You are on page 1of 8

Republic of the Philippine

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IV - A CALABARZON
DIVISION OF BIÑAN CITY
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA
MATHEMATICS I
SY 2018-2019
Panuto: Piliin at isulat ang titik nang tamang sagot.
1. May 6 na kendi si Ompong. Binigyan siya ng kanyang ate ng 3 pang
kendi. Ilan lahat ang kendi niya? Gamit ang larawan ng mga
impormasyon piliin ang angkop na pamilang na pangungusap.

at

A. Si Ompong ay may 9 na kendi.


B. Si Ompong ay may 8 kendi.
C. Si Ompong ay may 7 kendi.
D. Si Ompong ay may 6 kendi.
2. Ano ang bagong set na mabubuo kapag pinagsama ang dalawang
set?

at

A. B. C

3. Pag-aralan ang mga larawan o dayagram. Isulat ang pamilang na


pangungusap.

at ay

_____ + ______ = _____ + _____

A. 5+4 = 3+4 B. 4+2 = 2+4 C. 5+4 = 4+5 D. 5+2 =2+5

4. Isulat ang nawawalang bilang.


+ 9 = 9 + 4 = _______

A. 4, 13 B. 5, 13 C. 6, 13 D. 7, 13

5. Bumili si Rey ng 7 pandesal. Bumili si Dana ng 6 na pandesal. Ilan

Lahat ang pandesal na binili nila? Ano ang pamilang na pangungu-

sap?

A. 7 + 7 = 14 B. 7 + 6= 13 C. 7 + 5=12 D. 7+8=15

6. Ibigay ang kabuuang bilang ng 9 + 8 ?

A. 15 B. 16 C. 17 D. 18

7. Nakapulot ng 3 holen si Luis.

Nakapulot ng 6 na holen si Billy.

Nakapulot pa ng 2 holen si Nathan.

Ilan lahat ang holen na napulot ng tatlo?

A. 11 B. 12 C. 13 D. 14

8. Ilan lahat ang gulay na napitas ni tatay sa bukid? Bilangin at pagsama-samahin.

Ano ang kabuuan.

A. 12 B. 15 C. 17 D. 19

9. Bumili ng iba’t-ibang uri ng lollipop si Anika sa Alfa Mart. Ilan lahat

ang lollipop na kanyang nabili sa tindahan?

+ 4

A. 18 B. 10 C. 16 D. 29

10. Si Nelly ay nagpunta sa hardin pumitas siya ng 6 na rosas,


8 na gumamela, at 4 na santan. Ilan lahat ang bulaklak na kanyang

napitas?

A. 18 B. 16 C. 39 D. 35

11. Isulat ang expanded form ng bawat bilang at ibigay ang

kabuuan.

38 + 57 =

A. 95 B. 86 C. 64 D. 27

12. Bumili ang tatay ng dalawang kahon ng itlog. Ang laman ng isang

kahon ay 12 itlog ang isa naman ay 24 ang laman. Ilan lahat ang

itlog?

A. 45 B. 36 C. 57 D. 16

13. Ibigay ang kabuuan ng mga pamilang na pangungusap.

68

+ 25

A. 76 B. 23 C. 93 D. 30

14. Kung may 19 batang lalaki at 21 batang babae sa loob ng klase.

Ilan lahat ang mga bata?

A. 40 B. 30 C. 45 D. 87

15. Ano ang kabuuang bilang ng 7 + 9 ?

A. 11 B. 16 C. 34 D. 56

16. Ibigay ang kabuuang bilang ng 8 , 9 at 7?

A. 20 B. 26 C. 24 D. 7

17. Ibigay ang kabuuang bilang ng 9 + 3

A. 10 B. 11 C.12 D. 13

18. Alin sa pinagpipilian ang kabuuan ng 26 at 24 =


A. 60 B. 50 C. 40 D. 20

19. Alin sa pinagpipilian ang may kabuuang 100 ?

A. 24 + 56 B. 24 + 46 C. 34 + 56 D. 34 +66

Pag-isipan ang sagot sa bawat suliranin. Piliin ang tamang sagot.

