Professional Documents
Culture Documents
Vision
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to serve
the broader community through quality education.
Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and
professional growth and enabling the person to participate in a global, technology and
research-driven environment.
Goals
1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer
projects can be implemented with the direct and indirect involvement of the UB
family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination
and cooperation with services and welfare organizations.
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and Sports
components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater arts,
health and safety, labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc.
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or
individual through enhancement programs like group dynamics, recollections,
retreats, etc.
5. To support environmental awareness and management programs and other
community development projects.
Objectives
1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of
truth, and knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of
instructional delivery.
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational
process that will enhance human character and dignity;
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational
content relevant to national development needs, conditions and aspirations;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects;
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities
and systems development;
6. Ensure financial viability and profitability
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national, regional
and global labor environment; and
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship and
creative activities that impact economic and societal development
FIL1- KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (MODYUL 1)
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan ng mga pangkating katutubo
sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-
araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa
iba’t-ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at
mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang
karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.
Ang wika ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan upang magkaisa ang
mga tao (Rubin,1989). Dapat malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan nito. Isa sa
mga pinag-uusapan ngayon ang balitang tatanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo
at dahil dito tila maraming mamamayan ang talaga namang nagkakagulo. Hunyo 28, 2013,
nang inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang Memorandum Order No. 20
o ang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic
Competencies.” Batay sa memorandum na ito, hindi na ituturo ang Filipino bilang
asignatura sa kolehiyo kapag naipatupad na ang programang K to 12 sa 2016. Tinukoy ni
Pambansang alagad ng Sining sa Panitikan, Dr. Bienvenido Lumbera ang kolonyal na
edukasyon kung bakit pilit na tinatanggal ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. Ayon
sa kanya ang mga awtoridad na nasa sistema ng edukasyon na gumagawa ng patakaran ay
pawang mga produkto ng isang kolonyal na edukasyon. Ingles ang kanilang wika nang sila
ay mag-aral at hindi kataka- taka na ang edukasyon sa Pilipinas na pinamamahalaan ng
ating mga awtoridad ay laging humahanay sa mga taga-kanluran ang sistema ng
edukasyon na gusto nating pantayan.
Ngunit kahit na dalawang taon pa bago ito maipatupad, may ilang grupo na ang
talaga namang tumutol dito at isa na rito ang aktibong alyansa ng Tanggol Wika. May mga
indibidwal rin tulad ng mga guro ang nagbigay ng kani- kanilang pahayag ukol sa nabangit
na kontrobersiya. Binanggit nina Briones at San Juan ng De La Salle University-Manila sa
aklat ni Mortera (2019), na ang halos buong CHED Memorandum Order (CMO) ay nasa
wikang Ingles, isang wikang banyaga at hindi ginagamit ng nakararaming mamamayan sa
pang-araw-araw na komunikasyon. Sa simula pa lamang ay kitang-kita na ang malawak na
agwat ng mga tagabalangkas ng patakarang pang-edukasyon na Ingles ang wikang gamit
at ng mga mamamayang Pilipino na wikang pambansa o mga wikang rehiyunal ang gamit.
Ayon naman kay Dr. Antonio Contreras ng DLSU sa aklat pa rin ni Mortera (2019), mas
mabilis matuto ang mga mag-aaral kung Filipino ang ginagamit na midyum sa pagtuturo
dahil naiitindihan nila ang lenggwahe. Para naman kay Marvin Lai, tagapangulo ng
Department of Filipinology sa Polytechnic University of the Philippines, ang pagtatanggal sa
Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay katulad ng pagtatanggal sa identidad ng
mamamayang Pilipino. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng mga positibo at
negatibong epekto ng Memorandum Order Blg. 20 sa buong bansa. Sa katunayan, nais
ipabatid ng mga mananaliksik ang pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa bawat antas;
sa elementarya, sa sekondarya at maging sa kolehiyo. Nais ring ipaalam ng mga
mananaliksik sa lahat ang kahalagahan ng patuloy na paggamit at pagsuporta sa ating
wikang pambansa. Ang pag-aaral na ito ay magiging
mahalaga sa lahat ng mamamayan sa ating bayan. Magiging mas mabisa ang
pagtangkilik natin sa wikang Filipino at mas lalo pa tayong magiging alerto at mabahala
ukol sa isyung nabanggit.
