You are on page 1of 9

9 Learning Activity Sheet sa

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Modyul 2
PAMBANSANG KITA

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Apayao
Capagaypayan, Luna, Apayao

Published by:
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2021
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However,
prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and the source
must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for
commercial purposes and profit.

Consultants: BENEDICTA B. GAMATERO PhD


Schools Division Superintendent

GINADINE L. BALAGSO
OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Chief Education Supervisor, CID: JOY D. SALENG

Division LRMS Supervisor: JULIET A. RAGOJOS

Education Program Supervisor: ELMA B. BALACANG

LAS Evaluators: ELMA B. BALACANG


JULIET A. RAGOJOS

Public School District Supervisor: GIRLIE B. BAGUEC PhD


School Head: NEDIE B. COLOMA

FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLYMA. CLARETTE JOY M. PASION


Writer:
Subject
School:for Copyright Evaluation
Conner Central National High School, Conner District

For inquiries or feedback, please write or email:


Department of Education - Schools Division of Apayao, Capagaypayan, Luna, Apayao
Email Address: apayao@deped.gov
Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan: _________________________________ Petsa:_______________________


Baitang at Seksiyon:_______________________ Iskor:_______________________

GAWAING PAGKATUTO
ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN MODYUL 2
(Pambansang Kita)

Kasanayang Pampagkatuto:

 Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsulat ng pambansang


kita.

Panimula (Susing Konsepto)

Ang araling ito ay tungkol sa pambansang kita at kung bakit


mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa.

Pagtatalakay:

Kahalagahan Ng Pagsukat Sa Pambansang Kita

Pambansang Kita
Ito ay ang kabuuang kitang pinanasyal ng lahat ng sektor na nasasakupan ng isang
bansa o estado. Dito natutukoy kung ang ekonomiya ng isang bansa ay maunlad o
hindi. Ang Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP) ay
parehong sumusukat sa pambansang kita.

Gross National Income


Ito ay dating tinatawag na Gross National Product (GNP) at tumutukoy sa kabuuang
pamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan ng isang
bansa sa loob ng isang taon. Kasali sa pagkompyut sa Gross National income ang kita
ng mga Pilipino sa labas ng bansa basta sila ay mamamayan n gating bansa.
Halimbawa ay ang kita ng mga Pilipinong nagtatrabaho o namumuhunan sa ibang
bansa ay kasama sa pagsukat sa pagsukat ng Gross National Income ng Pilipinas.

Gross Domestic Product


Kabuuang pampamahalaang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang bansa sa isang taon. Kasama ang halaga ng mga produkto at
serbisyong gawa ng mga dayuhan sa loob ng isang bansa. Halimbawa nito ay ang
halaga ng kita ng mga Tsino, Amerikano, Koreano at iba pang mga dayuhan na
nagnenegosyo sa ating bansa. Ang kanilang kita ay kasama sa Gross Domestic
Product ng Pilipinas.

Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita ng Isang Bansa

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya


tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya ng partikular na taon at
maipaliwanag kung bakit ganito kalakio kababa ang produksiyon ng bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng isang taon, masusubaybayan
natin ang direksyon na tinatahas ng ating ekonomiya at malalaman kung
paunlad o pababa sa kabuuang produksyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng
mga pagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at pagtaas ng Economic
Performance ng isang bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita haka-
haka lamang ang magiging basehan ng walang matibay na batayan, kung
gayon ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Accounting, maaring masukat ang kalusugan ng
ekonomiya.

Sa pagsukat ng GNI ng bansa, hindi sinasama ang halaga ng mga sumusunod:

1. Hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon.


Halimbawa:
Ang sinulid na ginagamit sa paggawa ng damit. Hindi isinasama ang halaga ng
sinulid bilang sangkap sa paggawa ng damit, kundi sa halaga ng damit upang
maiwasan ang duplikasyon sa pagbilang.
2. Hindi pampamlihang gawain.
Halimbawa:
Si Mang Juan ay nag-aalaga ng manok at pato pero hindi niya ito ipinagbibili
kundi para lamang sa kanilang pagkonsumo. Hindi naging salapi ito kaya hindi
isinasama sa pagkwenta ng GNI.
3. Kita mula sa impormal na sektor o underground economy. Ito ay ang mga
gawain pinagkakaitaaan na walang kaukulang permit, hindi nakarehistro o
illegal.
Halimbawa:
Mga nagtitinda ng street foods, nagtitinda ng mga gulay at prutas na
nagbabahay-bahay, drug trafficking, gun running at iba pang mga illegal na
pinagkakaitaan. Hindi isinasali sa pagkwenta ng GNI ang kanilang kita dahil
walang resibo bilang batayan ng aktwal na kita.
4. Mga kalakal na segunda mano. Hindi isinasali ang halaga ng mga ito dahil
naikwenta na noong brand new pa ang mga ito.
Mga Paraan ng Pagsukat ng Gross National Income

1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach)


