You are on page 1of 3

Bakit Mahalang unawain at pahalagahan ang mga parabula?

Nakatutulong ba ang pag-unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito?

Paano nakatutulong ang mga pangatnig sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob dito?

Mahalagang unawain ang parabula dahil katulad ng ibang uri ng panitikan ito din ay
bahagi ng kasaysayan at makapagbibigay ng ideya tungkol sa mmga kaganapan ng nakaraan sa
aspetong ispiritwal, moral at ng simbahan. Nakakatulong ito sa pag-unawa o pagkilala sa
bansang pinagmulan natin dahil ang aspetong panrelihiyon ang isa sa mga dahilan ng hidwaan ng
mga sinaunang tao. Ang parabola na “Ang Tusong Katiwala” ay nagsasabing tayo ay dapat
matapat sa paglilingkod n gating amo.

Sa parabulang ito, mapagtanto natin sa anuman ang mayroon tayo, ari-arian ito ng Diyos;
tayo ay nakigamit lamang ng mga ito, ayon sa direksyon n gating dakilang Panginoon, at para sa
kanyang karangalan. Sa parabulang ito, sinayang ng katiwala ang kalakal o ari-arian ng kaniyang
panginoon. Tulad ng tao, tayong lahat ay mananagot sa parehong bayad, ngunit wala tayong
ginawa upang mapabuti ang mga ari-ariang ibinigay ng Maykapal sa atin, sa halip, nilulustay
natin ang mga ito. “Hindi maitatanggi ng katiwala ang kasalanang kanyang ginawa, dapat niya
itong pagbayaran”. Ang ibig sabihin nito ay, ang kmatayan ay darating, na hahadlang sa
pagkakataong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa natin sa buhay.

Mababatid ang mensahe ng isang parabola ay nasa nilalaman. Ang nilalaman ay binubuo
ng mga magkaugnay na mga pangyayari o daloy ng pangyayari na nakatutulong sa mambabasa
upang mauunawaan ang mensaheng nakapaloob ng parabola.
Output
sa
Filipino
Ipapasa ni: G. Dustin Clent M. Pabuaya

Ipapasa kay: Gng. Terry G. Largavista


Ang bawat bahagi ng parabola ay malaking tulong upang bigyang buhay at diin ang
mensaheng nais ipaabot ng kwento. Katulad ng iba pang uri ng kuwento, ang bahagi ng parabola
ay napakaimportante sapagkat ipinapahayag nito ang kuwento sa likod ng kuwento, ang
magkaibang bigat ng resulta sa bawat aksyon na gawin ng mga tauhan sa parabola. Nagsisilbi
itong pundasyon upang tumayo ang parabola at maging mas kapani-paniwala at kaakit-akit sa
mga mambabasa at nakikinig.

You might also like