You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:_______________ Petsa:__________ Iskor:______


I.PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. Hazard-
2. Disaster-
3. Vulnerability-
4. Risk-
5. Resilience-
II. panuto:Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong konsepto na
may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management ang
inilalarawan. Gamiting batayan sa pagsagot ang sumusunod:
NH-Natural Hazard V- Vulnerability
AH-Anthropogenic Hazard D- Disaster
R-Resilience

_____6. Maagang umuwi ng bahay si Jerome mula sa kanilang paaralan dahil sa paparating na
malakas na bagyo.
_____7. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kanyang buntis na asawa at dalawang taong
gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang lugar.
_____8. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol na
tumama sa kanilang pamayanan.
_____9. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan nito sa ilog ang mga
kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto.
_____10. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng bawat barangay upang magkaroon
sila ng sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad.
III. panuto:Basahin ang magkatapat na pahayag. Lagyan ng plus sign (+) ang maliit
na kahon na katabi nito kung ang salita ay naaayon sa Philippine
Disaster Risk Reduction and Management Framework. Ilagay naman
ang minus sign (-) kung wala.
11. Pagpaplano sa pagharap sa kalamidad Pagharap sa kalamidad sa tuwing
mararanasan ito
12. Isinusulong ang Top-down Approach Isinusulong ang Community-Based Disaster
Management Approach
13. Tungkulin ng pamahalaan ang Disaster Tungkulin ng lahat ang paglutas sa suliraning
Management pangkapaligiran
14. Dapat na kasama ang NGOs sa pagbuo ng Ang mga NGOs ang siyang mamumuno sa
Disaster Management Plan pagbuo ng Disaster Management Plan
15. Hinihingi ang tulong ng lahat ng sektor ng Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng
lipunan sa pagbuo ng Disaster Management tungkulin upang maging disaster-resilient
Plan ang buong bansa
IV. TAMA BAWAS MALI.
Panuto:Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto. Isulat naman ang MALI kung
ang pahayag ay hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
_______16. Ang Community-Based Disaster and Risk Management ay isang pamamaraan kung saan
ang pamahalaan ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagtugon, at pagtataya ng mga
risk na maaaring maranasan ng isang pamayanan.
_______17. Ang mga mamamayan ay bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng mga desisyon at
implementasyonng mga gawain na may kaugnayan sa Disaster Risk Management.
_______18. Kung ang isang komunidad ay hindi handa, maaaring hindi maging malubha ang epekto
ng hazard at kalamidad.
_______19. Napakahalaga ng partisipasyon ng mamamayan at ng ilang sektor ng lipunan upang
maging matagumpay ang isang Disaster Management Plan.
_______20. Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang mabawasan
ang epekto ng kalamidad.
_______21. Ang CBDRM Approach ay nakaayon sa konsepto ng Top-Down Approach.
_______22. Sa Top-Down Approach, ang mga hakbang sa paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran
ay nagsisimula sa mga mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan.
_______23. Ang Bottom-Up Approach ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa
sa pamahalaan.
_______24. Ang pagsasanib ng Top-Down Approach at Bottom-Up Approach ay maaaring magdulot
ng holistic na pagtingin sa kalamidad sa isang komunidad.
_______25. Sa Bottom-Up Approach, ang ibat-ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may
magkakaibang pananaw sa mga banta na nararanasan sa kanilang lugar.
V. PANUTO: Isulat sa patlang ang hinihinging sagot ng mga sumusunod.
___________________26. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring
danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna.
___________________27. Tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidadna
harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
___________________28. Tinataya nito ang kakayahan ng komunidad na harapin ang ibat-ibang uri
ng hazard.
___________________29. Pag-alam sa uri ng hazard
___________________30. Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa ibat-ibang hazard at kung paano ito
umusbong sa isang lugar.
___________________31. Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
___________________32. Dalas ng pagdanas ng hazard
___________________33. Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard
___________________34. Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras
ng pagtama nito
___________________35. Bilis ng pagtama ng isang hazard
___________________36. Tumutukoy sa mga ginagawang paghahanda ng pamahalaan upang maging
ligtas ang kominidad sa panahon ng pagtama ng kalamidad. Hal. Disaster
Management Plan, Hazard Assessment, etc.
___________________37. Tumutukoy sa materyal na yaman tulad ng suweldo, pera sa bangko, at mga
likas na yaman
___________________38. Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng
tao sa isang lipunan.
___________________39. Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng
isang komunidad upang ito ay maging matatag sa pahon ng pagtama ng
kalamidad.
VI. PANUTO: Gumawa ng Venn Diagram gamit ang mga sumusunod na salita:
40-45. Disaster Preparedness, Disaster Response, Disaster Rehabilitation and Recovery

Disaster
Preparedness

Disaster Disaster
Rehabilitation
and Recovery Response

46-50.Employment, Unemployment, Underemployment

Employment

Underemployment Unemployment

You might also like