You are on page 1of 28

Kuwento ni

Alicia B. Villarante

Guhit ni
Ronan DC. Vergara
Ang Magkakaibigan
Maikling Kuwento sa Kinder

Book and Print Awareness


LLKBPA-00-2 l Identify parts of a book (font and book cover and its pages)
LLKBPA-00-3 l Identify / Read the title of the story
Attitude Towards Reading
LLKBPA-00-9 l Listen attentively and react during story reading
Listening Comprehension
LLKLC-00-2 l Recall details of the story
LLKLC-lh-3 l Talk about the characters and event in short stories
LLKLC-lg-4 l Relate personal experiences to the events in stories
LLKLC-00-5 l Retell stories listened to with the help of the pictures
LLKLC-00-6 l Give the correct sequence of three events in the story
listened to
LLKLC-00-8 l Infer characters’ feelings and traits in a story listened to
LLKLC-00-9 l Identify simple cause and effect to the story listened to
This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2018
of the Department of Education.

Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall


subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the
Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit.
DepEd may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of
statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and
dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before adminis-
trative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character.

For the purpose of citation, the following is recommended.

Villarante, Alicia B. Ang Magkakaibigan. DepEd-BLR, 2019

Development Team

Writer: Alicia B. Villarante
Illustrator: Ronan DC. Vergara
Learning Resource Manager: Henry P. Contemplacion
Eugenio S. Adrao

San Pablo City


Region IV-A CALABARZON
Isang umaga, nagtaka si
Bag nang siya ay magising.
“Aba! Bakit ang gaan ng
aking pakiramdam?”
“Nasaan ang aking mga
kasama?” sabi niya sa sarili.
Tumingin siya sa paligid.
Tumingin siya sa itaas, sa
kaliwa, sa kanan, paikot-ikot
ang tingin.

“Nasaan kayo?” wika ni Bag.


Napatingin siya sa sahig.
Nakita niya si Ballpen.

“Bakit ka nariyan, kaibigan?


Ano’ng ginagawa mo?” tanong
ni Bag.
“Naku! Nahilo ako kagabi,
at inabot ng uhaw. Wala na
akong tinta,” sagot ni Ballpen
sa kaibigan.
Maya-maya pa, may narinig
siyang tunog.

“Hmm…. Hmm….”
Ano iyon?
Nakita naman ni Bag si Aklat
sa mesa. Tinanong niya si Aklat.

“Ano ang iyong ginagawa?”


“Bakit ka nariyan?”
“Nahilo ako kagabi.
Pabalik-balik akong
binasa. Pabalik-balik ang
aking dahon.
Nanlalambot na ako.”
“Inaantok ako. Gusto
kong matulog. Pumikit ang
aking dahon. Gusto kong
maisara na.”
Biglang lumakas ang hangin.

Natigilan si Bag. May narinig


siya sa paligid.
“Whoooss… tsk… tsk… tsk…”
Nagliliparan ang mga papel.
Isa-isa itong lumalayo. Narinig
ni Bag ang isang tinig.

“Mauubos na ako.”
“Kaibigang Papel, ano’ng
nangyayari? Tila namamayat
ka na.”

“Oo, muntik nang maubos


ang mga dahon ko. Maraming
beses akong ginamit.”
“Paulit-ulit akong kinuskos.
Hinila ang aking dahon. Pinilas
ang aking dahon. Ginusot
akong mabuti.”
Tinawag ni Bag ang mga
kaibigan. Nang bigla silang
nagulat. Isang malakas na tinig
ang kanilang narinig.
“Anak, halika na. Ayusin mo
ang iyong gamit. Kailangan mo
nang pumasok.”
“Opo,” wika ng
anak habang
siya ay
lumalapit.
Isa-isang pinulot ni Kyrie ang
kaniyang mga gamit. Ibinalik
niya ito sa bag. Inayos niya
itong mabuti.
“Handa ka na ba, Anak?”
“Mayroon kayong pagsusulit.”

“Opo Inay”, sagot ni Kyrie sa


kanyang ina.
“Paulit-ulit kong binasa
ang aklat. Isinulat ko ang
mahahalaga. Akin itong
tinandaan.”

“Mabuti naman kung


ganoon,” sagot ng ina.
“O, sige, Anak, mag-ingat
ka. Good luck sa iyong
pagsusulit.” Agad dinampot ni
Kyrie ang kanyang bag.
Nagpaalam siya sa ina.
Natuwa si Bag nang bitbitin
siya ni Kyrie.

“Salamat, mga kaibigan.


Magkakasama na tayong
muli.”
TUNGKOL SA MAY-AKDA

Si Alicia Baet Villarante ay ipinanganak


noong April 28, 1963. Nagsimula siyang
magturo noong 1988 sa Colegio de Los Baños,
na dating kilala bilang Los Baños Science
School. Mula 1998 ay nagtuturo siya sa Fule
Almeda Elementary School sa San Pablo City.
Dalawang beses siyang naging nominado
ng paarlan bilang natatanging guro. Naging
Teacher In-Charge taong 2013—2014.

TUNGKOL SA GUMUHIT

Si Ronan Dela Cruz Vergara ay guro


sa Camp Vicente Lim Integrated School sa
lungsod ng Calamba. Bukod sa pagsusulat,
paglikha ng musika, at pagguhit, siya ay
gumagawa ng maiikling pelikula kasama ang
CinemaCampo, isang grupo ng mga mag-
aaral na nahihilig sa nasabing sining. Kabiyak
siya ni Lea at tatay ni Yanni, na siyang kumuha
sa larawan sa kaliwa.
Nagising si Bag
na nawawala ang
kanyang mga kaibigan.
Nasaan na sila?
Halina at ating alamin.

You might also like