung ito ay mga tungkuling dapat gawin ng mga Pilipino at ekis (x) naman kung hindi.

1. Ipagtanggol ang bansa sa lahat ng oras.


2. Tangkilikin ang mga produktong galing sa ibang bansa nang higit sa mga gawang Pinoy.
3. Sundin ang mga batas ng pamahalaan.
4. Samantalahin ang kahinaan ng kapwa.
5. Magsikap upang mapaunlad ang sarili.
6. Umasa lagi sa tulong ng mga magulang at mga kamag-anak.
7. Bumoto nang matalino.
8. Magbayad ng tamang buwis sa tamang panahon
9. Tumulong sa mga proyektong magpapaunlad sa bansa
10. Igalang ang karapatan ng kapwa

PERFORMANCE OUTPUT
Isa sa nagpatingkad sa damdaming nasyonalismo sa panahon ng EDSA Rebolusyon ay ang mensahe ng mga awit na sadyang
nilikha para sa mapayapang paraan ng pakikipaglaban ng sambayanang Pilipino laban sa pamahalaang diktatoryal. Isa sa mga ito
ay ang awiting Handog ng Pilipino sa Mundo. Pakinggan ang awiting ito nang ilang ulit o basahin ang lyrics sa baba ng awitin
habang ipinahahayag mo ang iyong pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes sa pamamagitan ng
pagguhit. (Gamitin ang space sa ibaba sa iyung pagguhit) Ang tawag sa gawaing ito ay Music Images. Narito ang mga kagamitang
iyong kakailanganin para sa gawaing ito. (lapis, Crayola o anumang pangkulay, “Handog ng Pilipino sa Mundo”)
https://www.youtube.com/watch?v=vUhLWeDP_v0

Handog Ng Pilipino sa Mundo


(Alamid)
Di na 'ko papayag mawala ka muli. 'Di na 'ko papayag na muli mabawi, Ating kalayaan
kay tagal natin mithi. 'Di na papayagang mabawi muli.
Magkakapit-bisig libo-libong tao. Kay sarap palang maging Pilipino. Sama-sama iisa
ang adhikain. Kelan man 'di na paalipin.
[Refrain:]
Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan,
katarungang Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat. (Mag sama-sama tayo, ikaw at ako)
Masdan ang nagaganap sa aming bayan. Nagkasama ng mahirap at mayaman. Kapit-bisig madre,
pari, at sundalo. Naging Langit itong bahagi ng mundo.
Huwag muling payagang umiral ang dilim. Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin. Magkakapatid
lahat sa Panginoon. Ito'y lagi nating tatandaan. (Repeat refrain two times)

Coda:
Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan. Ay kayang makamit
na walang dahas.Basta't magkaisa tayong lahat!

(Content = 5, Interpretation = 5, Presentation = 3, Neatness = 2)

You might also like