You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN ( LAGUMANG PAGSUSULIT )

ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan:________________________ Petsa:_____________________Seksyon:___________________

Test I. Komprehensibong basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang inatasan ng pangulo ng United States na maungkulan sa Pilipinas bilang unang
Gobernador-Militar?
a. Heneral Wesley Merrit b. Heneral Douglas MacArthur c. William McKinley
2. Ito ang batas ng pagpataw ng parusangkamatayan o matagalang pagkabilanggo sa mga Pilipinong
nangangamapanya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa United States.
a. Brigandage Act b. Reconcetration Act c. Sedition Law
3. Sino ang kabilang sa mga naging biktima ng batas Panunulisan/Brigandage Act?
a. Apolinaro Mabini b. Macario Sakay c. Gregorio Aglipay
4. Ito ang batas na nagbabawal sa paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila, banderitas, sagisag o
anumangginamit ng mga kilusang laban sa United States, lalong lalo na ang sagisag ng Katipunan.
a. Reconcetration Act noong 1903 b. Flag law ng 1907 c. Brigandage Act ng
1902
5. Ang pinakaunang halalan sa Asembliya ay nangari nong Hulyo 1907. Sino ang nahalal bilang
ispiker?
a. Pangulong William McKinley b. a. Heneral Wesley Merrit c. Sergio Osmeña Sr.
6. Ilan ang itinakdang oras para sa manggagawa sa panahon ng pamahalaang komonwelt?
a. Eight Hour/walong oras b. Twelve Hour/Labindalawang oras c. Twenty Four hour(24)
7. Ang kauna-unahang batas na pinagtibay ng Pambansang Asemblea ay ang Batas Komonwelt Bilang
1 o kilala bilang?
a. Batas Panunulisan b. Batas ng Tanggulang Pambansa c. Batas Pansakahan
8. Karamihan ng homestead ay nasa?
a. Luzon b. Visayas c. Mindanao
9. Kailan nangyari ang unang pagboto ng kababaihan?
a. Disyembre 14, 1937 b. Abril 30, 1937 c. Nobyembre 15, 1935
10. Ilang bilang ng dayuhang ang inilimita na makapasok sa bansa sa loob ng isang taon?
a. 300 bilang b. 500 bilang c. 1000 bilang

Test II. Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at M naman kung Mali.

_____1. Isa sa kwalipikasyon ng mga botante ay lalaking may edad 20-30 gulang.

_____2. Ang Brigandage Act ng 1902 ay ang puwersahang pagpapatira sa mga Pilipino sa mga kabayanan
upang maputol ang tulong na pagkain at suporta sa mga gerilya na nasa kanayunan.

_____3. Binili ng mga Amerikano ang naglalakihang lupain na pag-aari ng mga prayleng kastila.

_____4. Si Manuel L. Quezon ang nahalal na pangulo sa panahon ng pamahalaang Komonwelt.

_____5. Ang lahat ng nagmamay-ari ng lupa ay hindi inatasang magparehistro at binigyan ng titulo o
Torrens Title bilang katibayan.
Test III. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang A kung ito ay Patakarang Pasipikasyon at B
naman kung Patakarang Kooptasyon. Isulat ang inyong sagot sa patlang.

_____1. Binuo ang patakarang ito upang higit pang mapatatag ang patakarang pampulitiko at
pangkabuhayan sa unang dekada ng kanilang pananakop.

_____2. Pinalawak ng mga Amerikano ang libreng edukasyon at paggamit ng Wikang Ingles bilang midyum
sa pakikipagtalakayan.

_____3. Sa patakarang ito, ipinalabas ang batas na pagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga
samahan at kilusang makabayan.

_____4. Hindi pinahintulutan ang pagwagayway ng bandilang Pilipino at mga simbolo at kulay na may
kaugnayam sa Katipunan.

_____5. Sa patakaran na ito iniutos ni Pangulong William McKinley ang paglalagay ng mga Pilipinong
kawani sa mga Pamahalaang Munisipal sa pamamagitan ng pagboto.

Test IV. ENUMERASYON: Ibigay ang mga sumusunod.

1-3. Tatlong sangay sa Pamahalaang Komonwelt.

4-7. Ang mga batas sa Patakarang Pasipikasyon

8-10. Magbigay ng Tatlong mga programa sa Panahon ng Komonwelt.

You might also like