You are on page 1of 20

TRESE

Isinulat nina: Victoria Fabol, Erica Leonardo, Janna Tabanquerao


TAUHAN
Lorenzo – Ang mahirap na ama nina Hulya, Tina, at Isabel. Siya ay isang Mag-sasakang hirap
nang kumayod dahil sa katandaan.
Almarie – Ang Inang walang nagawa, Asawa ni Lorenzo.
Hulya – Ang panganay at matalinong anak nina Lorenzo at Almarie, Siya ay hindi katangkadan,
isang petite na babae, nakasalamin, mataas ang tingin sa kanyang sarili sapagkat siya ay inampon
ng isang politika.
Tina – Ang ikalawang anak na binili ng isang mangangalakal na Muslim, Siya ay isang masipag
na anak, lumaking may takot sa Diyos at kilala sa kanilang paraan dahil sa pagiging Boses ng
kababaihan.
Isabel – Si Isabel ang siyang bunsong anak nina Lorenzo at Almarie, Isang mapagmahal na anak
sa kanyang ina-inahang sakitin. Handa niyang pasukin ang mundong madilim maipagamot lang
ang kinalakihan niyang Ina.
Esme– Ang Politika na umampon kay Hulya, Siya ay isang plastikadang politika, korap sa
nasasakupan at maraming ipinapatay para lamang manatili sa kanya ang kanyang posisyon.
Abdullah – Ang lalaking Muslim na mangangalakal na bumili kay Tina, Binili niya si Tina dahil
sa aking ganda nito. Ang nasa isip niya ay malaking halaga ang balik ng pera sa kanya kapag
tumontong na sa tamang edad si Tina upang ipakasal.
Normina – Ang mabait na asawa ni Abdullah.
Aling Syeda – Ang mag-sasakang kaibigan nina Lorenzo at Almarie. Ang sakiting ina-inahan ni
Isabel, Siya ay kinopkop nito sa awa. Naging tunay na ina ang turing ni Isabel rito kaya naman
lahat ay kanyang gagawin maipagamot lamang ang kanyang ina.

Unang Eksena Part 1 (Present) with sounds of camera (flash)


Newsreporter: Magandang Gabi! Kakapasok lamang ng balita. Hinuli ang Mayora na si Esme
ng mga polisya sa kanyang mansion dahil sa salang Mass murder, sex trafficking, at Pork Barrel.
Sampong buto ng tao na rin ang narecover ng mga pulis sa likod bahay ng mansion.
( Other Side/Interview habang ipinapasok si Esme sa sasakyan)
Reporter 1: Totoo ba ang paratang sa iyon, Mayor?
Reporter 2: Bakit mo sila nagawang patayin?

1
Reporter 3: Tunay bang rason kaya ka pumatay ay para manatili ka sa iyong posisyon?
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

Unang Eksena Part 2 (Past)


Tagpuan: Plaza
Esme: Dahil sa pagkakaluklok kong Muli Asahan ninyo na papagandahin nating muli ang ating
bayan!
Pablo: Madam bababaan niyo ba ang upa ng mga lupain ng Inay ko? Tataasan nyo na ba ang
pagbili sa mga tanim namin?
Esme: Bababaan? Ha! Hindi maaaring babaan ang upa dahil diyan tayo kumukuha ng pondo
para sa bayan na to!
Lorenzo: Paano naman ang mga bunga ng tanim naming Mayor? Taasan ninyo naman. Hindi
sapat ang isang daang piso para sa isang sakong palay at ng mais. Kulang na kulang iyon para sa
akin pamilya.
Esme: HAHA Hindi ko na kasalanan iyon! Iyon ang sinusunod naming sa pamahalaan! O siya,
ito dahil sa muling pagkapanalo ko ito ang ipapabahagi ko sa inyo! Guard! Ipamahagi na iyang
nasa kahon!
( Namigay ng 2 delata ng sardinas )
Marta: Ano ito mayor? 2 delata? Hindi ito kakasya Mabuti pa’t sana ay pang abuno na lang ng
palay ang inyong ibigay. Masyado naman ninyo atang binubulsa ang pondo.
Esme: Binubulsa? Ha! Ganon pala e Guard kunin ang delata sa babaeng iyan. Walang utang na
loob! Kunin n’yo na yang mga kahon at umalis na tayo. Ang upa ninyo ay tataas ng dalawang
porsyento! Ang pag remit ng upa ay sa ikalawa na agad! Bwesit na mga taong ito!
(Sabay-sabay itong kakanta lahat ng nasa eksena kasama mga back-up, lalagyan din ng sayaw.)
Music
Upuan Lyrics Gloc-9
Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo, Ang tunay na kalagayan ko
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan

2
Mga Patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
(sasarado ang partition, ready sa next scene)
Unang Eksena Part 3
( Tunog ng pagrewind ng eksena, at minus one ng kanta na "Iingatan ka" by Carol
Banawa)
Tagpuan: Bahay nila Lorenzo at Almarie
Lorenzo : Hindi ko kailan man maiisip na magagawa ko ang desisyon na ito. Ako at ang inyong
ina ay lubos na natutuwa sapagkat kayo ay nag bunga ayon sa aming pagmamahalan ngunit ang
pagmamahalan na iyon ay hindi sapat, ang pagmamahal na iyon ay hindi kayo mabibigyan ng
maayos na buhay, mapapag-aral.
Almarie: Hindi ko kakayaning makita kayo rito sa Bukid na nagtatrabaho imbis na nag-aaral.
Kulang na kulang ang Dalawang daang Piso pantustos sa inyong tatlo anak ko. Mas nanaisin ko
kayong makita sa tahanan ng iba. Nakakakain ng tatlong Araw, nakakahiga sa malambot na
kama.

3
Aling Syeda: Bakit ninyo naisip na ibenta ang panganay ninyo sa kinakasuklaman nating mag-
sasaka? Hindi ba’t alam kong alam ninyo ang patakaran ni Senador Esme. Masyadong mababa
ang bili niya sa ating sinasaka. Lahat tayo ay tila ba’y may utang sa kanya dahil sa lupa.
Almarie: Ayaw man natin ngunit simula pa lang noong nasa tyan ko si Hulya, palaging
bumibisita ang senador dito para bilhin si Hulya sa halagang Tatlong libo.
Aling Syeda: Napaka laking halaga na nga ito para sa ating mag-sasaka. E iyang dalawang anak
n’yo na babae? Sino ang bibili o aampon sa kanila?
Lorenzo: Si Abdullah, nais niyang bilhin si Tina. Si Abdullah ay isang mangangalakal na
binibili ang mga pananim kung tabacco. Nais niyang bilhin sa halagang isang libo. Noong nasa
bukirin kami, Nakita niya ang asawa ko na bitbit si Tina at doon ay tila nabighani siya sa
porselanang kutis, bilugang mata at bagsak na buhok.
(sasarado ang partition, ready sa next scene)
Unang Eksena Part 4
( Ipagbibili na si Tina kay Abdullah at Normina)
Abdullah: Alam ko na masakit ang inyong kalooban ngunit asahan ninyo na ang napaka
gandang anghel na ito ay ituturing kong para sa akin. Ito ay biyaya ni Allah sa amin ng asawa ko.
Oo nga pala si Normina, Ang asawa ko.
Normina: Alhamdulillah Panalamatan tano so allah ka ibinigay niya rkami so mataid a manosya
Almarie: Nawa ay palakihin at ingatan ninyo ang aking anak na si Tina.
Abdullah: Ito ang pera, mauuna na kami Lorenzo.
Lorenzo: Salamat Abdullah.
( Inutusan ni Lorenzo si Almarie na ihatid muna si Isabel kay Aling Syeda at pagkarating ni
Almarie sa kanilang tahanan ay siya namang dating ni Esme )
Esme: Talaga namang gagawin ang lahat makapag palit lamang ng pera, Pati anak ay kayang
ibenta HAHAHA.
Lorenzo: Alam mo ang dahilan naming senador kaya naming ibebenta si Hulya, kasalanan man
ito sa Diyos ngunit ang nais lamang namin ay mapabuti ang kanyang kalagayan.
Esme: Hayaan mo Lorenzo, ang talino lamang ng anak ninyo ang kailangan ko kaya ko siya
bibilhin. O Siya ito ang Tatlong libo, bayad ko yan sa anak ko. Mario, Dalhin mo si Hulya sa
sasakyan. ( dinala ng guard si Hulya sa sasakyan ) ( pumunta sa pinto si Esme ngunit ) kayong
dalawa lamang ang nakakaalam sa mga ginagawa ko. Alam kong mag-iingay kayong dalawa
( naglabas ng baril ) kaya naman kailangan ninyong matahimik habang buhay.
( nagpaputok ng baril )
Esme: Ligpitin ninyo ang dalawang iyan HAHAHA.