Pagsamasamahin ang gastos ng apat na sektor. Sambahayan, ,bahay-
kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor sa loob ng isang taon.
Formula:
GNI= C+I+G+ (X-M) + SD+ NFIFA
C- gastusin ng sambahayan para sa lahat ng pangangailangan tulad ng
pagkain, damit, gamot, edukasyon, libangan at iba pa.
I-gastusin ng bahay-kalakal para sa hilaw na sangkap, sahod, kapital at iba
pa.
G- gastusin ng pamahalaan sa mga proyektong panlipunan tulad ng
imprastraktura, pangkalusugan, pang-edukasyon at iba pa.
X-M- gastusin sa panlabas na sektor
- Nakukuha kung ibabawas ang iniluluwas (export) at sa inaangkat
(import)
SD- anumang kakulangan o kalabisan sa pagkwenta na hindi nalalaman
kung saan ibibilang
NFIFA- makukuha kung ibabawas ang gastos ng mga mamayan na nasa
ibang bansa sa gastos ng mga dayuhan sa loob ng bansa.
2. Paraan batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value
Added Approach)
-makokompyut ang GDP ng bansa kapag pagsamasamahin ang kabuuang
halaga ng produksyon ng mga pangunahing industriya ng bansa tulad ng
agrikultura, industriya at serbisyo.
-masusukat ang GNI kapag isasama sa komputasyon ang NFIFA
Formula:
GDP= Agriculture Sector + Industry Sector+ Service Sector
GNI= GDP + Net Primary Income (NFIFA)
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
-nasusukat ang GNI kapag pinag pinagsamasama ang sahod ng mga
manggagawa, net operating surplus, depresesyon at di tuwirang buwis.

Sahod ng Manggagawa- natatangap na bayad mula bahay kalakal at


pamahalaan.
Net Operating Surplus- tubo ng mga korporasyon pribado at pag-aari ng
pamahalaan.
Depresasyon- Pagbaba ng halaga ng yamang kapital bunga ng pagkaluma
dahil sa paggamit at paglipas ng panahon.
Di Tuwirang Buwis- sales tax, custom duties, lisesnsya at iba pa.
Subsidiya- salaping binabayaran ng pamahalaan na walang kapalit na
produkto o serbisyo.
Mga Gawain

Panuto. Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot ng mga Gawain na


magtatakda kung ano ang iyong alam sa mga aralin. Basahing mabuti at unawain ang
bawat pahayag. Bigyan pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan upang
mabigyang linaw at malaman ang mga tamang kasagutan sa mga aralin na itatakda
sa learning activity sheet na ito.

Gawain 1: Larawan-Suri
Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng iyong makakaya.
Matapos ang iyong pagsusuri punan ang pahayag sa ibaba.

EKONOMIYA
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay ______________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain 2: Venn Diagram
Panuto: Itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng GNI at GDP sa venn diagram.

Pagkakaiba
Pagkakatulad Pagkakaiba

Gawain 3: Punan Mo!


Panuto: Punan ang talahanayan sa mga hinihinging impormasyon.
Pagsukat ng GNI

Paraan sa pagsukat ng GNI Paano sinusukat ang GNI batay sa paraan

1.

2.

3.

Gawain 4: Itala!
Panuto: Maglista ng limang gawain na hindi isinasama sa pagkwenta ng Gross
National Product.

1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________________
Gawain 5: Sagutin Mo!
Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat ito sa patlang bago ang
bilang.
_______1. Kailan makikita na positibo ang ekonomik performance ng bansa?
A. Malaking bilang ng lakas paggawa ang walang trabaho.
B. Gumagamit ng bagong teknolohiya ang bahay-kalakal.
C. May pag-angat ang Gross Domestic Product ng bansa.
D. Lumalaki ang utang panlabas ng bansa.

________2. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa


Gross National Income?
A. Expenditure Approach C. Economic Freedom Approach
B. Industrial Origin Approach D. Income Approach

________3.Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.


A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa
GNI nito.
B. Ang kita mula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI.
C. Ang produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GNI.
D. Ang halaga ng tapos na produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa
GNI.

_________4. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa sa pagsusuri sa


economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang
mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa
ekonomiyang pandaigdig.
D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.
__________5. Si Mr. Teng ay isang Chinese national na nagtatrabaho sa kompanya na
nasa Pilipinas, saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
A. Sa GDP ng China dahil mamamayan siya nito.
B. Sa GNI ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kinita.
C. Sa GDP ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kinita.
D. Sa GDP ng Pilipinas at China daahil parehong dito nagmula ang
kanyang kita.
Pangwakas/Repleksiyon:

1. Ang aking natutunan sa mga gawain ay


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ang gustong-gusto kong gawain ay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ang nais kong pag-aralan at gawin ay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mga Sangunian:
Modyul:
Balitao, Buising, et al. :Ekonomiks: Modyul para sa Mag-aaral
Website:
http://www.slideshare.net

Inihanda ni: Siniyasat at Inapbrubahan ni:

MA. CLARETTE JOY M. PASION LILIA C. BUMATNONG


Student Teacher Teacher III/Cooperating Teacher

You might also like