You are on page 1of 1

 

Ang mga ilan-ilang sinuswerteng nakauuwi pa ay nagmimistulang estatwa, hindi makapagsalita


at nakatulala. Mabibilang mo sa daliri ang ilang pinagbabalikan ng diwa na kapag nagsalaysay
na ay lagi nang misteryosang dalaga ang kwento nila. Sapagkat ibat-iba ang salaysay, ang mga
kwentong nagkakaugnay ang pinaniniwalaan larnang na may patotoo at pagpapatunay. Ang
mga pinagtagni-tagning kwento ay nagsasaad na si Mariang Makiling daw ay nakatira sa isang
nagliliwanag na kaharian na napapalibutan ng mga puno at halamang kung hindi hitik ng bunga
ay marangya namang pinamumulaklakan ng mga petalyang kulay dilaw, pula o lila. May ilan
ding nagpapabulaan sa kwento na nagsasabing kitang-kita ng kanilang mga mata na sa isang
dampa lamang na nabububungan ng pinagtagpi-tagping sawali nakatira si Maria. Na ang
dalaga ay nagbabayo ng palay, namimitas ng mga gulay at nanunungkit ng mga prutas araw-
araw. May naniniwala sa una. Mayroon din sa ikalawa. Pero may nagbibigay diin na si Maria
sapagkat may iba-ibang katauhang misteryosa ay maaaring mabuhay na isang diwata o isang
mortal na dalaga. May isang katulong na nagpapatunay na isang umaga ay nakita niya si Maria
na pumasok sa isang talahibang malapit sa paanan ng kabundukan. Takang-taka siya sapagkat
parang manipis na hangin lang itong inihip kaya di man lang nahawi ang mga nadaanang
halaman. Nang magbalik ay dala na ni Maria ang isang bungkos ng mga puting bulaklak ng
talahiban na masaya niyang ipinanhik sa kabundukan. Nagtataka ang nakasaksi sapagkat
parang nakaangat sa lupa ang mga paa ng dalaga. Sa pakiwari niya si Maria ay isa ngang ada.
May ilang namamasyal sa kabundukan na nagpapatunay namang kitang-kita nila si Maria na
umuupo sa matatarik na gilid ng bundok. Iwinawasiwas niya ang mahabang buhok na sa
kaalinsanganan ng hapon ay naghahatid ng mabining hanging nagpapalamig sa kapaligiran at
nagpapasaya sa mga hayop sa kabundukan. Kung ganda ang pag-uusapan wala na raw tatalo
sa kariktan ni Maria. Siya ay may balingkinitang pangangatawan, mabibilog na mga mata,
maninipis na mga labi at malamyos na tinig ng

isang mortal na dalaga at misteryosang Engkantada. Karaniwang nakikita siyang namamasyal


sa paligid ng kabundukan kung umagang kasisikat pa lang ng araw. May nagsasabing matapos
makapananghalian ay umuupo ang ada sa mga tipak ng bato habang pinanunuod ang
marahang agos ng ilog. May ilang nagpapatunay na kung gabing maalinsangan at natutulog na
ang lahat ay naglulunoy daw si Maria sa malamig na bukal. Usap-usapan ng lahat ang
magandang alpa na tinutugtog ni Maria kung kabilugan ang buwan. Ang sinumang nakaririnig
nito at nagbabakasakaling maghanap ay nangalilito raw. 

You might also like