You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
PAMPAARALANG SANGAY NG MAKATI
Maximo Estrella Elementary School

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


MATHEMATICS
Taong Pampanuruan 2022-2023

Pangalan ____________________________________ Iskor ______________

Baitang at Pangkat _________________________ Petsa ________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
______ 1. Ano ang angkop na multiplication sentence para sa larawan?

A. 1x 16 = 16 C. 2x 8 = 16
B. 4 x4 = 16 D. 8x 2 = 16

______ 2. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng 7 x 3 = 21?


A. A. C.
.

B.
D.

______3. Ano ang angkop na addition sentence para 8 x 4 = 32?

A. 4+4+4+4+4+4+4+4 = 32 C. 8 + 4 + 8 + 4 + 8 = 32
B. 8+8+8+8 = 32 D. 4+8 +4+8 +4 +8 = 32

______4. Anong multiplication sentence ang angkop para sa repeated addition


na 7 + 7 + 7 + 7 + 7 = 35?

A. 7 X 5 = 35 C. 7 + 5 +7 + 5 + 7 = 35
B. 5 X 7 = 35 D. 5+7 +5+7+5 = 35

______5. Ano ang nawawalang factor para sa pamilang na pangungusap na


ito: 14 x (8 x 5) = (___ x 8) x 5?

Page 1 of 6 2nd Quarter Math 3


A. 14 B. 8 C. 25 D. 40

_____6. Anong property of multiplication ang pinapakita ng pamilang na


pangungusap na 5 x (3 x 2) = (5 x 3) x 2?

A. Commutative B. Associative C. Distributive D. Identity

_____7. Ang isang pakete ng candy ay may lamang 112 na piraso. Kung bumili si
Nanay ng 5 pakete para sa tindahan, ilang piraso ang lahat ng candy?

A. 540 B. 550 C. 560 D. 570

_____8. Upang makatulong sa pamilya, nagbebenta ng itlog ni Mae sa kanyang


mga kasamahan sa trabaho. Isang araw,nakapagbenta siya ng 33 tray
ng itlog. Kung ang bawat tray ay may laman na 12 na piraso, ilang piraso
ng itlog ang kanyang naibenta?

A. 360 B. 396 C. 400 D. 412

_____9. Mula sa kinita ni Ramon sa araw-araw niyang pagtitinda, iniipon niya ang
₱35. Magkano ang maiipon ni Ramon sa loob ng 18 na araw?

A. ₱ 360 B. ₱603 C. ₱630 D. ₱ 1,630

_____10. Si Aling Helen ay mananahi ng mga damit. Sa isang araw,nakatatahi siya


ng 24 na damit pambata. Ilan ang matatahing damit ni Aling Helen sa
10 araw?

A. 140 B. 200 C. 240 D. 300

_____11. Ang mga mag-aaral ng Maximo Estrella Elementary School ay nag Field
Trip sa Pampanga. Humigit kumulang na 48 mag-aaral ang sakay ng
isang bus. Mga ilang mag-aaral ang sumama sa field trip kung 6 bus ang
kanilang sinakyan?

A. 200 B. 250 C. 300 D. 350

_____12. Humigit kumulang na 378 na bata ang namamasyal sa Rizal Park


sa isang araw, mga ilang bata ang makakapasyal sa loob ng 18 na
araw?

A. 5000 B. 6000 C. 7000 D. 8000

_____13. Ang magkakaibigan na sina Nica, Fe at Remy ay bumili ng tig-isang


kahon ng krayola na gagamitin sa kanilang Sining. Kung ang bawat
isang kahon ng krayola ay ₱25, magkano ang kabuuan ng kanilang
babayaran?

A. ₱50 B. ₱75 C. ₱100 D. ₱150

_____14. Namitas ng mga bulaklak si Olive sa kanilang hardin. Inilagay nya ang
mga ito sa 4 na plorera na may 12 bulaklak bawat plorera. Ilan lahat ang
mga bulaklak na pinitas ni Olive?

