You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IVA CALABARZON
DIVISION OF QUEZON
Lopez National Comprehensive High School
Lopez, Quezon

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Asignatura: Komunikasyon at Baitang: 11 Markahan: Ikalawang Markahan


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Petsa: Nobyembre 7-11, 2022 Sesyon: 4 na sesyon Linggo: 1

Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang - alang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba -
iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.

Kompetensi  Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga linggwiastiko at kultural na pagkakaiba sa lipunang Filipino sa mga
pelikula at dulang napanood.
 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social media posts at iba
pa. (F11PB – IIa – 96)

I. Layunin 1. Nakikilala ang blog at iba’t ibang social media na ginagamitan ng wika.
2. Nasusuri ang mga dayalogong ginagmit sa pelikula.
3. Naipaliliwanag ang wastong gamit ng wika sa blog, social media posts at iba pa.
4. Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa mga pelikula.
5. Nagagamit ang wastong paraan ng pagpapahayag sa paggamit ng wika sa mga blog, social media posts
6. Nabibigyang halaga ang mga pelikulang Pilipino.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa  Sitwasyong Pangwika sa Social Media


 Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Dula

B. Sanggunian ADM Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


C. Kagamitang Panturo ● ADM Modyul ng mga Mag-aaral, Telebisyon

III. Pamamaraan

A. Aktibiti  May puzzle na ihanda ang guro na bubuuin ng mga mag-aaral. Ang mga larawang kanilang bubuuin ay ang
mga social media platforms na talamak sa panahon ngayon.

 Alamin kung sino ang nagsabi ng mga linya sa pelikula .

1. I deserve an explanation, I need an acceptable reason.


2. Syinota mo ako e, syinota moa ng bestfriend mo.
3. O yes kaibigan mo lang ako. And I’m stupid to makle the biggest mistake to fall in love with my bestfriend.
4. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mon a , sana ako na lang, ako na lang ulit.
5. Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahalmo akobecause that is what I
deserve.

B. Analisis
Pagtalakay sa aralin.
Mga Gabay na Tanong:
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA
1. Ano ang social media?
2. Ano ang wikang ginagamit sa social media?
3. Ibigay ang mga social media platforms at sitwasyon ng wika .
4. Ano ang mga paraang ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng nararamdaman sa social media?
5. Anong mga pagbabago ang naidulot ng social media sa ating wika?
6. Ano ang epekto ng social media sa wikang Filipino?

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA AT DULA


1.Ano ang pelikula/dula?
2. Anong wika ang ginagamit sa pelikulang Pilipino?
3.Ilahad ang sitwasyong pangwika sa pelikula at dula.
4. Magbigay ng mga pelikula noon na tumatak sa isipan ng mga Pilipino.
5. Ihalintulad ang pelikula noon sa pelikula ngayon.
6. Sino ang tinaguriang ama ng pelikulang Pilipino?

C. Abstraksyon  Sa mga nababasa mong mga post sa social media , ano ang magsasabi mo sa kalagayan ng ating wika ?
 Bakit kaya Ingles ang karaniwang ginagamit na pamagat sa mga pelikulang Pilipino? Ipaliwanag.

D. Aplikasyon  Gumawa ng isang hugot line ukol sa kaugnayan ng wika at social media.
 Sa mga famous line ng pelikulang Pilipino, gayahin ito sa pamamagitan ng pagbidyo.

IV. Pagtataya Maikling pagsusulit (1-10)


1. Social media platforms na tumatalakay sa isang paksa na magmistulang “diary”
2. Ama ng pelikulang Pilipino.
3. Ito ang kaunahang pelikulang Pilipino?
4. Ito ay pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa isang pahayag.
5-7. Tatlong sangkap ng dula.
8. Sining ng panitikan na ang layunin ay maipakita sa pamamagitan ng pagtatanghal sa entablado o tanghalan.
9. Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahalmo akobecause that is what I deserve.
Anong wika ang ginamit sa pahayag?
10. May akda ng dulang Sa Pula, Sa Puti.

V. Takdang-Aralin Basahin ang nilalaman ng Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan at Kalakalan.

Inihanda nina :

LYKA B. ROLDAN GEORGE D. OMONGOS ALEJANDRO L. LIBANTINO III

Isinulit kay:

TERESITA A. PALLAN
Dalubguro I

You might also like