Sinabi ni Ridon na isa ring abogado, na dapat pag-aralan ng Kongreso ang posibleng
epekto ng direktiba ng CHEd sa mga estudyante at guro. Ayon din kay Ruby Ann Bernado,
guro ng Filipino sa Sta. Lucia High School, matapos ang ilang taong implementasyon ng K
to 12, hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga modules sa pagtuturo nito. Nananatiling
kulang ang mga guro at iba pang rekisitos para sa programang ito. Tinatayang nasa
mahigit kumulang 100,000 na mga propesor sa kolehiyo sa buong bansa ang
pinapangambahang mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa kabuuang
implementasyon ng K to 12. Ayon sa kanya, sa halip na magsayang ng oras at pondo sa
pagpapalit ng kurikulum sa edukasyon para lamang matugunan ang pangangailangan ng
mga malalaking negosyo ng dayuhan, dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang
pagpapaunlad ng kalidad at abot-kayang edukasyon na may kakayahang lumikha ng
pambansang industriya at ekonomiyang nakakatindig sa sarili. Ayon naman kay Wilmor
Pacay III, isang guro sa kolehiyo sa pribadong pamantasan, may diskriminasyon na noon
pa man sa Wikang Filipino at Wikang Ingles, ngayon tahasan nang tinanggal ang Wikang
Filipino. Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipno at obligasyon ng
gobyerno na ituro ito sa mga mamamayan pero ginawa itong krimen ng CHED sa inilabas
nitong memo, sabi pa ni Pacay (Mortera, 2019).
Sinabi ni San Juan na isa sa mga hakbang na isinagawa ng Filipino Department ang
paghahain ng position paper sa CHED na naglalaman ng mga hinaing ng mga propesor ng
DLSU patungkol sa pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Nagpahayag si Dr.
Elena R. Mirano na dapat lahat ng pumapasok sa kolehiyo ay mayroong isang kabuuan ng
kaalaman hindi lang isang makitid na larangan. Kung kaya’t kami sa mga ibang sining at iba
ring larangan at siyensiya sa Unibersidad ay nakikiisa dito sa isyung ito. Sa perspektiba
naman ni Flores tungkol sa bagong kurikulum at sa K to 12, hindi pa handa ang Pilipinas
para sa K to 12 at sinabi niya na ang balangkas talaga ng trahedya sa akademya ay ang K
to 12 kasi ilang libo ang kulang na guro, mga upuan at kuwarto, at ilang milyong teksbuk
ang kulang. Sampung milyon hanggang 15 milyong teksbuk pero tinapatan na naman ng
dagdag na tatlong taon. Hindi pa nasusulosyunan ang problema ng dating sitwasyon sa
basic education. Sinuportahan ni San Juan ang pahayag ni Guillermo at binigyang-diin na
maging sa Estados Unidos kung saan kinopya ng CHED ang balangkas ng K to 12, na hindi
nila sinasabi na ang K to 12 ng Amerika, pagdating ng college, sa GEC ay required pa rin
ang national language at iyon ay ang Ingles. Sa ibang kaso ay 6 units, sa ibang sitwasyon
ay 3 units at sa iba naman ay 9 units pa ang required na English subjects sa Estados
Unidos (Mortera, 2019).
Sila rin ay umaasang makamit ang layunin na pigilan ang pagtanggal ng Wikang
Filipino sa kurikulum sa kolehiyo kahit pa ito ay labag sa desisyon ng Saligang Batas.
