You are on page 1of 5

Department of Education

Region VII Central Visayas


Bayawan City Division
West District
SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL
San Miguel, Bayawan City, Negros Oriental

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA MAPEH 5

Pangalan: ___________________________________Baitang/Seksyon______________________ 

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap o tanong. Isulat ang hinihiling sa bawat bilang.

MUSIC

1-8 Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa guhit at puwang ng F- cleff.

9. Ano ang tawag sa simbolo na ito?


A. F cleff B. Staff C. Barline D. sharp

10. Alin sa mga sumusunod ang simbolong sharp?

A. B. C. D.

ARTS

11. Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang


talon. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay kahali-
halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng
lagaslas ng tubig-batis. Ano ang talon na ito?

A. Maria Cristina Falls B. Nagcarlan Falls

C. Laguna De Bay D. Pagsanjan Falls

12. Ang  _________  ay isang burol.napakagandang pagmasdan, ito ay matatagpuan sa


Bohol.
A. Chocolate Hills B. Mayon Volcano C. Mt. Ulap D. Bundok Kanlaon
13. Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin
na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue,
Ifugao. Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at
pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.
A. Bundok Makiling B. Banaue Rice Terraces C. Mayon D. Mt. Apo

Teacher’s Signature: ______________________ Parent’s Signature: ___________________


CHARISSE CLAIRE E. ABERIA
14. Si ___________ ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga
pang-araw-araw na gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga
kulay. Karamihan sa kaniyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang
bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa bukid.
A. Jose Rizal B. Carlos “Botong” Francisco
C. Vicente Mansala D. Fernando C. Amorsolo
15. Tinaguriang “The Poet of Angono”
A. Fernando C. Amorsolo B. Vicente Mansala
C. Carlos “Botong” Francisco D. Victorino Edades
16. Tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-
sabay na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa
iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng
transparent at translucent technique na makikita sa kanyang mga obra.
A. Victorino Edades B. Fernando C. Amorsolo
C. Vicente Mansala D. Carlos “Botong” Francisco
17. Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kayang istilo sa
pagpinta ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na
kulay sa kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang
mabigyang pansin ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.
A. Carlos “Botong” Francisco B. Fernando Amorsolo
C. Vicente Mansala D. Victorino Edades
18. Ang _______________ ay ang magkasalungat na kulay na matatagpuan sa color wheel.
Ito ay nabuo dahil sa nagkakaroon ng maganda kombinasyon kapag ang magkasalungat na
kulay ay pinagsama.
A. Complementary colors B. Color wheel
C. Secondary colors C. Primary colors
19. Anong kulay ang nililikha ng complementary colors?
A. matingkad B. madilim C. makulimlim D. wala

20. Dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.


A. Aguinaldo Shrine B. Rizal Shrine
C. Camp Karingal D. Fort Bonifacio

PHYSICAL EDUCATION

21. Ang ____________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas


magaang na bagay o power ng paulit-ulit, o mas matagal na panahon
A. lakas ng kalamnan B. tatag ng kalamnan
C. coordination D. katatagan ng kamay at paa
22. Ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay tulad ng malaking
timba ng tubig ay halimbawa ng ____________.
A. lakas ng kalamnan C. Power
B. tatag ng kalamnan D. Coordination
23. Ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang mailipat ito sa
ibang lalagyan ay halimbawa naman ng ___________
A. lakas ng kalamnan C. Power
B. tatag ng kalamnan D. Coordination
24-27 Isulat kung ang pangungusap ay tumutukoy ng
lakas ng kalamnan o tatag ng kalamnan.
24. Pagbuhat ng mabigat na bagay._________________________
25. Pagtulak ng mabigat na bagay. _________________________
26. Paulit-ulit na paglipat ng magaang bagay. _______________________
27. Paghila ng mabigat na bagay _______________________________

28. Isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing


kakayahan na magpalit-palit o mag iba-iba ng diresyon.
A. Agility B. Power C. Speed D. Coordination
29. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay _________.
A. nagpapalakas ng katawan
B. nakatutulong sa magandang pakikipag-kapwa
C. nagpapatatag ng katawan
D. lahat ng nabanggit
30. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain katulad
ng laro?
A. nakikipaglaro nang patas sa kalaban
B. walang pakialam sa kalaban
C. hinahayaang masaktan ang kalaro
D. wala sa mga nabanggit

HEALTH
Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap.

____________31. Ang Puberty ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na


pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay magiging ganap na may
kakayahang magparami nang sekswal.
____________32. Karaniwan, ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang
na 10-11 taong gulang.
____________33. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa unang hati
ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng
hustong katawan.
___________ 34. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay hindi mahilig sa pakikipagkaibigan
ngunit ang pagiging mapag-isa kung ninanais ay dapat pahalagahan dahil ito ang
panahon upang makapag-isip ng mga dapat at di dapat para sa sarili.
___________ 35. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay hindi naapektuhan ang
damdamin ng isang nagdadalaga at nagbibinata.
___________ 36. Hindi mapili ng kagamitan.
___________ 37. Ang Gender ay tumutukoy sa byolohikal na pagkakaiba ng lalaki at
babae tulad ng pagkakaiba ng chromosomes, hormonal profiles, panloob at panlabas na
ari.
___________38. Sa loob ng pamamahay unang-unang natutunan ng isang bata ang
lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniyang sarili at kanyang mga tungkulin sa
pamilya.
___________39. Ang Gender Identity ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip
ng isang lalaki , babae o transgender batay sa kanyang sariling paniniwala at kasiyahan.
___________40. Ang paaralan ang nagsisilbing unang tahanan ng mga bata.

“Commit to the Lord whatever you do, and he will establish your plans.” -
Proverbs 16:3
God Bless You!!

Table of Specification
MAPEH V (IKALAWANG MARKAHAN)

Layunin Bilang Kinalalagyan


ng ng item
item
1. Natutukoy ang mga pitch name ng mga staff at spaces ng F- 8 1-8
Clef staff
2. Natutukoy ang mga Simbolong Sharp ( # ) , Flat ( b), at 2 9-10
Natural

3. Nakikilala at nailalarawan ang arkitektura o natural na 3 11-13


likas na ganda ng mga tanawin.

4. Nalalaman ang iba’t ibang istilo ng mga tanyag na 4 14-17


pintor sa pagpinta ng mga larawan.

5. Makaguhit ng larawan gamit ang complementary 2 18-19


colors.

6. Makaguhit at makapinta ng makasaysayang lugar sa 1 20


bansa na may tamang proporsyon at espasyo.

7.Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan 3 21-23


at tatag ng kalamnan.
8. Nabibigyang halaga ang lakas at tatag ng kalamnan sa 4 24-27
pakikilahok sa mga gawain sa klase.

9. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng agility (liksi) bilang 3 28-30


sangkap ng Physical Fitness.

10. Nauunawaan ang mga pagbabagong pisikal at 3 31-33


emosyonal sa panahon ng Puberty.
11. Nauunawaan ang mga pagbabagong emosyonal 3 34-36
at sosyal sa panahon ng Puberty.
12. Natutukoy ang pinagkaiba ng SEX sa GENDER 4 37-40

40

Prepared by:

CHARISSE CLAIRE E. ABERIA

Teacher I

You might also like