You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
PAMPAARALANG SANGAY NG MAKATI
Maximo Estrella Elementary School

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Mathematics 3
Taong Pampanuruan 2022-2023

Pangalan ____________________________________ Iskor ______________

Baitang at Pangkat _________________________ Petsa ________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

______1. Ano ang katumbas na kabuuang bilang ng ipinakikita sa


larawan?

A. 3, 421 B. 4, 131 C. 4, 231 D. 5, 131


______2. Inutusan si Mario ng kanyang nanay na bilangin ang mga
straw na gagawing parol. Ibinigkis niya ng mga ito ng gaya
sa larawan. Tulungan si Mario na bilangin ang mga ibinigkis
na mga straws.

A. 7, 358
B. 7, 380
C. 8, 258
D. 8, 350

______3. Alin sa mga sumusunod na set ng number disc ang


nagpapakita ng 1,232?
______ 4. Sa bilang na 7, 364, ano ang place value ng 6?

A. libuhan B. daanan C. sampuan D. isahan

______ 5. Alin sa mga bilang na may digit na 5 ang may value na


5 000?

A. 3, 529 B. 4, 351 C. 5, 829 D. 6, 735

______ 6. Bumili ng four thousand, six hundred seventy five na parol


ang Barangay Maliwanag upang isabit sa mga kalye sa
kanilang lugar. Paano isulat sa simbolo ang initimang
salitang bilang?

A. 4, 765 B. 4, 675 C. 4, 576 D. 4, 756

_____ 7. Tinawag si Mila ng guro upang basahin ang bilang na 8, 001.


Paano nya ito dapat basahin?

A. Eight zero zero one C. eight hundred one


B. Eighty- one D. eight thousand, one

_____ 8. Ano ang nawawalang bilang sa serye?


Isulat ito gamit ang number word.

6, 750, _______, 6, 752.

A. Six hundred, seven fifty


B. Six hundred, seven hundred fifty-one
C. Six thousand, seven hundred fifty-one
D. Six thousand, seven hundred fifty

_____ 9. Lumahok ang 4, 754 na manlalaro sa ginanap na Palarong


Panrehiyon. Iround off ang bilang na ito sa libuhan.

A. 4, 000 B. 4, 700 C. 4, 720 D. 5,000

_____ 10. Tuwing umaga, 1, 827 na mag-aaral ang nakapila sa


ground ng paaralan upang magbigay-pugay sa watawat.
Humigit kumulang ilang libong mag-aaral ang nakapila sa
ground ng paaralan?

A. 1,000 B. 2, 000 C. 3, 000 D. 7, 000

_____ 11. Ang grap sa ibaba ay nagpapakita ng inaning prutas ng


mga Lorenzo sa kanilang bukid. Kung ihahambing ang
bilang ng mga suha sa bilang ng mga inaning dalandan,
anong simbolo ang gagamitin?

A. >
B. <
C. =
D. ≠

______12. Kung aayusin ang mga naipong PET bottles ng mga mag-
aaral sa ikatlong baitang mula sa pinakamaliit hanggang
pinakamalaki, alin ang mauuna?

A. 3, 784 B. 4, 567 C. 2, 945 D. 4, 321

______ 13. Nakahanay ang mga nakalarawang prutas at gulay sa


mahabang lamesa. Kung ang talong ay nasa ika – 45th sa
hanay, nasa anong pwesto ang pinya?

A. 40th B. 41st C. 42nd D. 43rd

______ 14. Si Yuri ay nag-eensayo sa paglalaro ng basketbol sa


bawat araw gamit ang pattern na nasa ibaba. Anong
kasanayan (skill)ang dapat gawin ni Yuki sa ika-
dalawampu’t isang araw (Day 21)?

Day 1 : Shooting goals


Day 2 : Dribbling ball
Day 3. Catching rebounds A. Shooting goals
Day 4: Taking foul shots B. Dribbling ball
Day 5: Shooting goals
Day 6: Dribbling ball
Day 7: Catching Rebounds
Day 8: Taking foul shots
C. Catching rebounds
D. Taking foul shots

______15. Paano babasahin ang halaga ng tseke na nasa larawan?

A. Walong daan apatnapu’t apat na piso at dalawampu’t limang


sentimo
B. Walong daan apatnapu’t limang piso at dalawampu’t limang
sentimo
C. Walong libo, apat na raan apatnapu’t apat na piso at dalawamput
limang sentimo
D. Walong libo, apat na raan at apatnapu’t apat na piso at limampu’t
dalawang sentimo

______ 16. Bumili ng bagong cellphone si Lanie. Nagkakahalaga ito


ng pitong libo, siyam na raan, walumpu’t limang piso at
limampung sentimo. Paano isulat sa simbolo ang
initimang halaga?