“But the fight is not over yet. We will file a second motion for reconsideration, and we
will stop the country’s Supreme Court-sponsored marriage to a foreign tongue, or shall
we dare say, cultural genocide,” ani ng nasabing grupo.
Boses ng mga unibersidad
Taong 2018 nang ipapatupad na ang CHED Memorandum no. 20, series of
2013 o ang pagrerebisa sa sistema ng edukasyon. Nakatungtong na sa kolehiyo ang
mga nakapagtapos ng Grade 12 o ang unang batch ng Senior High sa bansa. Ang
memorandum na ito ay inilabas noong Hunyo 28, 2013 na naglalayong tanggalin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat na lamang ito sa Senior High School. Ang
batas na ito ay may layuning paunlarin ang mga kabataan sa kanilang napiling larangan
at upang maging mga mahuhusay ding mga indibidwal na pinahahalagahan ang
kanilang mga kaalaman, maging bukas dahil dito, at upang maging mas makabuluhan
ang kanilang tungkulin sa bansa at sa mas malawak pang komunidad (Mortera,
2019).Ayon sa Commission on Higher Education, ang pangunahing layunin ng CHED
Memorandum no 20 series of 2013 ay ang sumusunod:
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Filipino (KOMFIL)
PagbasaatPagsulatTungo Sa
Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina (FILDIS)
Pananaliksik
Dalumat ng/sa Filipino (DALUMAT-FIL)-
Masining na Pagpapahayag
iba ito sa dating kurso
Sosyedad at Literatura/ Panitikang
Philippine Literature of the Region Panlipunan (SOSLIT)- iba ito sa dating
kurso
Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan
Master Works of the World
(SINESOS)- iba ito sa dating kurso
Hindi naman maitatanggi na inaaral din bilang kurso ang Filipino sa mga
banyagang bansa. Sa pananaliksik ni San Juan na binanggit sa aklat ni Morter (2019),
itinala niya ang mga institusyong akademiko sa labas ng bansa na nagtuturo ng Wikang
Pambansa. Nagmula ang tala mula sa pagsusuri sa mga website ng mga kolehiyo at
Unibersidad. May dalawampung (20) institusyon ang nagtuturo ng Filipino bilang
required sa core courses, sampung (10) paaralan sa high school at humigit kumulang
na limampung (50) iba pang institusyon na nagtuturo rin ng Philippine Studies.
PAUNANG PAGTATAYA
• Ito ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na
ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng simbolo.
• Tumutukoy ito sa proseso ng pagkatuto o pagtatamo ng kaalaman, kasanayan,
prinsipyo moralidad, paniniwala at gawi.
• Ito ay tumutukoy sa hanay ng kaugalian halaga at paniniwala na mayroon ang
isang tao.
• Sinasabing ito ay isang kamalayan sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang
relihiyon, wika, kultura, kasaysayan at pagpapahalaga.
• Ito ay nangangahulugang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa
paglutas ng suliranin.
NILALAMAN
Hinimay sa iba’t ibang pagkilala nina Smith at Dechant sa aklat ni Villamin et.al. ang
pagbasa bilang iba-iba ring proseso. Narito ang mga iyon na tinapatan ng mga kaugnay na
konsepto ng pagbasa ayon sa iba’t ibang paham at website tungkol sa larang na ito.
Ang mga inilahad sa itaas ay mga batayang kaalamang may malaking tulong sa
mga mag-aaral sa pagsasakatuparan ng kritikal na pagbasa bilang tugon sa
pangangailangan sa domeyn-akademiko.
KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
• Nakasusulat ng isang makabuluhang pagsusuri hinggil sa pagpoproseso ng
impormasyon.
• Napag-uugnay ang mga konsepto at impormasyong nakalap sa paraang pasulat.
