You are on page 1of 1

Melimore Janne Nickoulo S.

Dagotdot Grade 4 – SCA

-FILIPINO-

ANG ALAMAT NG
TANGCULOGAN
Noong unang panahon, may dalawang magkaribal na higante – si Tangko at si Logan. Sila
ay hindi magkasundo sa lahat ng bagay. Araw-araw silang nag- dedebate kung sino ba talaga sa
kanila ang mas malakas at mas magaling. Isang araw, habang nagpapahinga si Tangko,
naramdaman niya na tila gumagalaw ang lupa. Tumayong bigla si Tangko dahil akala niya ay
lumilindol, tatakbo na sana siya ng makita niya si Logan na may tinutulak na malaking bato.
“Hoy Tangko, kita mo tong dala kong bato? Napakabigat nito, hindi mo kaya tong ginagawa
ko!”, sabi ni Logan. Nayabangan si Tangko sa sinabi ni Logan kaya’t kumuha siya ng malaking
bato at itoy binuhat. “Oh, pagmasdan mo ako Logan, kaya mo bang bumuhat ng ganito kalaking
bato?”, tanong ni Tangko. Dahil sa sinabing iyon ni Tangko ay kumuha ng malaking bato si
Logan at hinagis niya ito. Wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo kaya paramihan at
palakihan sila ng batong hinahagis. Parami ng parami ang mga batong nagkumpulan sa gitna ng
malawak na talampas hanggang sa nabuo ito na parang isang burol. Lumipas ang maraming
taon at ang burol na nabuo mula sa mga naglalakihang bato ay kailanman hindi nagalaw.
Kalaunan ay pinangalanan ang lugar na ito na Tangculogan!

You might also like