You are on page 1of 1

Magandang umaga sayo kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong. Kaybigat ng iyong dala.

Bakit
ba wala ka nang ginawa kundi maghanap ng pagkain? Nag-iipon ako ng pagkain kaibigang
Tipaklong para sa darating na tagulan,

Maraming pagkain sa Paligid. Tara na! kaibigang Langgam tayo ay maglaro at kumanta, wika ni
Tipaklong. Sa susunod nalang kaibigang Tipaklong kailangan ko pang mag-ipon at maghanap
ng

Makalipas ang ilang linggo, dumating na ang tag-ulan at nagkaroon ng bagyo. Ginaw na ginaw
at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalala niyang puntahan ang kaibigang
Langgam.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto. Aba! Ang aking kaibigan, wika ni Langgam. Tuloy ka. Halika
at maupo. Binigyan ni Langgam Ng tuyong damit si Tipaklong. At saka ng naghanda ng
pagkain. Ilang sandali pa at magkasalo na sila

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at magimpok.

Si Malakas at si Maganda Si Malakas, Si Maganda, At Ang Pagdami Ng Tao NANGYARI


naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may anak sila, si kawayan.
Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang paa ng lawin.
Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kaginsa-
ginsa, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa kabilang bahagi, lumabas naman
ang isang babae, si Maganda. Sila ang 2 Unang Tao sa daigdig.

IPINATAWAG naman ng lindol ang lahat ng ibon at isda upang pag-usapan kung ano ang dapat
gawin sa 2 tao. Ipinasiya nila na dapat mag-asawa sina Malakas at Maganda. Nangyari nga ito
at marami silang naging mga anak, na pinagmulan ng iba¶t ibang tao sa daigdig ngayon.

Pagtagal, nayamot ang mag-asawang Malakas at Maganda sa dami ng kanilang mga tamad at
walangpakinabang na mga anak. Nais nilang palayasin lahat subalit hindi nila alam kung saan
itatapon ang mga ito kaya nagtiyaga na lamang ang mag-asawa.

Dumami pa uli nang dumami ang mga anak sa paglipas ng panahon at nangyari na hindi na
nakaranas ng tahimik sina Malakas at Maganda.

You might also like