PAUNANG PAGTATAYA
Ano ang mahahalagang ambag ng pananaliksik sa pagtataguyod ng Filipino bilang isang
disiplina? Isaalang-alang ang gabay na nasa ibaba upang mapagsunud-sunod nang
maayos ang iyong kasagutan.
Pangunahing Ideya
Paksang Pangungusap
Paksang Pangungusap
Konklusyon
NILALAMAN
PAUNANG PAGTATAYA
1. Ito ay proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o interaksyon ng mga tao sa
isa’t isa.
2. Sino ang madalas na kalahok sa umpukan sa loob ng klasrum?
3. Dahil sa makabagong _________ ay nakabubuo pa rin tayo ng
komunikasyon kahit na malayo ang agwat natin sa isa’t isa.
4. Ang uri ng komunikasyong ito ay karaniwang ginagamitan ng kilos ng parte
katawan na maaaring kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kila’y at
iba pa.
5. Ito ay uri ng komunikasyon na ginagamitan ng pagsusulat o pagsasalita upang
makabuo ng talastasan.
NILALAMAN
1. TSISMISAN: ISTORYAHAN NG BUHAY- BUHAY NG MGA KABABAYAN
KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
• Natutukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa
buong bansa.
• Nakapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
• Nakapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan na nauukol sa mga
napapanahong isyu.
• Nakapagpapakita ng mga kaalaman sa mga napapanahong isyung lokal at
nasyonal.
PAUNANG PAGTATAYA
1. Itinuturing na palansak na kataga na tumutukoy sa kondisyong medikal na sanhi ng
mali o kakulangan sa pagkain.
2. Tumutukoy ito sa kalagayan ng isang tao kung saan ay hindi niya matugunan ang
mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Ito ay tumutukoy sa hindi inaasahang pangyayari na sanhi ng mga proseso sa kalikasan
na nagdudulot ng pagkawasak at panganib sa mga tinatamaan nito.
4. Tumutukoy ang terminong ito sa kalagayan ng ating pangangatawan.
5. Sistema ito ng pagnanakaw ng isang nakatataas na indibidwal sa salapi ng bayan o
ng kaniyang nasasakupan.
NILALAMAN
Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa bansa, hindi pa rin dapat
mawalan ng pag-asa na darating at darating pa rin ang panahon na masusugpo
ang mga ito sa bansa. Kinakailangan lamang siyempre na pag-ukulan ng pansin
ang isyung ito, lalo na mula sa gobyerno. Siyempre pa, kinakailangan din ang
pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan nang sa gayon ay makamtan natin ang
layuning mabura ang malnutrisyon sa mga Pilipino.
Artikulong hango mula sa https://mediko.ph/malnutrisyon-problema-ng-kahirapan-sa-
pilipinas/
Repleksyon:_____________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________
KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
• Natutukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa
buong bansa.
• Nakapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
• Nakapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan na nauukol sa mga
napapanahong isyu.
• Naipapahayag ang mga kaalaman sa mga napapanahong isyung lokal at
nasyonal.
PAUNANG PAGTATAYA
1. Kilala mo ba ang mga karakter sa ibaba? Sila ang mga karakter mula sa
Bagani, isang programang pangtelebisyon.
2. Anong konsepto ng bayani ang ipinapakita sa programa? Ang konsepto bang
ito ay katulad o naaayon sa konsepto ng bayani ng mga Manobo?
NILALAMAN
Konsepto ng Bayani
Para sa mga Manobo, ang Bagani ay siyang itinuturing na mga mandirigma na
tagapagtanggol ng kanilang komunidad mula sa panganib.
Matatandaan na noong 2018 humingi ng paglilinaw at paliwanag si Commisioner
Ronald Adamat ng CHED na nagpahayag ng kanyang pag-aalala at pangamba hinggil sa
ibang representasyon o pagpapakilala ng Bagani bilang mga karakter na nagtataglay ng
kakaibang kapangyarihan. Tinugunan naman ng produksyon ang hiling ng komisyoner.
