You are on page 1of 15

6

Filipino
Kwarter 3-Linggo 5, Modyul 5:
Paggamit ng Wastong
Pang-angkop at Pangatnig

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 -Modyul 5: Paggamit ng Wastong Pang-angkop at Pangatnig

Unang Edisyon 2020


Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO-V
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6
Author : Nurshia A. Tacbas
Illustrator and Layout Artist: Del Cagang
Proofreader, In-House Content and Language Editors:
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar ,PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Members Maria Eva S. Edon, Ph.D., CID Chief
Monisa P. Maba ,Ph.D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Joselito C. Epe,Ed.D, PSDS
Editha M. Tawantawan, ESP I
Justina T. Sanchez, ESP I
Anisa D. Sarip,Ph.D.,HT-III
Lawanun Mohamad, HT III
Anisa A. Maruhom, HT III
Inilimbag sa Pilipinas ng ______________
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Filipino 6
Kwarter 3-Modyul 5, Linggo 5:
Paggamit ng Wastong
Pang-angkop at Pangatnig

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa
Departamento ng Edukasyon - Dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang lahat
ng guro at mga stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-email sa
kanilang mga puna, komento o mungkahi sa Deped-Lanao del Norte Division at
lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER:


Ang modyul na ito ay para sa mga hangaring pang-edukasyon
lamang. Ang mga hiniram na materyales (halimbawa, mga kanta, kwento,
tula, larawan, pangalan ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa modyul na
ito ay pagmamay-ari ng copyright holders. Ang publisher at mga may-akda
ay hindi kumakatawan o nang-aangkin ng pagmamay-ari sa kanila. Taos-
pusong pagpapahalaga sa mga nakagawa ng makabuluhang mga
kontribusyon sa modyul na ito.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Page

TAKIP NA PAHINA
PAHINA NG COPY RIGHT
PAHINA NG TITULO

Aralin 1 – Paggamit ng Wastong Pang-angkop at Pangatnig

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 3
Suriin 4
Pagyamanin 5
Isaisip 6
Isagawa 6
Mensahe para Guro
Tayahin 7
Karagdagang Gawain 9
Susi sa Pagwawasto 10
Sanggunian 11
Aralin Paggamit ng Wastong Pang-
5 angkop at Pangatnig

Alamin

Panimula:

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Filipino!


Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Ikalimang Linggo . Ito
ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa
pag-aaral sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang linggo.

Kasanayang Pampagkatuto:
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito sa loob ng isang linggo,
inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod na kasanayan.
1. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig F6WG-IIIJ-12;
2. Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat F6PT-
IIIJ-15;
3. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon at katotohanan F6PB-IIIJ-19.

Umpisahan mo na at alamin ang napapaloob sa modyul na ito.

Subukin

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga tanong at isulat sa iyong sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang ipinagdiriwang sa bakuran ng Sultan?


a. Piyesta sa nayon c. Araw ng mga Puso
b. Kaarawan ng kaniyang anak d. Araw ng Kalayaan

2. Sa Islamikong alamat, saan natagpuan ni Muhammad ang sarimanok?


a. sa malawak na hardin c. sa Kalangitan
b. sa malayong lugar d. sa palasyo ng Sultan

3. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa salitang


tinuringan?

1
a. Pang-angkop c. Pang-uri
b. Pangatnig d. Pang-abay

4. Hinintay ng Sultan ang pagbabalik ng kaniyang anak. Ano ang salitang ugat
ng salitang “hinintay”?
a. intay c. Hinintay
b. Hintay d. Nintay

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang Katotohanan?


a. Ang sarimanok ay isang tandang na maaaring galing sa kalangitan.
b. Maaaring nakakapagsalita ang sarimanok.
c. Maaring naging anyong tao ang tandang.
d. Ang sarimanok ay mahalagang sagisag ng mga Muslim sa Mindanao.

