You are on page 1of 4

HOW GREAT IS OUR GOD!

(KAMANGHA-MANGHA ANG KADAKILAAN NG DIYOS

Panimula
1. Sino ang isa sa mga taong hinahangaan mo? Sa anong bagay mo maisasalarawan ang katangiang hinahangaan
mo sa taong ito?

Talakayan
2. Isaiah. 40:1‐31.
Ayon sa v. 9, ano ang iniuutos ng Diyos sa mga Israelita (Tingnan din ang v. 5)? Sa iyong pananaw, anong pagtingin
ang dapat mayroon tayo patungkol sa Diyos?
9
Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion,
magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem!
Sumigaw ka at huwag matatakot [a]
sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,
“Narito na ang inyong Diyos!”

5
Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh,
at makikita ito ng lahat ng tao.
Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”
Halimbawa:
 Paghanga - Ipinapahayag ng Biblia na ang ating Diyos ay Diyos na kahangahanga dahil sa Kanyang kadakilaan.
 Walang hindi kayang gawin ang Diyos.
 Walang Siyang Katulad.

3. May isang aklat na ang pamagat ay Your God is Too Small na isinulat ni J.B. Philipps. Sa tingin mo, ito ba ay tamang
pagsasalarawan sa pananaw ng maraming tao (at maging ng mga Kristiyano) patungkol sa Diyos? Patunayan ang sagot.
Sagot:
 HINDI!
 Walang Katulad ang Diyos -v. 12-26

 Paano natin makikita ang kadakilaan ng Diyos sa Kanyang mga gawa? v. 12, 


12
Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay?
Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan?
Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan?
Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?

 Paanong makapagpapatunay ng kadakilaan ng Diyos kung titingnan natin ang mga bansa? V. 15,17
15
Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,
    tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;

    at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.

17
Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa.
 anong ebidensya ng kadakilaan ng Diyos ang makikita natin sa Kanyang nilikha sa mundo? v. 22
Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan;
mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam.
Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina,
tulad ng tolda upang matirahan.
 Paano pinatutunayan ng Diyos ang Kanyang kadakilaan sa pamamagitan ng mga makapangyarihang tao?
Magbigay ng halimbawa sa kasalukuyang panahon.
v. 23
23
Inaalis niya ang mga pinuno sa kapangyarihan,
at ginagawang walang kabuluhan.

 Mga bituin sa langit?  v. 26, Awit 19:1, 2.


26
Tumingala kayo sa langit!
Sino ba ang lumikha ng mga bituin?
Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos,
at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan?
Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan,
walang nawala sa kanila kahit isa man.

19
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!
Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

2
Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang,
patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

6. Ano ang implikasyon ng kadakilaan ng Diyos sa paraan ng ating pagsamba sa Kanya? Paano natin babaguhin ang
mga gawi natin na di nagpapakita na dakila Siya? Awit 145:3, 5; 48:1; at 96:3, 6.
Awit 145: 3 Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin;
    kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.

5Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita,


    at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Awit 48:1 Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.

Awit 96: 3, Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila,

sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

6 Siya'y puspos ng karangalan at ng kaluwalhatian;

ang lakas niya't kagandahan ay sa templo mamamasdan.

HOW GREAT IS OUR GOD!


(KAMANGHA-MANGHA ANG KADAKILAAN NG DIYOS

Panimula
 Sino ang isa sa mga taong hinahangaan mo? Paano mo maisasalarawan ang katangiang hinahangaan mo sa taong
ito?
Talakayan
 Isaiah. 40:1‐31.
Ayon sa v. 9, ano ang iniuutos ng Diyos sa mga Israelita (Tingnan din ang v. 5)?
Sa iyong pananaw, anong pagtingin ang dapat mayroon tayo patungkol sa Diyos?
9 Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion,
magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem!
Sumigaw ka at huwag matatakot [a]
sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,
“Narito na ang inyong Diyos!”

5 Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh,


at makikita ito ng lahat ng tao.
Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”
 Mamangha sa ‘di masusukat at walang‐katulad na kadakilaan ng Diyos.
 Paghanga - na ang ating Diyos ay Diyos na kahangahanga dahil sa Kanyang mga gawa.

 May isang aklat na ang pamagat ay Your God is Too Small na isinulat ni J.B. Philipps. Sa tingin mo, ito ba ay tamang
pagsasalarawan sa pananaw ng maraming tao (at maging ng mga Kristiyano) patungkol sa Diyos? Patunayan ang
sagot.
Sagot:
 HINDI!
 Walang Katulad ang Diyos -v. 12-26

5 Pagpapatunay ng Kadakilaan ng Diyos


1. Sa Kanyang mga gawa – v.12
12
Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay?
Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan?
Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan?
Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?

2. Sa mga bansa - V. 15,17


15
Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,
    tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;

    at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.

17
Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa.

3. sa mundo? v. 22
22
Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan;
mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam.
Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina,
tulad ng tolda upang matirahan.

4. sa pamamagitan ng mga makapangyarihang tao? (v. 23) Magbigay ng halimbawa sa kasalukuyang


panahon.

23
Inaalis niya ang mga pinuno sa kapangyarihan,
at ginagawang walang kabuluhan.

5. Mga bituin sa langit?  v. 26, Awit 19:1, 2.

26
Tumingala kayo sa langit!
Sino ba ang lumikha ng mga bituin?
Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos,
at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan?
Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan,
walang nawala sa kanila kahit isa man.

19 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!


Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

2 Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang,


patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

Implikasyon sa ating pagsamba ay dapat na…


Awit 145: 3 Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin;
    kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.

5Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita,


    at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Awit 48:1 Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.

Awit 96: 3, Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila,

sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

6 Siya'y puspos ng karangalan at ng kaluwalhatian;

ang lakas niya't kagandahan ay sa templo mamamasdan.

 Karapat-dapat na purihin at Dakilain.


 Ipahayag ang dakila niyang gawa

Pagsasabuhay

 Bilang isang grupo, ilista ang mga katangian ng Diyos mula A hanggang Z
(Halimbawa: A‐almighty; C‐conqueror).

Awit 95:3, “Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila’t makapangyarihang Diyos,


ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos.”

You might also like