You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN III

Date: Dec. 21. 2022 monday

I. Layunin

 Nasusuri ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon

Pagpapahalaga: Pakikiisa sa gawaing pampangkat

II. Paksang Aralin:

“KASAYSAYAN NG AKING REHIYON”

Sanggunian: araling panlipunan, ikalawang markahan, modyul 1


Kagamitan: tarp papel at mga printed na larawan

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

Pagpapaskil ng tarp pael kung saan nakasulat ang KASAYSAYAN NG AKING


REHIYON. Pagkatapos basahin at ipaliwanag ay Papangkatin sa tatlong grupo ang klase.
Bibigyan ang bawat pangkat ng ginupit na larawan ng mapa ng rehiyon. Ipabuo sa mga
bata ang palaisipan. Pagkatapos ng ilang minuto, tanungin ang mga bata.
Ano ang inyong nabuo? (mapa po teacher)
Ano ang naramdaman ninyo habang kayo ay gumagawa? (excited at natutuwa)
Sino ang nakatapos kaagad? (kami po) paano? (nagtulungan po kami teacher)

B. Panlinang na Gawain:

1. Pagbuo ng mga tanong


Anu anong lalawigan ang kabilang sa mapa na inyong nabuo?? (Zamboanga del
norte, Zamboanga del sur)

2. Pagkuha ng Datos

Bigyan ng takdang gawain ang bawat grupo, gamit ang impormasyon na nakasulat sa
tarp papel
3. mga katanungan:

a. itinalaga ang peninsula ng Zamboanga bilang ______________


b.anu ano ang mga pangunahing hanap buhay ng mga tao dito?_________________
c. ano ang tatlong lalawigan ang nabanggit na bumubuo sa rehiyong IX?______________

4. Pag-uulat
Ang bawat grupo ay may itinalagang leader na siyang mag uulat ng kanilang
nakalap na datos sa harap.
(mag uulat ang leader ng bawat grupo)

5. Paglalahat
Ang rehiyong IX ay binubuo ng Zamboanga city, Zamboanga del norte,
Zamboanga del sur, ang pangunahing hanap buhay dito ay ang pangingisda at pag sasaka

6. Paglalapat
Ilalahad ng bawat grupo ang kanilang nakalap na sagot sa takdang Gawain na
binigay sa kanila

IV. Pagtataya

Kompletohin ang mga sumusunod na pangungusap upang makabuo ng makabuluhang


pahayag.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang ___________________ ay ang ika-79 na lalawigan ng bansa.


2. Sa bisa ng Republic Act No.______ naging lalawigan ang Zamboanga del Norte.
3. Ang pangalang Zamboanga del Sur ay nagmula sa salitang Malay na _____________ na
ang ibig sabihin ay lugar ng mga bulaklak.
4. Noong taong ________,ipinasa ang Executive Order No. 429 kung saang ginagawang
sentro ng Rehiyon IX ang Lungsod ng Pagadian.
5. Ang Zamboanga del Norte ay may dalawang lungsod,ang Lungsod ng Dipolog at Lungsod
ng Dapitan na tinawatag na ______________

V. Takdang-Aralin

Basahin ang inyong aralin patungkol sa “ang kasaysayan ng aking rehiyon”

You might also like