Professional Documents
Culture Documents
Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk.
Nang malapit na si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng
tatlong beses.
“Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat tayong magdiwang
ng cañao” saad ng matanda.
Nang ang lahat ay nakahanda na ay humuli sila ng isang baboy na iaalay sa bathala.
Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang puno na di pa nila
nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay maari nilang kuhanin ngunit wag lamang
gagalawin ang katawan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng matanda
sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na itinaklob ng mga taga nayon.
Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng
panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha.
Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit hindi nawala
ang inggitan.
“Kay taas na ng puno at di na natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na
natin ito” saad ng isa.
Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman ay nabuwal.
Nayanig ang lupa at nakarinig ang mga taga nayon ng isang tinig.
At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon ng lupa ang mga taga nayon.
Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang nito sa
paghukay ng lupa.