You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Mulanay, Quezon

Mulanay STARR (STudents Academy for Reading and aRithmetic)


ASSESSMENT TOOL FOR EGMA

Pangalan: Petsa:
Pangkat: Guro:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Ana ay isang mag-aaral sa unang baitang. Nais niyang sabihin ang pangalang
bilang ng bilang na nasa loob ng kahon subalit hindi nya alam sabihin ito. Ngayon
ay tutulungan natin siya. Alin ang tamang salita na dapat imikin ni Ana sa bilang
na nasa loob ng kahon? 78
A. Pito at walo C. Pitumpu’t walo
B. Walo at pito D. walumpu’t pito
2. May 20 holen ka sa kahon. Nais humiram ni Ben ng iyong mga mga holen.
Bago mo ito ipinahiram ay ipinabilang mo ito kay Ben para alam ninyo pareho
kung ilan ang holen sa loob ng kahon. Ilan lahat ang holen na ipapahiram mo kay
Ben? __________

3. Si Susie ay tinuturuan ng nanay niyang bumilang. Ikaw ba ay tinuturuan din ng


iyong nanay? Tingnan ko nga kung may natutunan ka sa iyong nanay. Kilalanin
ang bilang na dalawampu’t walo mula sa pamilian sa ibaba
A. 26 B. 27 C. 28 D. 29
4. May mga bilang na nakalagay sa puso, Piliin mo kung alin ang walumpu’t
siyam.

A. 89 B. 88 C. 78 D. 68
Republic of the Philippines
Department of Education
Mulanay, Quezon

5. Sa mga bilang sa ibaba, aling bilang ang naiiba ang place value na sampuan?
34, 37,39,43
A. 34 B. 37 C. 39 D. 43
6. Anong bilang sa pamilian ang may naiibang value ng isahan?
A. 65 B. 75 C. 52 D. 45
7. Sa bilang na 5, 10, 15, ______, 25, ano ang nawawalang bilang?
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40
8. Si Cora ay nagbibilang sa paraang dalawahan. Subalit nalimutan niya ang
kasunod ng kanyang binibilang na 12, 14,16,___. Ano ang bilang na kasunod ng
binibilang ni Cora?
A. 16 B. 18 C. 20 D. 22
9. Si Gelo ay may 7 kendi sa kaliwang kamay at 5 kendi sa kanang kamay. Ilan
lahat ang kendi ni Gelo?
A. 2 B. 12 C. 35 D. 75
10. Sina James at Raymond ay namitas ng bayabas. Nakapitas si James ng 8 buo
at si Raymond ay 6 na buo. Ilang buo ng bayabas lahat ang napitas nina James at
Raymond?
A. 86 B. 48 C. 14 D. 2
11. Kapag ang bilang na 35 ay isinama sa bilang na 47, anong bilang ang
mabubuo?
A. 12 B. 62 C. 72 D. 82.
12. Ang 28 + 59 ay may kabuuang bilang na __________.
A. 87 B. 31 C. 77 D. 86
13. Si Azelie ay may 8 maliliit na manika. Ipinahiram niya ang 3 sa kanyang
pinsan. Ilang maliliit na manika ang natira sa kanya?
A. 24 B. 83 C.11 D. 5
14. Sa klase ni Gng Cruz ay may 10 lalaki. Sa araw ng Lunes ay lumiban ang 4,
ilan na lang ang lalaking eskuwela ni Gng Cruz ang pumasok sa araw ng Lunes?
Republic of the Philippines
Department of Education
Mulanay, Quezon

A. 5 B. 6 C. 14 D. 104
15. May 44 na mag-aaral sa Unang Baitang pangkat Rosal. 28 ang babae. Ilan ang
lalaki?
A. 24 B. 16 C. 20 D. 22
16. Bumili ng 37 bayabas si Marie sa palengke. Sa kaniyang pag-uwi, nasalubong
niya ang kaniyang kaibigan. Ibinigay niya ang 15 bayabas sa kaibigan. Ilang
bayabas ang natira sa kaniya?
A. 12 B. 22 C. 32 D. 42
17. Si Princess Mae ay binigyan ng 8 lobong rosas at 9 na lobong pula sa kanyang
kaarawan. May isang batang pulubi na humingi sa kanya ng lobo. Ibinigay niya
ang 1 lobong rosas at 2 lobong pula. Ilan ang natira sa kanya?
A. 14 B. 17 C. 1 D. 3

18. Ano kasunod na pattern sa ?


A. B. C. D.

19. Sa pattern na [AAABBCCDDDAAABB] ano ang kasunod?


A. BB B. CC C.DD D. AAA

20. Sa larawang nasa ibaba anong hugis ang iyong iyong nakikita?

A. bilog B. parisukat C. parihaba D. tatsulok


Republic of the Philippines
Department of Education
Mulanay, Quezon

You might also like