You are on page 1of 5

Department of Education

REGION VII, CENTRAL VISAYAS


DIVISION OF CEBU PROVINCE
SANTANDER NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Santander, Cebu
Unang Markahang Pagsusulit
Araling Panlipunan 10
Pangalan: _________________________________Baitang at Seksyon: _____________ Marka: ________

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bawat pahayag na naglalahad ng kahalagahan ng pag- aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu at ekis (✗) naman kung hindi.
_____ 1. Mahalagang pag-aralan ang mga kontemporanyong isyu sa loob at labas ng ating bansa.
_____ 2. Maraming isyu, hamon at suliraning kinakaharap ang ating bansa sa kasalukuyan.
_____ 3. Malaki nag papel ng pamayanan sa pagharap sa isyung nagaganap sa lipunan.
_____ 4. Ang bawat isa sa atin ay dapat mulat sa mga nangyayari sa ating kapaligiran sa tulong ng telebisyon,
dyaryo, radio, social media at iba pang medium ng komunikasyon upang mapalawak natin ang
kaalaman
sa mga napapanahong usapin.
_____ 5. Katuwang ng pamahalaan ang mga mamamayan sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problemang
kinakaharap nito.
_____ 6. Napapakalat nito ang ibat’ ibang mga fake news na nagdudulot ng takot at maling impormasyon ng
tao
tungkol sa isyu.
_____ 7. Maraming magiging tampulan ng tsismis at walang kabuluhang usapin.
_____ 8. Dahil sa pag-aaral sa mga kontempraryong isyu, tayo ay nagiging bahagi ng pagkilos at pagtugon sa
mga isyu at mga hamong nararanasan sa lipunan.
____ 9. Bilang isang mamamayan, tungkulin natin ang makialam at maging bahagi sa anumang hamon na
kinakaharap ng bansa.
_____ 10. Napapalawak nito ang pananaw at pagpapahalaga sa lipunan, bansa at daigdig.

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay isyung PANLIPUNAN, PANGKALUSUGAN,


PANGKAPALIGIRAN, o PANGKALAKALAN. Isulat ang sagot sa patlang.
__________ 11. Bago ang Halalan 2022, maraming pag-aaway ang naganap sa social media.
__________ 12. Maraming tao ang naaapektuhan sa pagtaas ng presyo nang mga pangunahing bilihin.
__________ 13. Nararanasan ngayon ang pagbaba ng suplay ng mga Coke products.
__________ 14. Noong taong 2020, natigil ang face-to-face classes dahil sa COVID-19 pandemic.
__________ 15. Dahil sa pagkakalbo ng mga kagubatan sa Pilipinas, nararanasan natin ang epekto ng global
warming.

Panuto: Ibigay kung anong isyung pangkapaligiran ang mga sumusunod. Titik lamang ng iyong sagot
ang isulat sa patlang.

a. mining b. global warming c. climate change d. quarrying e. waste management

__________16. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula
sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena.
__________ 17. Ito ay ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at enerhiyang
mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto.
__________ 18. Ito ay ang pag-init ng temperatura ng mundo na siyang palatandaan ng climate change.
___________ 19. Ito ay tumutukoy sa pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases.
Araling Panlipunan 10
SY 2022-2023
___________ 20. Ito ay tumutukoy sa wastong pagkuha, paglilipat, pagtatapon o paggamit ng basura ng mga tao.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat lamang ang titik nang tamang
sagot.

