Mekaniks • Limang pares na maglalaro na uupo nang magkaharap. o tagatanong o tagasagot.
• Layunin ng tagatanong na mahulaan ang
salita. Gagawin ito sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga tanong na masasagot lamang ng oo, hindi, o puwede. Trabaho ng kaniyang kapares na sagutin nang mahusay ang mga ibinabato niyang tanong. • Isang minuto at tatlumpung segundo lamang ang oras ng bawat pares. Ang pares na pinakamabilis na makakahula ang siyang mananalo. Mekaniks • Bawal sabihin ang kanilang hula hanggang sa siguradong-sigurado na sila. Kapag sinabi na nila ang kanilang hula at mali ito, titigil ang relo at ituturing silang hindi nanalo. Kaya kailangan ay magtanong muna sila nang magtanong ng mga katangian at iba pang bagay bago sila manghula. Bulkang Mayon Ulap Pag-ibig Bicol Turismo Tungnguhin: • Naihahayag ang nakikitang mensahe ng napanood/ napakinggang alamat • Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng pinanood/ binasang alamat ng Kabisayaan • Nahihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa alamat Tanong: 1. Magbigay ng isang salita para ilarawan ang Bulkang Mayon. 2. Bakit kaya ito naging isang landmark o icon ng Bikol at ng Filipinas? 3. Ano ang alam ninyo tungkol sa Bikol at sa bulkang ito? 4. Ano ang pamumuhay ng mga tao sa Bikol? 5. Paano sila naaapektuhan ng bulkan? Mahalagang impormasyon • Itinuturing ang bulkan bilang isang perpektong apa, dahil sa simetrikong hugis nito. • Mabibilang lang ang bulkan o bundok na ganito sa mundo. • Aktibo ang bulkan, kung kaya’t malaki ang epekto nito sa kanilang pamumuhay. • Kapag pumutok ang bulkan, hindi lamang ari-arian ang masisira kundi ang lupa na kanilang tinataniman. • Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Bikol. Panoorin Ninyo! • Ang Alamat ni Daragang Magayon Talakayan! 1. Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento. 2. Paano sinuyo ni Pagtuga si Magayon? 3. Paano sinuyo ni Ulap si Magayon? 4. Bakit kaya si Ulap ang nakakuha ng puso ni Magayon? 5. Makatwiran ba ang naging reaksiyon ni Pagtuga nang marinig niya ang pagpapakasal ni Magayon kay Ulap? Bakit o bakit hindi? Talakayan! 6. Talakayin ang huling katagang ito: “Hanggang sa kasalukuyan, kahit na maaliwalas ang panahon, isang anino ng masalimuot na kuwento ng isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang bumabalong sa magandang bayan ni Daragang Magayon.” 7. Bakit kaya sinabi na ang anino ng masalimuot na kuwento ang bumabalong sa bayan, sa halip na simpleng bulkan lang? Talakayan! 8. Sa inyong palagay, bakit kaya kinailangang maging masaklap ng alamat na ito? 9. Posible bang maging masaya ang alamat ng isang bulkan? Bakit o bakit hindi? 10.Magbahagi ng mga alam ninyong alamat hinggil sa mga sikat na anyong lupa o tubig.