(Para sa kabuuan ng arikulo makikita ito sa https://bit.ly/2WYml5s )
Nakakuha ang bansa ng 36 puntos para sa taong 2018, mas mataas kaysa sa 34
noong 2017.
Pinu-pulsuhan ng CPI ang mga eksperto't negosyente sa kung ano sa 180 bansa
ang sa tingin nila'y pinakakorap at pinakamatuwid.
Pasok sa top 10 "least courrupt" ang Denmark, New Zealand, Finland, Singapore,
Sweden, Switzerland, Norway, Netherlands, Canada at Luxembourg.
“With several democratic institutions under threat across the globe – often by
leaders with authoritarian or populist tendencies – we need to do more to
strengthen checks and balances and protect citizens’ rights,” ani Patricia Moreira,
managing director ng Transparency International.
Umabot na sa danger zone ang bed capacity ng ilang ospital sa bansa ayon sa pahayag
ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na sinang-ayunan naman ng
Department of Health (DOH). Dahil dito kinailangang gumawa ng hakbang ang
kagawaran upang mabigyang solusyon ito.
PAUNANG PAGTATAYA
1. Ito ay sistema ng pagnanakaw ng pera ng nasasakupan ng indibidwal na nasa
posisyon.
2. Tumutukoy ito sa kalagayan kung saan hindi napupunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng isang tao.
3. Ito ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa.
4. Tumutukoy ito sa paraan ng pamumuhay at kagawian ng mga tao sa isang lugar.
5. Ito ay tumutukoy sa konsepto ng mas malawak na pagkakaugnay-ugnay ng iba’t
ibang bansa sa mundo.
NILALAMAN
Ano ang Globalisasyon?
Ang globalisasyon ay ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa
integrasyon at interaksyon ng mga tao at organisasyon ng iba’t ibang bansa. Sa
madaling salita, ang globalisasyon ay ang pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa
mundo. Sa tulong ng teknolohiya, ang globalisasyon ay nagpapabilis ng internasyonal
na kalakalan at pamumuhunan. Habang ang paraan o prosesong ito ay umiiral, ang
mga tao ay nagkakaroon ng pandaigdigang palitan ng mga produkto, impormasyon at
mga kaugalian. Masasabing umusbong ang globalisasyon sa pamamagitan ng mabilis
na pag-unlad ng teknolohiya.
Ang salitang ito ay tumutukoy din sa integrasyon ng ekonomiks, kultura,
politikal, relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar na umaabot sa buong
mundo. Ang globalisasyon ay nakadepende sa mga ginagampanan ng mga tao tulad ng
migrasyon, kalakalang panlabas, paglaki o pagliit ng kapital at integrasyon ng financial
market. Sa tulong naman ng globalisasyon, ang pamantayang interes ng pandaigdigang
pamilihan ay tumutugma sa mga lokal na presyo, produkto at sahod ng isang bansa.
Anu-ano ang Tatlong Uri ng Globalisasyon at Ano ang Kahulugan ng mga ito?
May tatlong anyo/uri ang globalisasyon. Ito ay ang ekonomiko, politikal, at sosyo-
kultural. Sa ibaba, makikita ang paliwanag sa bawat isa.
Ang globalisasyong ekonomiko ay anyo ng globalisasyon kung saan nakasentro
ang talakayan sa “ekonomiya”. Tinatalakay dito ang pagpapalitan ng produkto at
serbisyo sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig. Mapapansin natin ang mabilis na
pagbabago ng kalakalan sa daigdig. Sa paglipas ng siglo, nagsilabasan ang malalaking
korporasyon na hindi lamang sa pinanggalingang lugar may operasyon, kundi,
tumatakbo rin ang kanilang mga negosyo sa labas ng kanilang bansa.
Ang globalisasyong politikal ay ang mabilis na ugnayan sa pagitan ng magka-
ibang bansa. Ito rin ay nangangahulugang pagbubuo ng isang pandaigdigang samahan
kung saan nagkakaroon ng sistematikong ugnayan ang mga bansa.