Balikan

Panuto:
Basahin ang lathalaing pinamagatang ”Ang Relihiyong Islam”. Gumawa ng
papaksang balangkas tungkol sa iyong binasa.
Ang Relihiyong Islam
Magsulputan man ang iba’t ibang sekta ng paniniwala sa bansa, hindi raw
mabubuwag pa ang pananalig ng mga Muslim sa kinagisnang pananampalataya.
Ayon nga sa magagaling na mananalaysay, hindi nasakop ng mga Espanyol ang
mga Muslim dahil sa tatag ng kanilang pananampalataya.Kakaiba ang relihiyon ng
mga Muslim. Ito ang pananampalatayang Islam. Ang Islam ay salitang Arabe na ang
kahulugan ay kapayapaan. Sa nasabing pananampalataya, si Allah ang kinikilala
nilang panginoon at si Muhammad ang kanilang propeta – ang sugo ni Allah.
Katulad ng mga Kristiyano, ang mga Muslim ay may tungkuling pangrelihiyon din.
Ilan sa kanilang tungkulin ay ang pagdarasal ng limang beses maghapon nang
nakaharap sa Mecca. Kung buwan naman ng Ramadan, nag-aayuno sila. Minsan sa
maghapon lang sila kumain. Umiiwas din sila sa pag-inom at pagsasalita ng
masama. Idagdag pa rito ang pagbibigay ng sakat. Ang sakat ay ikasampung bahagi
ng kanilang kita na inilalaan o iniaambag para sa nangangailangan.
Ayon sa mga pantas, naging matibay raw ang pundasyon ng relihiyong Islam
dahil sa kanilang paniniwala. Naniniwala sila sa pagdating ng araw ng paghuhukom.
Higit sa lahat, naniniwala sila na ang kakayahang gumawa ng mabuti o masama ay
nagmumula sa kapangyarihan, kagustuhan , o kautusan ni Allah.

Maraming mga palagay sa pagdating at paglaganap ng relihiyong Islam sa


ating bansa. Ayon sa mga iskolar, mga dayuhang mangangalakal na Arabe at
Muslim ang naging dahilan ng paglaganap nito. Sinasabi namang ang mga

2
dayuhang guro at tagapangaral ang nagpapalaganap ng pananampalatayang Islam.
Ipinapalagay ring may kinalaman ang mga pinuno ng ating mga ninuno noon.
Naniniwala kasi sila na ang pagsunod sa relihiyong Islam ay makapagpapanatili sa
kanilag kapangyarihang pulitikal.
Magsulputan man ang iba’t ibang sekta ng paniniwala sa bansa, hindi raw
mabubuwag pa ang ng mga Muslim sa kinagisnang pananampalataya. Ayon nga sa
magagaling na mananalaysay, hindi nasakop ng mga Espanyol ang mga Muslim
dahil sa tatag ng kanilang pananampalataya.

Ang Relihiyong Islam


I. _____________________
A. ______________________________________
B. ______________________________________
II. _____________________
A. ______________________________________
B. ______________________________________
III. _____________________
A. ______________________________________
B. ______________________________________
C. ______________________________________
IV. _____________________
A. ______________________________________
B. ______________________________________

Tuklasin

Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang alamat. Alamin ang pinagmulan ng isang
mahalagang sagisag ng mga muslim. Pagtuunan din ng pansin ang wastong
paggamit ng pang-angkop at pangatnig.

Alamat ng Sari-manok
Kwentong Bayan

Ang sarimanok ay isang mahalagang sagisag ng mga kapatid nating Muslim


sa Mindanao. Simbolo ito ng dugong bughaw, katanyagan, kayamanan at
karangalan. Nagmula ang sarimanok sa isang Islamikong alamat. Ayon sa nasabing
alamat, natagpuan ni Muhammad ang isang tandang sa una sa pitong kalangitan.
Lubhang napakalaki ng manok na ang palong nito ay dumadaiti sa ikalawang
kalangitan.

Maraming kwentong bayan tungkol sa sarimanok. Narito ang isa sa mga ito:

May kaisa-isang anak na dalaga ang sultang Maranao sa Lanao. Maganda,


mabait, magalang, at matulungin si Sari. Hindi kataka-takang mapamahal sa Sultan
at sa mga tao si Sari.

3
Nang sumapit ang ikalabingwalong kaarawan ni Sari, isang malaking piging
ang iginayak ng Sultan para sa kanya. Ipinagdiwang ito sa malawak na bakuran nina
Sari. Nagagayakan ang buong paligid. Talagang marangya at masaganang salu-salo
ang inihanda ng Sultan sa pinakamamahal niyang anak.

Masayang-masaya ang lahat. Nang biglang may lumitaw na malaking-


malaking manok na tandang. Nagulat ang balana. Hangang-hanga sila sa magarang
tindig ng manok. Lalo pang nagulat sila nang sa isang iglap ay nagbago ng anyo ang
tandang na manok. Naging isang napakakisig na prinsipe ito. Magalang itong bumati
sa lahat at pagkatapos ay nagsalita nang malakas.

“Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay matagal ko
nang inalagaan, binantayan, at minahal,” ang sabi ng mahiwagang prinsipe. Lalong
nagulat ang lahat at halos walang nakakilos o nakapagsalita man lamang.