_____ 21. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing hakbang sa paghahanda sa anumang kalamidad?
a. mabilis na paglikas
b. pagbibigay impormasyon sa mga kinauukulan
c. paghahanda ng first aid kit
d. pagkukumpuni ng mga sirang gamit
_____22. Ano ang pangunahing dahilan ng pagguho ng lupa?
a. kawalan ng kahandaan ng DRRM
b. kakulangan ng koordinasyon ng mg awtoridad
c. sunod-sunod nap ag-ulan
d. pagmimina at pagkakalbo ng kabundukan
_____ 23. Alin sa mga sumusunod ang higit na kinakailangan sa pagkakaroon ng komprehensibo at maayos na
mga programa tungo sa paghahanda para sa pagharap sa mga kalamidad?
a. koordinasyon at ugnayan ng iba’t ibang sektor
b. pagsunod sa mga pamantayan ng NDRRMC
c. pagsasaliksik ng mga dalubhasa
d. pagkakaroon ng malaking pondo
_____ 24. Ang mga sumusunod ay mga paghahanda sa storm surge, maliban sa:
a. Alamin kung may panganib ng daluyong ng dagat ang inyong lugar.
b. Bago lumikas, isarado ang mga main switches ng kuryente, tubig at tangke ng LPG.
c. Ihanda ang GO BAG na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya
d. Magtago sa ilalim ng matibay na lamesa
_____ 25. Ang mga sumusunod ay paghahanda kapag may lindol, maliban sa:
a. Huwag magtayo ng bahay sa mga lugar na matatarik at dati ng nagkaroon ng mga pagguho
b. Kapag nasa labas, pumunta sa open area gaya ng parking lot o parke
c. Lumayo sa mga gusali, puno, poste at mga lugar na may panganib ng pagguho ng lupa
d. Magtago sa ilalim ng matibay na lamesa at lumayo sa mga bintana na may salamin
_____ 26. Ito ay uri ng virus na nagdudulot ng sakit mula sa ordinaryong sipon hanggang sa paglubha ng
karamdaman sa respiratory system ng tao.
a. AH1N1 Virus
b. COVID-19
c. HIV
d. HSV
_____ 27. Ito ay tumutukoy sa ibat’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng
sakuna, kalamidad, at hazard.
a. disaster management c. resilience
b. hazard d. top-down approach
_____ 28. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad.
a. disaster b. resilience c. risk d. vulnerability
_____29. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
a. disaster b. resilience c. risk d. vulnerability
_____ 30. Ito ay mga hazard na dulot ng kalikasan.
a. anthropogenic hazard b. disaster c. natural hazard d. risk
_____ 31. Alin sa mga sumusunod ang isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng
hazard
at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng
mga
risk na maaari nilang maranasan.
a. community-based disaster risk management
b. disaster management

Araling Panlipunan 10
SY 2022-2023
c. disaster risk reduction management
d. top-down approach
_____ 32. Ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin
hanggang
sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.
a. bottom-up approach c. mixed approach
b. disaster management d. top-down approach
_____ 33. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaring danasin
ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
a. capacity assessment c. risk assessment
b. hazard assessment d. vulnerability assessment
_____ 34. Saang yugto ng DRRM plan nabibilang ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at
tranportasyon, suplay ng tubig at kuryente at ang pagkukumpuni ng bahay?
a. Disaster Prevention and Mitigation
b. Disaster Preparedness
c. Disaster Response
d. Disaster Rehabilitation and Recovery
_____ 35. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard
at kalamidad. Anong yugto ng DRRM plan ito?
a. Disaster Prevention and Mitigation
b. Disaster Preparedness
c. Disaster Response
d. Disaster Rehabilitation and Recovery
_____ 36. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng
mga
hazard.
a. capacity assessment c. risk assessment
b. hazard assessment d. vulnerability assessment
_____ 37. Tumutukoy ito sa dalas ng pagdanas ng hazard.
a. duration b. frequency c. force d. forewarning
_____ 38. Ito ay ang pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard.
a. katangian b. lawak c. pagkakakilanlan d. saklaw

Para sa bilang 39-41. Piliin ang pinaka-angkop na tugon sa bawat sitwasyon.


