You are on page 1of 2

Written Exercise in AP 10

September 8, 2022
Pangalan: ________________________________________________ Score:
Baitang at Pangkat: _______________________________________________

Isulat sa patlang ang hinihinging tamang sagot.

______ 1. Ito ay salitang French na pinagmulan ng salitang environment.


a. environext b. environer c. envisioner d. enrevisioner
______ 2. Ito ay isa sa kahulugan ng salitang Environer.
a. to encircle b. to revolve c. to rotate d. to revision
______ 3. Ito ay kondisyon, o lahat ng bagay na nakapaikot sa isa o pangkat ng mga organism o nilalang na
may buhay.
a. politika b. kalusugan c. kapaligiran d. kaganapan
______ 4. Ito ay panlipunan o kultural na kondisyon na nakaapekto sa isang indibidwal o komunidad.
a. politika b. kalusugan c. kapaligiran d. kaganapan
______ 5. Ito ang maikling termino na ginagamit para sa usaping pangkapaligiran.
a. biophysical environment c. reversal environment
b. spiritual environment d. reinvented environment
______ 6. Ito ang pangkaraniwang pagtukoy sa natural environment.
a. singular global environment c. energetic global environment
b. plural global environment d. general global environment
______ 7. Ito ay kapaligirang likha ng kamay ng tao.
a. natural environment c. fractured environment
b. built environment d. structured environment
______ 8. Ito ay kapaligirang kusang umiral at walang ano mang naging bahagi ang kamay ng tao.
a. natural environment c. fractured environment
b. built environment d. structured environment
______ 9. Ito ay naglalayong mabawasan ang pinsalang bunga ng sakuna.
a. Disaster Risk Mitigation c. Disaster Development
b. Disaster Improvement d. Disaster Procurement
______ 10. Ito ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian,
at kabuhayan.
a. preparation c. kalamidad
b. government d. management
______ 11. Ito ay isang weather system na may malakas na hanging kumikilos nang paikot na madalas may
kasamang kulog, kidlat, at malakas at matagal na pag-ulan.
a. storm surge b. bagyo c. baha d. flash flood
______ 12. Ito ay hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na kaugnay ng low pressure
weather system gaya ng tropical cyclone.
a. storm surge b. bagyo c. baha d. flash flood
______ 13. Ito ay pagtaas ng dagat bunga ng storm surge at astronomical tide.
a. storm surge b. baha c. storm tide d. flash flood
______ 14. Ito ay pagtaas ng tubig ng higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan ng tubig bunga ng pag-apaw
nito sa lupa o sa mga lugar na hindi karaniwang inaabot nito.
a. storm surge b. baha c. storm tide d. flash flood
______ 15. Ito ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy at iba pa.
a. storm surge b. baha c. storm tide d. flash flood

______ 16. Ito ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o mlalalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o
bundok.
a. lindol b. epidemya c. buhawi d. landslide
______ 17. Ito ang biglaan at mabilis na pagyanig o paggalaw ng fault sa ibabaw ng daigdig o earth crust.
a. lindol b. epidemya c. buhawi d. landslide
______ 18. Ito ay mabilis na paglaganap ng nakahahawang sakit sa isang lugar at ang pagtaas ng bilang ng mga
apektado nito.
a. lindol b. epidemya c. buhawi d. landslide
______ 19. Ito ay tinatawag na alimpuyo, tornado, o ipuipo.
a. lindol b. epidemya c. buhawi d. landslide
______ 20. Ito ay malalaking alon na nabubuo sa ilalim ng dagat bunga ng paglindol.
a. tsunami b. epidemya c. buhawi d. landslide
______ 21. Ito ay tumutukoy sa dumi, ingay, at di kaaya-ayang amoy sa kapaligiran.
a. polusyon b. oil spill c. deportasyon d. migrasyon
______ 22. Ito ay pagkakaroon ng mga gas sa hangin na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan.
a. pulusyon sa hangin c. polusyon sa tubig
b. polusyon sa lupa d. polusyong bunga ng ingay
______ 23. Ito ay polusyon na sanhi ng pagmimina sa lupa.
a. pulusyon sa hangin c. polusyon sa tubig
b. polusyon sa lupa d. polusyong bunga ng ingay
______ 24. Ito ay pagdumi ng tubig bunga ng pagtatapon ng basura.
a. pulusyon sa hangin c. polusyon sa tubig
b. polusyon sa lupa d. polusyong bunga ng ingay

______ 25. Ito ay pagtagas ng produktong petrolyo sa malaking bahagi ng tubig gaya ng lawa at karagatan.
a. oil spill b. deporestasyon c. reporestasyon d. importasyon

Prepared by:

Tchr. John Mark A. Prudente


AP Teacher

Checked by:

Tchr. Mayette M. Delos Santos


Academic Supervisor

You might also like