Muling nag-anyong tandang ito at kinuha ang dalagang binanggit niya na


walang iba kundi si Sari. Lumipad itong paitaas. Mula noon ay hindi na nakita pa si
Sari at ang manok.
Lungkot na lungkot ang Sultan. Hinintay ang pagbabalik ni Sari at ng manok.
Ngunit hindi na sila nagbalik. Iniutos ng sultan sa pinakamagaling na manlililok ng
tribu na lumilok sa kahoy ng magilas na tandang na iyon na tumangay sa kanyang
anak.
Nayari ang isang napakagandang lilok sa kahoy. Ito ay mahal na mahal ng
Sultan. Tinawag niya itong sari-manok. Naging simbolo ito ng tribu.
Maraming palagay at haka-haka tungkol sa sari-manok. Ito raw ay gintong
ibon na ayon sa iba ay siyang nagdala sa mga tao sa pulo ng Mindanao ng
maraming biyaya.
Anuman ang hiwagang nakabalot hinggil sa sari-manok, ito ay mananatiling
sagisag ng mga kapatid na Muslim sa Mindanao at maging sa ating bansa. Dapat
nating ipagmalaki ang sagisag na ito. Isang likhang sining at pamana ng ating mga
ninuno.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang ulat. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Sino si Sari?
2. Bakit napamahal sa lahat si Sari?
3. Paano mo ilalarawan si Sari?
4. Ano ang pakay ng mahiwagang tandang?
5. Tama ba ang ginawa ng mahiwagang tandang kay Sari?Bakit?

4
Pagyamanin

Gawain I
Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang tsek (/) kung tama ang ginamit na
pang-angkop o pangatnig sa mga sumusunod na mga pangungusap, ekis (X) naman
kung mali ang paggamit.

_______1. May kaisa-isa na anak na dalaga ang sultan ng Maranao sa Lanao.


_______2. Isang malaking piging sa kanilang malawak na bakuran ang inihandog ng
sultan sa kaniyang anak.
_______3. Kinuha ng prinsepe ang dalagang kaniyang minamahal.
_______4. Ang sarimanok daw ay gintong ibon na ayon sa iba ay siyang nagdala sa
mga tao sa pulo ng Mindanao ng maraming biyaya.
_______5. Lumipad ang mahiwagang tandang at kinuha ang dalagang si Sari.

Gawain II
Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang mga
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang uri ng panlaping ginagamit sa bawat
pangungusap.

gulat sikap malaki kuha lungkot

1. Nang biglang lumitaw 2. ________ ng mahiwagang


ang mahiwagang prinsepe si Sari.
tandang, ________ ang
lahat.
4. Lungkot na lungkot ang
3. ___________ ang
Sultan kaya _________
nadama ng sultan nang
niyang makahanap ng
nawala ang kaniyang anak.
manlililok.
5. Dapat nating _________ ang
sariling atin.

Gawain III
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang K kung ang pahayag ay katotohanan at O
naman kung ito ay opinyon lamang.

______1. Ang Sarimanok ay simbolo ng dugong bughaw, katanyagan, kayamanan


at karangalan sa mga Muslim sa Mindanao.
______2. Maaaring ang tandang ay mahiwaga at nagbibigay ng biyaya.
______3. Tinawag na Sarimanok ang tandang sapagkat maaaring ipinangalan ito
kay Sari.

5
______4. Isang Likhang Sining ang paglililok ng sarimanook sa ating bansa kaya
naman ito ay dapat nating ipagmalaki.
______5. Maraming haka haka at palagay tungkol sa pinagmulan ng sarimanok.

Isaisip

Ang Pang-angkop ay tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa


salitang tinuringan. Ito ay ang mga katagang; na at ng. Sa makabagong balarila,
dalawa na lamang ang uri ng pang-angkop, ang na at ng.

Mga halimbawa: anak na dalaga, dalagang anak, bayang magiliw.

Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at


sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga
pangyayari sa isang lathalain ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa
mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na ginagamit sa
pangungusap.

Uri ng Pangatnig
1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pantangi gaya ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa: Maghahanda ba tayo sa kaarawan mo o kakain na lang sa
labas?

2. Panubali-nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng, kung, kapag, pag,


sakali, sana.
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

3. Paninsay-kapag sinalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang


bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit
Halimbawa: Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi-nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos.


ANg mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni Aling Myrna dahil sa bagyo.

5. Panapos-nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pananalita, gaya ng:


upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa: Makukuha ko na rin sa wakas ang pangarap kong promosyon sa
trabaho.

6
6. Panlinaw-ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang
banggit : kung gayon
Halimbawa: Nagkasundo na ang mga trabahador at mayari, kung gayon ay
magbubukas na ang planta.

7. Panimbang-ginagamit sa paghahayag ng karagdaganng impormasyon at


kaisipan, gaya ng at, saka, pati, kaya, anupa’t
Halimbawa: Pati ang aso ay kanyang inampon.