Page 2 of 6 2nd Quarter Math 3


A. 36 B. 48 C. 60 D. 72

_____15. Ang lahat maliban sa isa ay mga multiples ng 9. Alin ang HINDI?

A. 27 B. 45 C. 62 D. 81

_____16. Ano ang tatlong kasunod na multiples sa serye ng 15, 30, 45, __, __, __

A. 50, 55, 60 C. 60, 75, 90


B. 55, 65, 75 D. 60, 70, 80

_____ 17. Inutusan ka ng ate na bilangin ang laman ng 6 kahon ng sabon. Bawat
kahon ay may lamang 8 sabon. Paano mo bibilangin ito gamit
ang multiples?

A. 8, 16, 24, 32, 40, 48 C. 9, 18, 27, 36, 45, 54


B. 6, 12, 18, 24, 30, 36, 42, 48 D. 12, 24, 36, 42, 48

_____18. Anong division sentence ang ipinakikita ng larawan?

A. 12 ÷ 6 = 2 C. 12 ÷ 1 = 12
B. 12 ÷ 4 = 3 D. 12÷ 12 = 1

_____19. Aling larawan ang nagpapakita ng 20 ÷ 4 = 5?

A. C.

B. D.

_____20. Si Tita Karen ay pumitas ng mga mangga sa kanilang bakuran. Inilagay


niya ito sa 6 na basket upang ipamigay sa mga kapitbahay. Ang bawat
basket ay may 8 mangga. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng
bilang ng manga na pinitas ni Tita Karen?

A. C.

Page 3 of 6 2nd Quarter Math 3


B. D.

_____21. Punan ang patlang upang maging wasto ang number sentence.
81 ÷ ____ = 9

A. 6 B. 7 C. 8 D. 9

_____22. Bumili ng biscuits ang 6 na magkakaibigan sa kantina ng paaralan. Kung


ang halaga ng kanilang binili ay ₱48, magkano ang babayaran ng
bawat isa?

A. ₱ 5 B. ₱ 6 C. ₱ 7 D. ₱ 8

_____23. Nag-bake si Janice ng 123 cookies. Ilalagay niya sa bawat box ang 6
na cookies. Mga ilang box ang kailangan ni Janice?

A. 10 B. 15 C. 20 D. 25

_____24. Tinulungan ni Angel at Cathy si Gng. Lacerna na ayusin ang 397 na aklat.
Ilalagay nila ang mga ito sa 11 kabinet. Mga ilang aklat ang maaari
Nilang ilagay sa bawat cabinet?

A. 20 B. 30 C. 40 D. 50

_____ 25. Gumagawa ng bracelet na gawa sa beads si Benet para ipamigay sa


kanyang mga kaklase. Upang makagawa ng isang bracelet kailangan
niya ng 26 beads. Kung bibigyan ni Benet ang 7 kaklase. Ilang beads ang
magagamit niya?
A. 172 B. 182 C. 192 D. 202

_____ 26. Ang pangkat ninyo sa MAPEH ay bumili ng pulang t-shirt na gagamitin
sa inyong pagtatanghal. Ang t-shirt ay nagkakahalaga ng ₱ 175 bawat
isa. Kung 8 kayo sa inyong pangkat, magkano ang halaga na inyong
binayaran?

A. ₱ 1,000 B. ₱1,200 C. ₱1,400 D. ₱2,000

_____ 27. Nagtanim si Joross ng binhi ng talong sa 11 garden plot. Kung bawat
plot ay may 8 binhi ng talong. Ilan lahat ang talong na itinanim ni Joross?

Page 4 of 6 2nd Quarter Math 3


A. 19 B. 33 C. 88 D. 100

_____28. Sumakay ng jeep papuntang Rizal Park ang 5 magkakaibigan upang


mamasyal. Siningil sila ng drayber ng ₱20 bawat pasahero. Sapat ba
ang ₱100 na ibinayad nila sa drayber?