_____ 39. Nasusunog ang bahay 15 metro lamang ang layo mula sa inyo.
a. humingi ng tulong
b. kunin ang pinakamahalagang dokumento, tumawag sa fire hotline at agad na lumabas ng
bahay
c. maging kalmado at alamin kaagad ang dahilan ng sunog
d. pumunta sa lokasyon ng sunog at surrin ang sitwasyon
_____ 40. May banta ng landslide o pagguho ng lupa dulot ng malakas na buhos ng ulan.
a. alamin ang pagbibigay ng pangunahing lunas sa sakit
b. lumikas sa mga bundok o pangpang
c. maghanda ng sapat na pagkain at tubig
d. umiwas sa mga mababang lugar na maaaring matabunan
_____ 41. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa inyong munisipalidad.
a. antabayanan ang takbo ng sitwasyon at suriin ang kaganapan
b. magbabad sa social media tulad ng facebook upang makapaglibang
c. magsagawa ng masusing pagsasaliksik ukol sa naturang virus
d. sundin ang mga safety protocols na ibinigay ng mga awtoridad

Para sa bilang 42-44. Piliin ang pinaka-angkop na approach sa mga sumusunod na pahayag.
_____ 42. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang

Araling Panlipunan 10
SY 2022-2023
komunidad.
a. bottom-up approach c. mixed approach
b. disaster management d. top-down approach
_____ 43. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
a. bottom-up approach c. mixed approach
b. disaster management d. top-down approach

_____ 44. Ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas.
a. bottom-up approach c. mixed approach
b. disaster management d. top-down approach

_____ 45. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o
kalamidad, kaya ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain, ptoteksiyon, paghahanda at
pag-iwas sa iba’t ibang uri ng sakuna at hazard ay gampanin ng Ikalawang yugto ng DRRM plan o
Disaster preparedness. Saang layunin ito nabibilang?
a. to advise b. to announce c. to inform d. to instruct
_____ 46. Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang uri ng
hazard. Sa anong kategorya nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng mga mamamayan na isaayos ang
mga istruktura, tulad ng bahay, paaralan at iba pang nasira ng kalamidad?
a. pag-uugali ng mamamayan c. pisikal o materyal
b. panlipunan d. pampulitika
_____ 47. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng unang yugto ng Community-based Disaster Risk Reduction
and Management Plan?
I. Capability Assessment III. Loss Assessment
II. Hazard Assessment IV. Vulnerability Assessment
a. I,II,III, IV b. I,II, III c. II, III, IV d. I, II, IV
_____ 48. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk management?
a. Ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal na katangian
ng komunidad.
b. Pinasisgla nito ang information campaign at pinayayabong ang mga gawaing pangkabuhayan
sa mga nasalantang lugar.
c. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri at pagtatala sa mga
hazard na dapat unang bigyang pansin.
d. Ito ay nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng
isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
_____ 49. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa panahon ng kalamidad?
a. dahil maraming tao ang babatikos s aiyo
b. dahil ang pagiging disiplinado ay batayan na ikaw ay mabuting kapitbahay
c. dahil susi ito sa pagkamit ng layunin ng pamahalaan na maiwasan ang pinsalang hatid ng
kalamidad
d. dahil kung hindi magiging disiplinado ang isang tao sa panahon ng kalamidad, maaaring hindi
siya kapuripuri
_____ 50. Anu-ano ang mga mahahalagang aral ang iyong natutunan sa krisis pangkalusugan na dulot
ng COVID-19?
a. mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19
b. hindi lahat ng impormasyon na nababasa at naririnig sa social media ay totoo
c. mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng
pagbabasa at pakikinig sa mga ahensya tulad ng Department of Health
d. ang pagkakaroon ng tapat at mapagmalasakit na gobyerno ay kailangan upang sama-sama
nating matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan

***********************************************************************************

Araling Panlipunan 10
SY 2022-2023
“Success always demand a greater effort.”
-Winston Churchill
God Bless!!!
-Ma’am Aubz 😊

Araling Panlipunan 10
SY 2022-2023

You might also like