8. Pamanggit-gumagaya o nagsasabi lamang ng iba tulad ng: daw/raw, sa


ganang akin/iyo, di umano.
Halimbawa: Di umano, mahusay umawit si Lesly.

9. Panulad-tumutulad ng mga pangyayari o gawa tulad ng: kung sino, siyang,


kung ano, siya rin, kung gaano, siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
Ang Panlapi ay mga katagang ikinakabit sa salitang- ugat upang makabuo ng
bagong salita.

Mga Uri ng Panlapi


1. Unlapi ang tawag sa panlaping nilalagay sa unahan ng salita.
halimbawa: pag-asa, malaki at nanliit.
2. Gitlapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang ugat
halimbawa: gumuhit at kinain.
3. Hulapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang
ugat halimbawa: mahalin at patawan.
4. Kabilaan naman kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan ng
salita
halimbawa: nag-awitan at nalabanan.
5. Laguhan kapag ito ay ikinabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang ugat
halimbawa: pagsumikapan.

Ang isang pahayag ay matatawag na Katotohanan kung ito ay


mapapatunayang totoo at may ebidensiyang tumutugon dito. Opinyon namang
maituturing kung pinaniniwalaan o iniisip lamang na totoo o ayon sa sariling
paniniwala, pananaw o saloobin ng may-akda.

Isagawa

Panuto: Punan ang patlang ng wastong pang-angkop at pangatnig sa bawat


pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot

7
ngunit nang kaya raw gaya

1. Nalungkot ang Datu _______ mawala ang kanyang anak.


2. Hinintay ng Sultan ang pagbabalik ng kanyang anak _____ di ito dumating.
3. Si Sari ang nag-iisang anak ng Sultan _____ mahal na mahal niya ito.
4. Ang mahiwagang ibon ay naghugis-anyo_________ ng tao.
5. Kinuha ng mahiwagang prinsepe si Sari dahil siya ______ ang inalagaan at
minamahal nito.

Panuto: Punan ng tamang sagot/salita ang bawat patlang para mabuo ang
talata. Piliin sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Ang___________ ay mga katagang ikinakabit sa salitang ugat upang


makabuo ng bagong salita.
Ang___________ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa
saliting tinuringan. Ito ay ang mga katagang; na, at ng.
Ang_________naman ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Tulad
nang mga katagang; at, pati, saka, ni, datapuwa, maging, ngunit subalit, kung,
nang, kapag, upang, dahil sa, sa pagkat, kaya at para.
Ang isang pahayag ay matatawag na___________kung ito ay
mapapatunayang totoo at may ebidensiyang tumutugon dito. ________namang
maituturing kung pinaniniwalaan o iniisip lamang na totoo o ayon sa sariling
paniniwala, pananaw o saloobin ng may-akda.

Tayahin

1. Hinanap nila si Juan. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang “hinanap”?
a. unlaping in- c. hulaping -in
b. gitlaping –in- d. kabilaang in-/-in
2. Umuwi ng bahay si Juan. Ano ang salitang ugat sa salitang “umuwi”?
a. umu c. uwi
b. muwi d. umuwi
3. Si Juan ay _________. Anong parirala ang dapat isulat sa patlang?
a. masunuring bata c. masunuring na bata
b. masunurin ng bata d. masunurin bata

8
4. Laking pagsisisi nang kanyang mga pinsan kaya bilang patawad ay inaalagaan
nila ang halaman. Ilan ang pangatnig na nasa loob ng pangungusap?
a. wala c. dalawa
b. isa d. tatlo

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?


a. Maganda sa katawan ang pagkain ng pakwan.
b. Mas mapula ang laman ng mga malalaking pakwan .
c. Maraming nabebentang pakwang tuwing Ramadhan ng mga Muslim.
d. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, 75% ng pakwan ay tubig.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng talata ukol sa larawan gamit ang pang-angkop at


pangatnig.

Para sa mga guro:


Mga Pamantayan Laang Aking
puntos puntos
NILALAMAN
 Lawak at lalim ng pagtalakay 5
BALARILA 5
 Wastong paggamit ng pang-angkop at pangatnig
Kabuuang puntos 10
5- napakahusay 2- di gaanong mahusay
4-mahusay 1- sadyang di mahusay
3-katamtaman
Binabati kita at maayos mong natapos ang modyul na ito. Maaari mo nang tuklasin
at simulan ang nasa Modyul 6. Maligayang Pagtuklas !

9
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:
https://pia.gov.ph/news/articles/1051878
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056506/ulysses-iba-kay-
ondoy-climatology-expert
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056520/ulysses-lalabas-
na-ng-pa

10
Para sa mga katanungan, maaaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

11

You might also like