A. ₱ 7 895.50 C. ₱ 8, 795.50
B. ₱ 7 985.50 D. ₱ 8,975.50

_____ 17. Anong relation symbol ang dapat ilagay sa kahon upang
ihambing . Ang nasa larawan?

₱ 1, 395 ₱ 570

A. > B. < C. = D. ≠

______ 18. Ihambing ang kabuuang halaga ng nasa larawan.


A. > B. < C. = D. ≠

______19. Alin sa mga sumusunod ang tama ang paghahambing?

A. ₱ 3, 567 > ₱ 3, 756 C. ₱ 8, 765 = ₱ 8, 756


B. ₱ 9, 834 < ₱ 9, 843 D. ₱ 7, 238 ≠ ₱7, 238

______ 20. Ibigay ang kabuuan

A. 6, 438 C. 6, 838
B. 6, 837 D. 6, 883

______ 21. Si Ena ay nagbenta ng 1 007 tiket para sa


cultural show
noong nakaraang taon at 2 009 na tiket
naman ngayong
taon. Ilan lahat ang tiket na naipagbili niya sa loob ng
dalawang taon?

A. 3, 016 B. 3, 106 C. 3, 601 D. 3, 610

______ 22. Si Romnick ay nakaipon ng P3,280 pera mula sa kanyang


napamaskuhan. Idedeposito niya ito sa bangko kasama
ang P 4,256 na kanyang ipon sa buong taon. Magkano
ang kabuuang ipon ni Romnick?

A. P7,530 B. 7,436 C. 7, 536 D. 8, 536

______ 23. I round off ang mga sumusunod na addends at ibigay ang
natantiyang kabuuan.

A. 3,000 B. 4,000 C. 5,000 D. 6,000

_______24. Ang mga magulang ay nagdonate ng 765 na lapis para


sa Brigada Eskwela na gagamitin ng mga mag-aaral.
Dinagdagan pa nila ito ng 237 na lapis. Tantyahin ang
kabuuan ng mga lapis na ibinigay.
A. 800 B. 900 C. 950 D. 1,000

______ 25. Ang Panadero na si Kuya Ayan ay gumawa ng 156 na


pandesal. Dinagdagan pa niya ito ng 78 na pandesal
para ipamigay sa mga batang kasali sa feeding program.
Ilan lahat ang ginawang pandesal ni Kuya Ayan?

A. 78 B. 178 C. 224 D. 234


_______26. Si Eric ay nais bumili ng pansit, sandwich at orange juice
para sa kanyang recess. Magkano ang kanyang
babayaran?

SCHOOL CANTEEN MENU


Sopas ₱ 25 Gatas ₱ 10
Pancit ₱ 20 Hot Choco ₱ 15
Puto ₱ 5 Orange Juice ₱ 10
A. Sandwich ₱ 8 Pineapple Juice ₱ 10 ₱28.00
B.
B. ₱30. 00 C. ₱ 33. 00 D. ₱38.00

_______27. Ang mesa ay nagkakahalaga ng ₱2,540. Ang silya ay


₱1,520. Kung ang presyo ng kabinet ay mas mataas ng
Php 400 sa pinagsamang presyo ng silya at mesa, magkano ang presyo
ng kabinet?

A. ₱4,460 B. ₱ 4,480 C. ₱4,560 D. ₱ 4,580

_______28. Kaarawan ni Camille, naghanda ang nanay niya ng 28


hotdog sandwich at 40 hamburger para sa mga kamag-
aral niya. Sapat ba ang pagkaing inihanda nila kung 25
na lalaki at 38 na babaeng kamag-aral niya ang
darating? Bakit?

A. Oo, sobra pa ito ng tatlo.


B. Oo, sobra pa ito ng lima.
C. Hindi, dahil kulang ng walo ang kanilang inihanda.
D. Hindi, dahil kulang pa ng lima ang kanilang inihanda.

