Professional Documents
Culture Documents
Solsona District
EASY ROUND
DIFFICULT ROUND
1.Siya ang nagsalin ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa ILoko, isa
rin siya sa mga nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente
Sagot: Santiago Fonacier Y Suguitan
2. Ano ang tatlong sangay ng kasalukuyang sistema ng ating
pamahalaan?
Sagot: Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura
3. Ano ang tinaguriang national gem ng bansa ayon sa Republic Act
8491? Sagot: Philippine Pearl
4. Ito ay idinedeklara ng pangulo ng bansa sa panahon ng
KaGULUHAN KUNG SAAN ANG PAMAHALAAN AY NAWAWALAN NA
NG CONTROL KATULAD NOONG September 21, 1972.
Sagot: Martial Law/ Batas Militar
5. Ang UNCLOS ay nangangasiwa sa karapatan ng bawat bansa sa
karagatan na napapaloob sa kanyang nasasakupang teritoryo upang
maisagawa ang kanyang gawaing political at pang ekonomiya. Ano ang
ibig sabihin ng UNCLOS?
Sagot: United Nations Convention on the Laws of the Sea
6.Kailan pinasinayaan ang pagtatag ng Unang republika ng pilipinas
na higit na kilala sa pangalang Republika ng malolos?
Sagot: Enero 23, 1899
a.Mariano Gomez
b. Jose Burgos
c. Jacinto Zamora
Panuto: Pag-aralan ng mabuti ang detalye ng balita. Sumulat ng ulo na ma 2 linya/3
kolum. Isaalang-alang ang kahalagahan ng balita sa paglalagang printer’s direction.
Maglagay ng espasyo para sa slugline. Iwasto ang teksto sa pamamagitan ng
panandang gamit sa pagwawasto ng orihinal. Ulo: times New Roman Bold, 40 pts.,
downstyle
Giwana ang pagbalasa bago pa man maitalaga ni pangulong rodrigo duterte ang
bagong hepe ng PNP.
Bilang OIC, limitado kapangyarihan lang ang ni Gamboa sa galaw ng mga tauhan nang
PNP pero ngayong pinaganya siya ng Napolcom ay maaari na siyang gumawa ng mga
pagbabago.
Bagong hepe ng drug enforcement group si Police Col. Romeo Caramat habang si Col.
Ronald Lee ang hepe na ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group.
Si manila police district (MDP) chief Brig. Gen. Vicente Danao ang bagong director ng
Calabarzon Police. Pinalitan si niya Police Brig. Gen. Edward Carranza na ngayon ay
Logistics Support Service Director. Si Police Brig. Gen. Joel Coronel, dating director of
Central Luzon Police, ang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group
(CDIG). Pinalitan niya si police major gen. amador corpus na bago namang director ng
doctrine development.
Si dating Eastern Visayas director Dionardo Carlos ang bago nang pinuno ng PNP-
Highway Patrol Group. Pinalitan niya si Police Brig. Gen Eliseo Cruz na ngayon ay
deputy director ng CIDG.
Bagong hepe naman ng MPD si Police Brig. Gen Bernabe Balba habang si Police Brig.
Gen. Angelito Casimiro ay itinalagang hepe ng Cagayan Valley Police.
Bago namang hepe ng Directorate for Intelligence si Police Major Gen. Mariel
Magaway.
Itinalagang OIC si Gamboa makaraang magbitiw sa puwesto ang naunang PNP chief
na si Gen. Oscar Albayalde.