You are on page 1of 4

MAY GALAK

(Music Katha)

VERSE 1
May galak, may saya
May tuwa sa piling ng Diyos
Sapagka't hirap ng puso ay naglalaho

VERSE 2
May awit, may sayaw
At papuri para sa Diyos
Na hatid ng pusong pinagpala Niyang lubos

CHORUS
Handog Niya ay kapayapaan
Handog Niya ay kagalakan
Handog Niya ay kalakasan
Sa bawat pusong napapagal
Kaya't ang awit ng papuri
Awit ng pasasalamat
At ang awit ng pagsamba
Ay para lang sa Kaniya
MAGBABABAD SAYO
(TLG Music)

VERSE 1
Kagalakan ko O Diyos ay Ikaw
Sa presensya Mo'y
Kalakasan ko'y umaapaw

VERSE 2
Kahit na may problema
Ay kayang kaya ko
Sa gitna ng pagsubok
Ako ay sasamba magpupuri Sa'yo

CHORUS
Ako ay sasayaw Sa'yo
Sasambahin ang ngalan Mo
Kahit pinipigilan
'Di papayag na tatahimik lang

Laging magbababad Sa'yo


Sa piling Mo Panginoon
Kahit pinapawisan ay okay lang
Makapiling Ka lang.
DIYOS NG SALINLAHI
(Light Church)

VERSE 1
Aming Diyos kay buti Mo
Mula pa noon hanggang ngayon
At sa habang panahon

VERSE 2
Sa bawat salinlahi
Katapatan Mo ay naroon
Aming Diyos wala na ngang
Ibang Panginoon

CHORUS
Ang pag-ibig mo ay tunay
At walang kapantay
Kapangyarihan Mo'y walang katulad
Pupurihin ka ng lahat
Ng may buhay
DIYOS KA SA AMIN
(Light Church)
VERSE 1
O Diyos, Ikaw ang tunay na dakila sa mundo 
Ikaw ang Haring nagmahal ng tulad ko
Ginawa mo'ng lahat
Pag-ibig Mo ay tapat at wagas
VERSE 2
O Diyos, walang papantay sa kabutihan Mo
Ang ngalan mo'y itataas sa buhay ko
Sundin ang loob Mo
Iparinig ang nais Mo
CHORUS 1
Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin
Sa lahat ng oras, nariyan para samin
Panginoong Hesus, purihin ka!
Dakilain Ka sa buhay ko
CHORUS 2
Di nagbabago, Diyos ka sa amin 
Tanging sandigan, nariyan para samin 
Panginoong Hesus, maghari Ka
Magliwanag ka sa buhay ko

You might also like