You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
DIBISYON NG IMUS CITY
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MATHEMATIKA 3
Direksyon: Unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at itiman ang titik nito
sa bubble sheet.
1. Ang multiplication ay paulit ulit na _______________.

A. Addition B. Subtraction C. Division D.Numbers

2. Ang 9 + 9 + 9 ay maaari rin isulat na_________.

A. 9x2 B. 9x3 C.9x4 D.9X5

3. Sa 5x3 = ___x 5, alin ang tamang bilang na ilalagay?

A. 5 B. 15 C. 53 D. 3

4. Alin ang tamang product ng (4x2) = (2x4)?

A. 8 B. 16 C. 36 D. 64

5. Mayroong 5 basket ng mansanas sa mesa. Bawat basket ay may 10


mansanas. Ilang mansanas meron lahat sa mesa?

A. 30 B. 40 C. 50 D. 60

6. Kung ang 65 ay iminultiply sa 100, ano ang tamang sagot?

A. 650 B. 6 500 C. 65 000 D. 650 000

7. Magkano ang pera mo kung ikaw ay may 10 na tig i-isaan daang piso?

A. PhP 1 000 B. PhP 10 000 C. PhP 2 000D. PhP 20 000

8. Alin sa mga sumusunod na factors ang may product na 20 000?

A. 2 x20 B. 20 x 50 C. 20 x 80 D. 20 x 1000

9. Nagtanim si Elvie ng 3 hanay na pechay. Sa bawat hanay ay may 5 pechay.


Ilan lahat ang pechay na naitanim nya?

A. 15 B. 20 C. 25 D. 25

10. Naghahanda ang mga magsasaka ng 4 plot na taniman ng kanilang gulay.


Ilang binhi ang kakailanganin kung ang isang plot ay tataniman ng 12 na
binhi?
A. 42 B. 44 C. 46 D. 48