Ang globalisasyong sosyo-kultural naman ay tumutukoy sa mabilisang
pagpapalaganap ng impormasyon, kultura, kaugalian, at iba na may kinalaman sa
interaksyon ng mga tao. Naapektuhan nito ang gawi at nakasanayan ng mga tao sa isang
partikular na lugar sapagkat naiimpluwensyahan ang ito ng dayuhang kultura. Karagdagan
pa, mas nagiging konektado ang bawat isa dahil sa modernong teknolohiya.
1. EPEKTO NG GLOBALISASYON SA PAMUMUHAY
• Pinaniniwalaang ang malaya at bukas na kalakalan ay makalilikha ng trabaho at
pagkakataong makalakal ang produkto sa iba’t ibang bansa.
• Makakabuti ito sa mamimili sapagkat makabibili sila ng maraming produkto.
Makakalikha ng iba’t ibang produkto na maaaring mula sa sarili nating kagamitan o
maaaring kagamitang mula sa ibang bansa.
• Lumaki ang agwat ng maunlad at umuunlad na bansa. Makikita na sa pag-unlad ng
iba’t ibang bansa ay mayroon pa ring mga bansa ang hindi gaanong nakakahabol at ang
iba naman ay napag iiwanan na.
• Lumala ang pagitan ng mahihirap at mayayaman. Maaaring hindi mabili ng mahihirap
ang mga pangangailangan nila sa ganitong pagkakataon na siyang nagpapakita ng
agwat ng mahihirap sa mayayaman
1. EPEKTO NG GLOBALISASYON SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
• Karaniwang agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga papaunlad na bansa.
Magsisilbing buhay ito ng kabuhayan sapagkat ito ang pagmumulan ng iba’t ibang
produktong nalilikha at naibebenta sa bansa.
• Bunga ng malawakang kahirapan at mahigpit na pangangailangan sa dolyar,
ikinokompromiso ng mga pamahalaan ng mga papaunlad na bansa ang kanilang
pambansan interes.
• Cash Crop – Tumutukoy ito sa mga pananim na ibinebenta sa pamilihan upang
pagkakitaan.
• Crop Conversion – Tawag ito sa pagpapalit ng mga itinanim sa sakahan. Halimbawa,
mula palay tungong mga produktong panluwas.
• UMUUNLAD NA BANSA BILANG TAMBAKAN NG MGA LABIS NA PRODUKTO
• Ang umuunlad na bansa ay nagiging tambakan ng mga labis na produkto o surplus
product. Mistula namang tambakan ng basura ang mga umuunlad pa lamang at hindi
mauunlad na bansa na nag-aangkat ng mga depektibong produkto. Halimbawa na lamang
sa ibang mga malls sa Pilipinas, kakikitaan ito ng ilang mga produkto na surplus. Kung
minsan ay mas mabili pa ang mga ganitong produkto sapagkat hindi gaanong kataasan
ang presyo nito.
• Technological Divide – Pagpapakita ito ng hindi pantay na antas ng teknolohiya sa pagitan
ng mayayaman at mahihirap na mamamayan. Sa ganitong pagkakataon mas may kakayahan
ang mayayaman na makabili ng mga teknolohiya kaysa sa mga mahihirap.
1. UMUUNLAD NA BANSA BILANG TAGA-SUPLAY NG LAKAS/PAGGAWA
• Ito ay makatutulong sa mahihirap na bansa na walang sapat na kakayahan upang
maglunsad ng pambansang industriyalisasyon, napipilitang umasa na lamang ang mga
ito sa tulong ng kanilang iniluluwas na lakas-paggawa.
• Ang mga mamamayan ng mga bansang ito ay nangingibang bansa bilang mga
migranteng manggagawa. Dito mabibigyan ng opurtunidad na kumita ng mas malaking
halaga ang mga manggagawa.
