You are on page 1of 14

Si Langgam at

Si Tipaklong

Muling Isinalaysay ni:


Rexis L. Reginan
Sa isang
malawak
na sakahan.
May dalawang
mag-
kaibigan. Sila ay
sina Langgam at
Tipaklong.
Magandang umaga
sayo kaibigang
Langgam, bati ni
Tipaklong.
Kaybigat ng iyong
dala. Bakit ba wala
ka nang ginawa
kundi maghanap
ng pagkain?

Nag-iipon ako ng
pagkain kaibigang
Tipaklong para sa
darating na tag-
ulan,
Maraming pagkain
sa
Paligid. Tara na!
kaibigang
Langgam tayo ay
maglaro at
kumanta, wika ni
Tipaklong.

Sa susunod nalang
kaibigang
Tipaklong
kailangan ko pang
mag-ipon at
maghanap ng
Makalipas ang
ilang linggo,
dumating na ang
tag-ulan at
nagkaroon ng
bagyo.

Ginaw na ginaw
at gutom na gutom
ang kawawang
Tipaklong. Naalala
niyang puntahan
ang kaibigang
Langgam.
Tok! Tok! Tok!
Bumukas ang
pinto. Aba! Ang
aking kaibigan,
wika ni Langgam.
Tuloy ka. Halika at
maupo.
Binigyan ni
Langgam
Ng tuyong damit
si Tipaklong. At
saka ng naghanda
ng pagkain.
Ilang sandali pa at
magkasalo na sila
Mula noon,
nagbago si
Tipaklong. Pag-
dating ng tag-init
at habang
maganda ang
panahon ay
kasama na siya ng
kanyang kaibigang
si Langgam.
Natuto siyang
gumawa at mag-
impok.

You might also like