11. Kailangan mo ng 2 dalandan para sa isang basong juice. Ilang dalandan ang
magagamit mo para sa 13 basong juice?

A. 20 B. 23 C. 26 D. 29

12. Alin sa mga sumusunod ang may multiples of 9?

A. 10 20 25 B. 12 18 24 C. 16 24 30 D. 27 36 45

13. Kung ang 63 ay hahatiin sa 9, ano ang sagot o quotient?

A. 5 B. 6 C. 7 D.8

14. Alin ang nagpapakita ng tamang division sentence?

A. 427 =4 B. 427=5 C. 42 7 = 6 D.42 7= 7

15. Ano ang nawawalang bilang sa division sentence na ito 36__= 6


A.6 B.7 C. 8 D.9
16. Inilagay ni Gng. Gonzales ang 72 aklat sa 9 na cabinet. Ilang cabinet ang
nalagyan niya ng aklat?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
17. Kung ang 24 na aklat ay ipinangkat sa 2, ilang aklat mayroon ang bawat
pangkat?
A. 10 B. 11 C. 12 D. 13
18. Kung hahatiin sa 3 pangkat ang 72 na bata ,ilang bata mayroon sa bawat
pangkat?
A. 22 B. 24 C. 26 D. 28
19. Mayroong 40 na lapis si Micah na ipapamigay niya sa kanyang sampung
kaibigan. Ilang lapis ang matatanggap ng bawat isa niyang kaibigan?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
20. Binigyan si Earl ng kanyang tatay ng PhP 20. Ibinigay niya ang kalahati sa
kanyang kapatid. Magkano ang nakuhang halaga ng bawat isa sa kanila?
A. PhP 5 B. PhP 10 C. PhP 15 D. PhP 20
21. Si Yoshua ay nagtrabaho ng 8 oras sa bawat araw sa isang bookstore. Ilang
oras siyang nagtrabaho sa loob ng labindalawang araw?
A. 76 B. 86 C. 96 D. 106
22. Naghahatid si Lester ng 45 na sulat bawat araw. Ilang sulat ang maihahatid
niya sa loob ng 3 araw?
A. 120 B. 125 C. 130 D. 135
23. Si Sophia ay may 23 pahina ng stickers. Bawat pahina ay may 12 na
stickers. Ilan ang kabuuang bilang ng stickers ni Sophia?
A. 176 B. 276 C. 376 D. 476
24. Bumili si CJ ng 11 na notebook sa Coop. Kung ang bawat libro ay
nagkakahalaga ng Php 22, magkano ang kabuuang binayaran niya?
A. PhP 240 B. PhP 242 C. PhP 246 D. PhP 248
25. Nag-iipon si Vincent ng PhP 55 bawat buwan. Magkano ang maiipon niya sa
loob ng 15 na buwan?
A. PhP 325 B. PhP 425 C. PhP 625 D. PhP 825
26. Mayroong 39 lata ng gatas sa isang kahon. Kung may 13 kahon, ilang lata ng
gatas mayroon lahat?
A. 307 B. 407 C. 507 D. 607
27. May 12 bolpen sa bawat kahon, humigit kumulang ilang bolpen mayroon sa
38 kahon?
A. 200 B. 300 C. 400 D. 500
28. Humigit kumulang may 25 na pampasaherong dyip ang dumaraan sa tapat
ng gasolinahan sa loob ng isang oras. Mga ilan kayang pampasaherong dyip ang
makakaraan sa loob ng 3 oras?
A. 9 B. 90 C. 900 D. 9000

Si Diane ay nag-iipon ng PhP15 araw - araw. Magkano ang maiipon nya sa


loob ng 7 araw?

29. Ano ang itinatanong sa ating suliranin?


A Halaga ng naipon nya araw-araw
B. Halaga ng pera nya araw araw
C. Halaga ng naipon nya sa loob ng 7 araw
D. Halaga ng Php 15
30. Anong paraan (operation) ang dapat gamitin para lutasin ang suliranin?
A. Pagdaragdag ( Addition ) C. Pagpaparami ( Multiplication )
B. Pagbabawas ( Subtraction ) D. Paghahati-hati ( Division )
31. Ano ang tamang pamilang na pangungusap? (number sentence)
A. Php15 x 7= M C. PhP15 + 7 = M
B. Php 15 + 7 = M D. PhP15 7 = M
32. Ano ang tamang sagot?
A. PhP100 C. PhP115
B. PhP105 D. PhP120
33. Si Princess ay bumili ng 12 na mangga sa palengke. Hinati hati niya ito sa
kanyang tatlong kaibigan. Ilang mangga ang matitira sa kanya?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
34. Ilang pack ang matitira kung hahatiin ang 247 na pack ng relief goods sa
limang barangay na may pare-parehong dami o bilang?
A. 2 B. 4 C. 6 D. 8
35. Sa 49 11, ano ang estimated quotient?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 6
36. May 65 bata na pupunta sa Museong Pambata. Kung ang mga bata ay
papangkatin sa 10, mga ilang bata mayroon sa bawat pangkat?
A. 7 B. 17 C. 27 D. 37
37. Anim na daang mag-aaral ang sasama sa fieldtrip. Sila ay sasakay sa
sampung bus. Ilang mag-aaral mayroon sa bawat bus?
A. 6 B. 60 C. 600 D. 6000
38. Mayroong 3000 kilo ng bigas ang ipapamigay sa mga 100 tao na nasalanta
ng bagyo. Ilang kilo ang bigas ang matatanggap ng bawat isa sa kanila?
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40

Si Aling Fely ay may dalawampung piraso ng kahel. Kung ito ay hahatiin


nya sa 4 nyang anak, ilang kahel ang makukuha ng bawat bata?