• Internationalization of the Division of Labor – Pagpapangkat-pangkat ito sa mga
yugto ng produksiyon kung saan ginagampanan ng bawat yugto ng mga manggagawa
mula sa iba’t ibang bansa sa Third World. Ang call center ay isang bahagi ng
organisasyon o kumpanya kung saan ito ang sumasagot sa mga katanungan o
namamahala sa mga ipinapaabot na komunikasyon ng mga kliyente.
Ilan pang halimbawa sa mga epekto ng globalisasyon:
Epekto ng Globalisasyon
KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
• Naiisa-isa ang mga uri o halimbawa ng mga tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon
• Napagkukumpara ang bawat uri ng mga sitwasyong pangkomunikasyon.
• Nasusuri ang mga kahalagahan at mga kapakinabangan ng bawat uri ng tiyak
na sitwasyong pangkomunikasyon.
PAUNANG PAGTATAYA
1. Ito ay isinasagawa upang mabigyang linaw ng mga magkakausap ang bagay na
hindi nila napagkasunduan.
2. Tumutukoy sa pagpunta sa iba’t ibang lugar o tirahan upang magsiyasat ng
mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon.
3. Ito ay ang pagpupulong para sa isang talakayan na karaniwang isinasagawa
ng mga asosasyon o organisasyon.
4. Isang uri ng pagsasalita na nagmula sasalitang Latin na “lectura” na
nangangahulugang pagbabasa.
5. Tumutukoy ito sa sistema na ginagamit bilang paraan ng pakikipag-ugnayan
sa virtual na komunidad at mga network.
NILALAMAN
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANG KOMUNIKASYON
Mainam itong estratehiya upang maging mas targeted ang mga tugon na nais makalap
mula sa mga partisipant.
Lektyur at Seminar
Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng organize na pagsasanay. Nakatuon ang
lektyur at seminar sa maliit na pagtitipon ng mga kalahok na kadalasang binubuo ng 20
hanggang 70 kalahok na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa.
Malimit itong inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi
at nagtatagal ng isang buong maghapon hanggang pitong araw depende sa layunin ng
pagsasanay. Ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar ang pagsasanay ng
makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid-aralan, mga mandatory seminars sa
bagong luklok na opisyal ng barangay, pagsasanay sa mga bagong pamamaraan ng
birth control na isinasagawa sa mga barangay at iba pa.
Mabisang platform ang lektyur at seminar para ipakilala ang mga bagong kaalaman
at paraan upang i-update ang dati nang nalalaman ng mga prospektibong kalahok.
Upang lalong matiyak kung natamo ang mga layunin ng lektyur at seminar
iminumungkahi na gamitin ang balangkas na ito kung may inaasahang bagong output
mula sa mga dadalo.
Pulong
Tumatawag tayo ng pagpupulong kung kailangan nating makapangalap ng
impormasyon at idea, magbigay ng mga impormasyon, o hingin ang payo ng
nakararami para sa isang desisyon. Sa mga pormal na pagpupulong, tulad ng mga
miting sa barangay, o pagtitipon ng mga magulang at guro sa eskwelahan, may mga
angkop na pananalitang ginagamit.
Halimbawa nito ay “Maging matahimik na upang masimulan na ang pagpupulong.”
at “pinagtibay ang mungkahi”. Ang mga pananalitang ito ay nakatutulong upang
maging maganda ang takbo ng pulong, maging maayos ang mga gawain at aksyon sa
pagpupulong.Tandaan na ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng
mga tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga
bagay-bagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu.
May mga angkop na pananalita na ginagamit para maging maayos, mahusay at
produktibo ang pamamahala o daloy ng isang pulong. Ang mga pormal na pananalita
na ginagamit sa pagpupulong ay maaaring gawaing simple subalit hindi naman
nababago ang kahulugan nito. Narito ang mga angkop na pananalita sa pagpupulong.
