Professional Documents
Culture Documents
´ Dali-daling
binitiwan ng unggoy ang pagong. Humanap siya ng pinakamalaki at pinakamapulang bunga ng
sili. ´Huwag! HUwag! Para mo ng awa. Putulin mo na ang leeg ko. Patayin mo na ako! Huwag
mong kunin ang gamot ng nanay ko!´ Ngunit mabilis na kumuha ng sili ang unggoy. Dinudrog
ito nang pinung-pino at ubos diing ikinuskos sa kanyang mga mata. ´Ang walang hiya! Ngayon
ay hindi na siya makakaligtas sa akin. Mahigit na isang linggong namaga ang aking mga mata.
Muntik na akong mabulag.´ Ang unggoy ay nagpalakad-lakad sa tabi ng ilog. ´Makikita ko rin
siya. Aahon rin siya.´ Matiyagang nagbantay ang unggoy. Nagpalipat-lipat siya sa mga punong
nakatanim sa magkabilang pampang ng ilog. Nagtiyaga siya sa pagbabantay sa pagong. Isang
araw namataan ng unggoy ang pagong na naglalakad sa pampang. Bigla siyang tumalon sa
harap nito. ´Saan ka pupunta magaling na pagong? Tingnan mo ang nangyari sa mga mata ko.
Hanggang ngayon ay mahapdi pa. Muntik na akong mabulag. Hindi ka na makakaligtas ngayon.
Ito na ang iyong wakas.´ Sumagot ang pagong sa matinis at ipit na tinig. ´Ako ay ibang pagong.
Iba ang aking gawain.´ Matamang nag-isip ang unggoy. ´Iba nga ang kanyang tinig. Hindi ito
ang luminlang sa akin.´ Nguni`t humarang rin ang unggoy sa dinaraanan ng pagong. ´Ano ang
gawain mo? ´Hayun, babantayan ko ang pampaligo ng aking lolo. Mapaghimala ang tubig na
yaon. Nawawala ang kanyang rayuma at pananakit ng kanyang likod pagkatapos niyang
maligo.´ ´Iyon pala! Iyon pala ang gamot sa rayuma at pananakit ng likod. Ngayon din ay
maliligo ako.´ ´Huwag! Huwag! Mawawalan ng pampaligo ang aking lolo. Pukpukin mo na ng
bato ang aking ulo. Patayin mo na ako. Huwag mong kunin ang pampaligo ng aking lolo!´
Mabilis na itinulak ng unggoy ang pagong. ´Umalis ka riyan. Ako ang maliligo. Mauuna ako sa
lolo mo. At tiyak na uubusin ko ang tubig.´ Mabilis na lumundag ang unggoy sa kumukulong
tubig. At iyon ang wakas ng unggoy.