20. Nagbayad ng P14.00 si Tetay para sa dalanghita. Nagbayad naman

si Carrie ng P15.00 para sa chico. Magkano lahat ang ibinayad nila?

A. P48 B. P60 C. P29 D. P19.

21. Nagtanim si Peles ng 8 buto ng kamatis at 9 na buto ng okra. Ilan

lahat ang buto na kanyang itinanim? Ano ang hinihinging sagot sa

ibinigay na tanong?

A. Bilang ng butong itinanim

B. Bilang ng butong binili

C. Bilang ng butong itinapon

D. Bilang ng butong ibinigay

22. Gamit ang larawan, piliin ang tamang sitwasyon tungkol sa

pagdaragdag.

A. Si Hugo ay binigyan ng nanay ng baon na P50. Binigyan pa siya

ng tatay ng P20.Magkano lahat ang perang baon ni Hugo?

B. Si Hugo ay ay binigyan ng P20 ng nanay.Binigyan pa siya ng tatay

ng P30. Magkano lahat ang pera niya?

C. Si Hugo ay may P100 at P20. Magkano lahat ang pera niya?

D. Si Hugo ay may P50 at P50. Magkano lahat ang pera niya?

Gamit ang larawan, piliin ang tamang sitwasyon tungkol sa

pagdaragdag.
23. A. Namasko si Betina. Binigyan siya ng kanyang ninang ng 5 piso at

10 galing sa kanyang ninong . Magkano lahat ang napamaskuhan

niya?

B. Namasko si Betina. Binigyan siya ng kanyang ninang ng 1 piso at

10 galing sa kanyang ninong . Magkano lahat ang napamaskuhan

niya?

C. Si Betina ay may P4 at P7. Magkano lahat ang pera niya?

D. Si Betina ay may P20 at P5. Magkano lahat ang pera niya?

Pagmasdan ang larawan. Piliin ang tamang pamilang na

pangungusap nang pagbabawas.

24.
x x x
A. 7 – 1 = 6 B. 7-3=4 C. 7-2-5 D. 7-0=7

25. Bumili si tatay ng 10 makukulay na lobo na ibibigay niya sa

kanyang anak. Ngunit lumipad ang 5 .Ilang lobo ang natira?

x
x xx x
A. 10 – 2 = 8 B. 10- 4=6 C. 10-5=5 D. 10-6=4

26. Tingnan ang larawan, piliin ang sitwasyon tungkol sa pagbabawas.


A. P20 bawasan ng P5 ay P15

B. P20 bawasan ng P3 ay P17

C. P30 bawasan ng P5 ay P25

D. P15 bawasan ng P5 ay P10

27. Ang 13 ay ibinawas mula sa 65. Ilan ang natira?

A. 52 B. 64 C. 85 D. 23

28. Si Ronron ay may 25 na holen. Ibinigay niya kay Ricky ang

5. Ilan ang natira kay Ronron?

A. 13 B. 45 C. 20 D. 46

29. Si Rosana ay may 18 barbie doll. Ipinahiram niya kay

Marian ang 7. Ilang Barbie doll ang natira kay Rosana?

A. 12 B. 25 C. 11 D. 23

30. Si Kuya ay mayroong 50 piso. Ibinigay niya ang 25 piso

kay Ate. Magkano ang natira sa kanya? Ano ang itinatanong

sa suliranin?

A. Halaga ng perang nawala.

B. Halaga ng perang natira.

C. Halaga ng perang ipinambayad.

Prepared by: D. Halaga ng perang Ipinautang.

LUZAINA S. TENIDO
Master Teacher I
Noted by:

MYRNA G. PALMA
Principal II
Checked by:

GINALYN M. GARCIA
Public Schools District Supervisor-
District 4
Approved:

VIOLETA M. UMEL
Education Program Supervisor-
Mathematics

You might also like