• Tumahimik na tayo at magsimula na ang ating pulong.
• Mayroon ba tayong korum?
• Iminumungkahi ko na…..
• Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
• May pag-uusapan ba tungkol sa bagay na iyan?
• Magbobotohan na tayo. Pinagtibay ang mungkahi.
• Maaari bang itala ‘yan sa ating rekord?
Ngunit gaya ng ibang daluyan ng mensahe, may kahinaan din ang radio at
telebisyon. Ilan sa limitasyon ng telebisyon at radio ay ang pagiging one sided o hindi
demokratisado dahilan upang hindi mabigyan ng pagkakataon sa tagapakinig o
tagapanood upang malaya at agarang makapagbigay ng puna at haka sa mga inilalahad
na impormasyon ng tagapanayam o host. Isa pa sa mga puna sa telebisyon at radyo ay
ang pagiging corporate driven ng mga ito. Dahil may estasyon, malimit na nakakiling
ang opinyon ng mga tagapanayam.
Video Conferencing
Bilang epekto ng globalisasyon, naging mas progresibo ang teknolohiya na nagbunga ng
iba’t ibang paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang video conferencing o ang
interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang lokasyon sa
pamamagitan ng pagtatawagan na may kasamang video. Nangangailangan ito ng internet
connection at computer o ‘di kaya’y tablet o smartphone. Epektibong midyum ito lalo na
para sa mga kompanyang may mga satellite sa ibang bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng
mga kompanya o maging mga kinatawan ng mga bansa upang magdaos ng mga
pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras at iba pang pinagkukunan. Naging daluyan
na rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng komunikasyon, partikular sa mga open
universities. Pinadali nito ang dating mas mahirap na proseso ng pagkamit ng digri o
sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga pamilyang may kamag-
anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang may OFW na tinatayang nasa 2.3 milyon na
noong 2017 (Philippine Statistics Authority).
Ngunit ilan sa mga maaaring maging hamon sa paggamit ng video conferencing ay
ang limitadong internet connection sa Pilipinas at mababang antas ng karunungan sa
nabanggit na pamamaraang pangkomunikasyon. Bagama’t mainam na pamamaraan
ang video conferencing upang mapanatili ang komunikasyon sa pagitan ng mga
miyembro ng pamilya o magkakaibigan isa sa mga puna ng mga eksperto ay ang
limitasyon nito sa pagpapakita ng tunay na tugon ng mga kalahok.
Worksyap
Kadalasang nagtatagal nang anim hanggang walong oras sa maghapon o
hanggang pitong araw, inoorganisa ang worksyap o palihan nang may tiyak na
produkto o output na inaasahan mula sa mga kalahok. Upang maging produktibo ang
isang worksyap, iminumungkahi na limitahan ang dami ng mga kalahok upang himukin
ang kolaboratibong paggawa, ngunit kung malaki ang bilang, maaari din naman
magkaroon ng mga concurrent break-out session upang mas mapadali ang halimbawa
ng worksyap ay pagtuturo ng paggawa ng handicrafts sa isang komunidad upang
pasiglahin ang turismo, pagsulat ng ortograpiya ng isang wikang rehiyonal, pagbuo ng
manwal sa pagtugon sa mga suliraning kaugnay ng Gender and Development o maging
ng Disaster Risk Reduction and Mangement at iba pa.
Bunsod sa mga nabanggit at iba pang mali at abusadong paggamit sa social media,
isinabatas ang Republic Act 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Law of 2012.
Layon ng batas na ito na hadlangan at patawan ng kaso ang mga nais gumawa ng
krimen sa internet. Bilang tugon sa hamon ng nagbabagong panahon patuloy rin ang
ginagawang pagtuturo ng literasi sa midya sa mga paraalan at unibersidad sa Pilipinas.
Sa katunayan bahagi ng kurikulum sa Senior High School ang Media and Information
Literacy.