You are on page 1of 3

Cast:

3 Nanay at dalawang anak (Josefa, Carmen, Isabel)

3 guardia civil

2 Prisoners

1 nagtatrabaho sa barko

1 narrator

Setting: PIER

Alipin sa sariling bansa, naghahangad ng Kalayaan at Karapatan sa bayang sinilangan. Kami ang ikaapat
na grupo. Tunghayan ang aming pagsasadula ukol sa diskriminasyon at ang kawalan ng katarungan ng
mga guardia cibil sa panahon ng mga kastila.

Nanay: Bilisan ang kilos at aalis na ang barko!

Anak 1: Ngunit ina, iyan ay napakalaking bapor naman yata. Tayo ba ay makakasakay riyan?

Nanay: Itong pag-alis natin dito sa bayang ito ay naka-plano na buhay pa ang iyong itay. Ngayong, wala
na ang iyong ama na magtatrabaho sa lupain ng isang kastila, hindi na rin natin pagmamay-ari ang lupa
na kinatititikan ng ating bahay

Anak 2: Ngunit inay, saan ba tayo paparoon?

Anak 1: Tayo ay pupunta kina lola Carmen

NSB: OH BILISAN ANG KILOS! KAYONG MGA INDIO, DOON SA KABILA ANG PILA NINYO! HINDI KAYO
NARARAPAT SA IBABAW NG KUBYERTA! MGA HAMPAS LUPA

Oh kayo? Dito ang pila Ninyo mga indio!

Nanay: Ngunit mayroon kaming bilyete na para sa ibabaw na kubyerta. Hindi mo man naitatanong pero
limang taon naming pinag-ipunan itong mag-asawa para sa mahaba at maayos na byaheng ito.

*tinignan ang tiket*

NSB: hmm

Anak 2: Pwede na ba kaming sumakay?

NSB: Teka lang, anong apilyedo Ninyo?

Josefa: Agbayani. Ako si Josefa Agbayani at ito ang aking mga anak si Carmen at Isabel.
NSB: Hm, apilyedong tunog Indio. Paano ka nakakasigurong ito ngay totoong bilyete para sa ibabaw na
kubyerta?

Josefa: Kakabili lang naming niyan.

NSB: Paano ka nakakasigurong itoy sa inyo nga at hindi galing sa nakaw?

Carmen: Aba! Ang tanungin kami tungkol sa aming pamilya ay mapapayagan ko pa, ngunit hindi ko
mapapayagan na kami ay pinagbibintangan niyong magnanakaw!

NSB: AT SAAN GALING ANG TAPANG MONG SAGUT-SAGUTIN MO AKO NG GANIYAN? ISA KA LANG INDIO!

*sinampal*

NSB: MAGNANAKAW! GUARDIA CIVIL! MAY MGA INDIO RITONG NAGNAKAW NG BILYETE NG ISANG
KASTILA

Josefa at mga anak: HINDI! HINDI KAMI MAGNANAKAW! LALONG HINDI MAGNANAKAW ANG NANAY
KO!

Guardia Civil: May narinig akong magnanakaw. Kayo ba iyon?

Hep! Huwag mo nang sagutin! Alam kong kayo iyon! Mga maruruming indio! *sinampal*

Josefa: PINAGHIRAPAN NAMING MABILI ANG MGA BILYETENG IYAN! IBALIK NIYO YAN NANG KAMIY
MAKA-ALIS NA SA BAYANG ITO!

Guardia Civil: PINAGHIRAPANG MABILI O PINAGHIRAPANG MAKUHA? MAGKAIBA YON! TONTA! INDIO
NGA HAHAHAHAHAHHA

*tawanan ang guardia civil at NSB*

Guardia civil: sige hulihin na ang mga magnanakaw na yan!

*dinakip* *next setting*

SETTING: KULUNGAN

Isabel: Nanay, makakalabas pa ba tayo dito? (habang umiiyak)

Prisoner 1: May kilala ba kayong politiko?

Isabel: Wala po

Prisoner 2: Aba’y kung ganon, wag ka nang mangarap na makakalabas ka pa dito.

Prisoner 1: Ang mga katulad nating Pilipino ay walang karapatang ipaglaban ang ating Karapatan. Tayo ay
nakakulong di lamang sa mga rehas na ito kundi rin ay sa ating lupang sinilangan.

You might also like