_______29. Ano ang nawawalang bilang?

A. 0
B. 2
C. 8
D. 9
_______30. Ano ang difference ng pinakamalaking 3-digit na bilang
at ng pinakamaliit na 3-digit na bilang?

A. 888 B. 898 C. 899 C. 900

_______31. Ang 698 mag-aaral sa MEEES ay bibigyan ng dengue kit.


Nakakuha na ang 357 na mag-aaral. Tantyahin ang
bilang ng mga batang hindi pa nakakakuha ng dengue
kit.

A. 300 B. 500 C. 800 D. 1000

_______32. Si Gng. Medina ay nagrecord ng bilang ng mga bond


paper na ginamit sa kanilang opisina.

Ano ang estimated difference ng mga ginamit na bond


paper noong Martes at Miyerkules?

A. 4,000 B. 5000 C. 6000 D. 8000

_______33. Tuwing bagong taon ay naghahanda ang mga Pilipino


ng pagkaing bilog, kaya bumili si Ryan ng isang box ng
donut na nagkakahalaga ng ₱465. Magkano ang
tantiyang sukli kung ang pera ni Ryan ay P1,000

A. ₱400 B. ₱500 C. ₱ 600 D. ₱ 800

_______34. Nagkaroon ng isang survey kung ano ang paboritong


prutas ng mga bata sa Grade 3. Makikita sa ibaba ang
mga datos.

Gaano karami ang lamang ng pumili ng bayabas kaysa


sa rambutan?

A. 34 C. 44
B. 36

D. 46
______35. Si Jerwin ay may 200 na pogs. Si Jason naman ay may 90
pogs lamang. Ilan ang lamang ng pogs ni Jerwin kaysa
kay Jason?

A. 110 B. 129 C. 190 D. 290

_______36. Nagplano si Luis na bumili ng regalo para sa kaarawan ng


kaniyang kaibigan. Ito ay nagkakahalaga ng ₱845.
Ang hawak niyang pera ay ₱525. Sa kaniyang isipan,
nangangailangan pa siya ng ₱320 para mabili ang
regalo. Tama ba siya? Patunayan.

A. Oo, tama ang kanyang pagkwenta


B. Oo, pwede nyang bilhin at sobra pa ang pera
C. Hindi, dahil kulang pa ng Php 40 ang kanyang pag’kwenta.
D. Hindi, dahil kulang pa ng P420 ang kanyang pera para makabili.

_______37. Gamit ang digits 3,6,5, ayusin ito para makabuo ng


bilang na may pinakamataas na value at bilang
na may 3-digit na may pinakamaliit na value. Alamin ang
kinalabasan (difference) ng dalawang bilang.

A. 72 B. 198 C. 297 D. 379

_______38. Sa halagang ₱100.00 na iyong hawak na pera,


makabibili ka ba ng isang basong gulaman, 2 empanada
at 3 lumpia? Patunayan sa pamamagitan ng
pagtatantiya.

₱ 13 A. Oo, may sukli pang tinatantiyang


₱20.
₱ 17 B. Oo, may sukli pang
tinatantiyang
₱40.
C. Oo, may sukli pang
₱ 28 tinatantiyang
₱60.
D. Hindi, kulang pa ang kaniyang
perang dala.

_______39. Si Ramon ay masipag magluto ng paninda. Kumita siya


ng ₱ 1,594 mula sa kanyang itinindang turon. Kumita rin
siya ng ₱ 798 sa kaniyang tindang banana cue. Kung ang
kaniyang nagastos sa pagluluto ay umabot lamang sa
₱898 para sa mga sangkap, magkano ang kinita ni
Ramon?

A. ₱1,294 B. ₱ 1,494 C. ₱3, 190 D. ₱ 3,290

_______40. Nakapagbenta ng ₱3,680 ang may ari ng musical


instrument shop kahapon at ₱ 5,290 naman ngayon.
Sapat ba ang kanyang kinita para mabayaran ang mga
bagong gitara na inorder niya na may halagang
₱9,000?

A. Oo, may sukli pa siyang ₱30.


B. Oo, may sukli pa siyang ₱ 50.
C. Hindi, dahil kulang pa ng ₱30 ang kanyang kinita.
D. Hindi, dahil kulang pa ng ₱150 ang kanyang kinita.

You might also like