You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa FlLIPINO 7

I. LAYUNIN
Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na Dulang
Panlansangan (F7PD-Ihi-5)
II. PAKSA
A. PAKSA: Paglalarawan sa mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na Dulang
Panlansangan
B. KAGAMITAN: Dula “Patria Amanda” at “Ang Mahiwagang Tandang”
C.SANGGUNIAN: https://youtu.be/mi4TMwv5Q20?si=7vZPRk09tBYYdTxs

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin
(Magtatawag ng isang mag-aaral upang Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito
pangunahan ang panalangin) na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo
po kami sa mga gawain na aming gagawin sa
araw na ito. Sana po ay gabayan mo din po ang
aming guro na siyang magtuturo sa amin. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po ma’am

B. Pagganyak/Balik-aral

Gawain 1: PAGUUGNAY SA DULA

Batay sa inyong dating kaalaman, subukan natin


ang isang gawain.

Basahin ang panuto. Panuto: Gamit ang semantic webbing, ibigay ang
mga salitang mauugnay sa salitang nasa gitna.
Isulat sa loob ng web ang kasagutan.

DULA

Mga Posibleng Kasagutan:


Ngayon, basahin ng sabay-sabay ang inyong - Sining
mga kasagutan. - Kuwento
- Entablado
- Aliw
- Manonood
- Pagpaparating ng damdamin
Sino ang maaaring makabuo ng mga salitang ito
sa isang pangungusap?
Paalala: Hindi maaaring bawasan ang mga salita
ngunit maaaring dagdagan upang makabuo ng
isang pangungusap.

Ang dula ay isang anyo ng sining na nagpapakita


ng kuwento o pangyayari sa pamamagitan ng
pagganap ng mga tauhan sa entablado.
Ito ay may layuning aliwin ang manonood at
iparating ang mensahe o damdamin ng may-akda.

Mahusay! Ako ay nagagalak sapagkat nakakintil


pa rin sa inyong ala-ala ang araling ating
natalakay noong nakaraan.

C. Paglalahad
Sa pagpapatuloy ng ating aralin, ngayonay
tutungo na tayo sa paglalarawan sa gawi at kilos
ng mga kalahok sa ating panonoorin.

Pakibasa nga po ng sabay-sabay ang layunin Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga
kalahok sa napanood na Dulang Panlansangan

Inaasahan kong matagumpay ninyong


maisasagawa ang mga gawaing inihanda ko para
malinang ang inyong makrong panonood.
D. Paglinang ng Kasanayan

Ngayon ay mayroon akong ipapanood sainyong


dula, “Ang Mahiwagang Tandang”. Ito ay inyong
susuriin ang bawat karakter gamit ang mga
sumusunod na katanungan. Pakibasa nga po.
1. Sino si Bagoamama? Ilarawan ang kaniyang
kalagayan at ang kaniyang pamilya
2. Anong magandang katangian ang ipinakita ni
Lokes a Babae nang magkasakit si Lokus A
Mama?
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Lokus a Mama na
ang kahirapan ay kagustuhan ni Allah?
4. Ano ang naisip na paraan ni Bagoamama
upang makatulong sa kaniyang magulang?
5. Kung ikaw si Bagoamama, susundin mo ba ang
lahat ng sinasabi ng mahiwagang tandang?

Naunawaan po ba ang gagawin? Opo ma’am

Kung ganon, ituon na ang mata sa harap at


panoorin ang isang dulang panlansanagan. “Ang (Tahimik na manonood. Mnonood ng may
Mahiwagang Tandang” pagsusuri)
Naunawaan po ang napanood? Opo

Kung talagang naunawaan ang inyong napanood,


sagutan ang mga katanungang binasa ninyo
kanina. Muling basahin ay isunod ang inyong
kasagutan.
1. Sino si Bagoamama? Ilarawan ang kaniyang
kalagayan at ang kaniyang pamilya
- Si Bagoamama ay anak ni Lokus a Mamaa at
Lokus a Babae. Sila ay mahirap lamang.
2. Anong magandang katangian ang ipinakita ni
Lokes a Babae nang magkasakit si Lokus A
Mama?
- Nang magkasakit si Lokus a Mama ay
pinagdasal siya ng kaniyang asawa.
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Lokus a Mama na
ang kahirapan ay kagustuhan ni Allah?
- Hindi, sapagkat kung tayo man ay ipinanganak
na mahirap, gumawa tayo ng paraan upang
maiahon ang ating sarili sa hirap.
4. Ano ang naisip na paraan ni Bagoamama
upang makatulong sa kaniyang magulang?
- Ang naisip ni Bagoamamang gawin ay siya’y
gumawa ng mahabang lubid katulong ang
kaniyang ina upang gawing bitag at makahuli ng
mga ibon at manok. Ang mga ito ay ipagbibili sa
bayan upang maging salapi.
5. Kung ikaw si Bagoamama, susundin mo ba ang
lahat ng sinasabi ng mahiwagang tandang?
- oo, sapagkat ang mahiwagang tandang ay nais
lamang na tumulong sa iba.

Mahusay mga bata! Inyo ngang naunawaan ang


inyong napanood.

Dumako na tayo sa isa pang gawain.

Gawain 2: ISADULA MO
(Pangkatang Gawain)
Panuto: Isadula ang pagkakakilala sa mga
sumusunod na tauhan batay sa kilos at gawi ng
mga ito.

Pangkat 1 – Bagoamama
Pangkat 2 – Lokus a Babay
Pangkat 3 – Lokus a Mama
Pangkat 4 – Sultan Abdullah Pamantayan:
Pagsasadula – 20%
Basahin ang pamantayan. Linaw ng konsepto – 10%
Paraan ng pagsasaayos ng mga ideya – 10%
Kaangkupan ng kilos at gawi sa karakter na
ginagampanan – 10%
Kabuuan: 50
D, Paglalahat

Paano nakkatulong ang mga dula upang


masalamin ang kulturang Pilipino partikular ang
mga pangkat o rehiyon kung saan ito nagmula?

E. Paglalapat

Gawain 3: ILAHAD MO
Panuto: Panoorin ang dulang “Patria Amanda”.
Bigyang pansin ang mga tauhang nagsipagganap
sa dula at ilarawan kung ang kanilang gawi o
kilos ay akmang-akma o makatotohanan sa
tauhang kanilang ginagampanan.

Pamantayan:
Paraan ng pagkalalahad ng paglalarawan – 10%
Watong gamit ng mga salita- 5%
Ideya at nilalaman ng pagpuna sa dula – 5%
Kabuuan” 20 %

IV. PAGTATAYA

Gawain 4: ISULAT MO
Panuto: Panoorin ang dulang panlansangan na “Tibag”. Bigyang pansin ang mga tauhang
nagsipagganap sa dula at ilarawan kung ang kanilang gawi o kilos ay akmang-akma o
makatotohanan sa tauhang kanilang ginagampanan. Sundin ang potmat.
_________________________
Pamagat ng Dulang napanood

Tauhan Papel na Ginagampanan Paglalarawan sa Kilos at Gawi


ng mga Tauhan

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng iba’t ibang halimbawa ng epiko ng kabisayaan.

You might also like