39. Ano ang tanong sa suliranin?


A. Bilang ng kahel na makukuha ng bawat bata
B. Bilang lahat ng kahel
C. Bilang ng anak ni Aling Fely
D. Bilang ng hahatiin na kahel
40. Anong paraan (operation) ang dapat gamitin para lutasin ang suliranin?
A. Pagdaragdag ( Addition ) C. Pagpaparami ( Multiplication )
B. Pagbabawas ( Subtraction ) D. Paghahati-hati ( Division )

41. Ano ang tamang pamilang na pangungusap (number sentence)?


A. 20 + 4=N C.20 4=N
B.20 - 4=N D. 20 x 4=N
42. .Ano ang tamang sagot?
A. 2 kahel bawat bata C. 4 kahel bawat bata
B.3 kahel bawat bata D. 5 kahel bawat bata
Sa silid- aralan ni Gng. Bautista ay may 4 na hanay ng upuan. Sa bawat hanay
ay may 10 na mag-aaral. Kung 5 sa mga mag aaral ay hindi pumasok, ilang
mag-aaral ang pumasok?
43. Ano ang tanong sa suliranin?
A. Bilang ng mga mag aaral
B. Bilang ng mga mag aaral na pumasok
C. Bilang ng mga mag aaral na di pumasok
D. Bilang ng mga upuan
44. Ano ang hidden question sa ating suliranin?
A. Bilang ng mga pumasok
B. Bilang ng mga di- pumasok
C. Kabuuang bilang ng mag aaral
D. kabuuang bilang ng mga upuan
45. Ano anong operation ang ating gagamitin upang makuha ang tamang
sagot?
A. Addition at Subtraction
B. Addition at Multiplication
C. Multiplication at Addition
D. multiplication at Subtraction
46. Ano ang tamang pamilang na pangungusap?
A. (4 x 10) 5 = N C. (10 x 5) 4 = N
B. (4 x 5) 10 = N d. (5 x 4) 4 = N

Sina Loraine at Elizabeth ay tumutulong sa kanilang magulang sa


pamamagitan ng pagbebenta ng banana cue. Si Loraine ay
nakaipon ng Php 40 at si Elizabeth naman ay PhP 60. Kung
pagsasamahin ang kanilang ipon magkano ang makukuha ng
bawat isa sa kanila?

47. Ano ang tanong sa suliranin?


A. Halaga ng pera ni Loraine C. Halaga ng makukuha ng bawat isa
B. Halaga ng pera ni Elizabeth D. Halaga ng ipon nila
48. Ano ang hidden question sa ating suliranin?
A. Halaga ng pera ni Loraine C. Halaga ng makukuha ng bawat isa
B. Halaga ng pera ni Elizabeth D. Halaga ng ipon ni Loraine at Elizabeth
49. Ano anong operation ang gagmitin?
A. Addition at subtraction C. Addition at divison
B. Subtraction at division D. Multiplication at division
50. Ano ang tamang pamilang na pangungusap?
A. (PhP 40 + Php 60) 2 = M
B. (PhP 40 PhP 60) 2 = M
C. (PhP 40 x PhP 60) 2 = M
D. (PhP 40 PhP 60) 2 = M
Inihanda ni:
Bernadette P. Ferma
Binigyang pansin ni:
Gng. Lerma V. Pena
Principal IV

Sinang-ayunan ni:
Gng. Josephine P. Canlas
EPS I- Mathematics

SUSI NG PAGWAWASTO
1. A 26.C
2. B 27.C
3. D 28.B
4. A 29.C
5. C 30. C
6. B 31. A
7. A 32.B
8. D 33.D
9. A 34.A
10. D 35. C
11. C 36. A
12. D 37. B
13. B 38. C
14. C 39. A
15. A 40. D
16. D 41. C
17. C 42. D
18. B 43. B
19. D 44. C
20. B 45. D
21. C 46. A
22. D 47. C
23. B 48. D
24. B 49. C
25. D 50. A

Inihanda ni:
Bernadette P. Ferma
Binigyang pansin ni:
Gng. Lerma V. Pena
Principal IV

Sinang-ayunan ni:
Gng. Josephine P. Canlas
EPS I- Mathematics

You might also like