A. Oo, sakto lang. C. Hindi, sobra sobra pa ito


B. Oo, may sukli pa. D. Hindi, kulang pa ang ibinayad.

______29. Inutusan si Ofel ng kanyang ate na bilangin ang mga kendi na nasa
jar. Agad nya itong binilang gamit ang multiples. Paano nya kaya ito
binilang?

A. 7, 14, 21, 28, 35 C. 9, 18, 27, 36, 45


B. 8, 16, 24, 32, 40 D. 10, 20, 30, 40, 50

______30. May 56 na piling mag-aaral na sumali sa Fun Run na naidaos noong


nakaraang Linggo. Ayon sa coach, dapat silang bumuo ng grupo na
may tig-7 miyembro. Ilang grupo ang kanilang nabuo?

A. 5 B. 6 C. 7 D. 8

_______31. Si Aling Bebang ay mayroong karinderia. Araw- araw ay nagsasaing


siya ng 8 kilong bigas. Kung siya ay mayroon pang 128 kilong bigas.
Ilang araw ang itatagal nito?

A. 20 B. 18 C.16 D. 14

_______32. Si Elmer ay nag-iisip ng paraan kung paano niya matitipid ang


kanyang pera. Binigyan siya ng Papa niya ng ₱500, magkano ang
dapat niyang gastusin sa bawat araw, upang umabot ito ng 10 araw?

A. ₱ 20 B. ₱30 C. ₱40 D. ₱50

_____33. Kung 205 na kwaderno ay ipamimigay sa 38 na bata, ano ang tantyang


bilang ng kwaderno ang matatanggap ng bawat bata?

A. 3 B. 4 C. 5 D. 6

_____ 34. May 195 na batang mag-aaral ang nais sumama sa field trip sa
Pampanga. Kung mga 45 na bata ang maaaring sumakay sa isang
bus, ano ang estimated na bilang ng bus ang kailangan upang
makasakay ang lahat?

A. 2 B. 3 C. 4 D. 5

_____ 35. Binibigyan si Lanie ng kanyang nanay ng ₱ 75 para sa kanyang 3 araw

Page 5 of 6 2nd Quarter Math 3


na baon sa ekswela. Magkano ang baon ni Lanie bawat araw?

A. ₱ 40 B. ₱35 C. ₱30 D. ₱25

_____36. Nais bumili ni Patty ng ibat-ibang kulay ng mga bolpen para sa


kanyang Art Project. Ang bawat isang bolpen ay nagkakahalaga ng
₱5. Ilang bolpen ang mabibili ni Patty kung siya ay may ₱75?

A. 15 B. 13 C. 11 D. 10

_____ 37. Mahilig sa halaman si Jaycie. Bumili siya ng 8 piraso ng halaman na


May halagang ₱120 bawat isa. Magkano ang kaniyang sukli sa pera
niyang ₱ 1000?
A. ₱40 B. ₱50 C. ₱80 D. ₱100

_____38. Pumunta si Aileen sa grocery. Bumili sya ng 6 na sardinas sa halagang


₱22 bawat isa at 5 corned beef sa halagang ₱118 bawat isa. Magkano
ang lahat na dapat niyang bayaran?

A. ₱462 B. ₱532 C. ₱612 D. ₱722

_____39. Si Annie ay gumagawa ng mga bulaklak na gawa sa ribbon. Bawat


bulaklak ay gumagamit siya ng 30 cm na ribbon. Sapat ba ang 175 cm
na ribbon upang makagawa siya ng 6 na bulaklak?

A. Oo, sakto lang ang ribbon C. Hindi, dahil kulang pa ng 5cm.


B. Oo, may sobra pa D. Hindi, dahil kulang pa ng 10cm

_____40. Nag withdraw si Gng. Mendoza ng ₱1, 000. Bumili siya ng 2 Andok’s
manok sa halagang ₱350 ang bawat isa. Ang natirang pera ay
ibibigay niya sa 2 niyang anak para sa kanilang baon sa eskwela.
Magkano ang matatanggap ng bawat isa niyang anak?

A. ₱ 150 B. ₱200 C. ₱250 D. ₱300

Page 6 of 6 2nd Quarter Math 3

You might also like