4
( Ngunit hindi alam ni Esme na si Aling Syeda ay nakasilip sa butas ng bintana at Nakita ang
lahat ng pangyayari)
Aling Syeda: (tuliro at takot) Isabel, kinakailangn kitang ilayo sa lugar na ito. Wala na ang iyong
ama’t ina kaya para sa proteksyon mo kailangan nating lumayo!
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

Ikalawang Eksena (Present)


( Makalipas ang labing walong taon )
Hulya POV
Hulya: I want all your expensive dress!! Let me have those high heels!! Ikaw! ( itinuro ang isang
body Guard) kunin mo ito, ito ito at ito! HAHA ikaw! ( itinuro ang isang saleslady) bigyan mo
ko ng tatlong magkakaibang kulay nito! Bilis bilis, galaw! Manager! Nasan ang manager ninyo?!
Manager: Yes Madam, I am---
Hulya: Hindi ko kailangan ng pangalan mo! Kailangan ko ang serbisyon mo. Ang kukupad ng
mga empleyado mo! Ito ang black card! Bayaran mo ang lahat ng iyan!
( pumunta ang manager sa counter )
Saleslady: Ma’am I’m sorry to tell you na de-declined po ang card ninyo.
Hulya: Imposible! Subukan mo ulit!
Saleslady: Ayaw po talaga ma’am.
( MUSIKA )
Hulya: ( Pakanta) Inutil! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Hulya Dragon! Ang anak ng
Mayora ng bayan na ito! HAHA Si Esme Dragon ang aking Ina, Simula bata hanggang ngayon
lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, bagong phone, sasakyan, damit accessories! I want! I want! I
want!
Saleslady: eh Ma’am Ayaw po talaga gumana.
Hulya: Arggghhhh!!!! ( Tinawagan ang ina sa phone) Mom! Na declined nanaman ang card!!
Mom! Mom!!
(sasarado ang partition, ready sa next scene)
TINA POV
( Parte ng isang room sa paaralan. )
Tina: Hindi tayo babae lang! babae tayong may mga Karapatan, hindi tayo isang sunod sunuran
lamang sa mga lalakihan walang pakinabanag sa lipunan.! Sasang-ayon ba kayo sa akin?

5
Sila: Sang ayon kami!
Tina: Maging mulat kayo sa katotohanan, maging boses kayo ng kapwa nating kababaihan na
sarado sa katotohanan! Samahan nyo akong labanan ang problemang ito!
Sila:Tama!
( sa bahay )
Abdullah: Ikaw Tina! Ano ang itong mga nadidinig ko, ipaliwanag mo itong mga larawang ito?!
Ano itong naririnig ko na ipinapakalat mo sa inyong eskwelahan? Kinakalaban mo ang Allah sa
ginagawa mo!
Tina: Abe! Tunay lamang ang sinasabi ko, Ako ay isang anak mo, anak mo ako. Paano mo
nagagawang ipagkasundo ako sa aking pinsan na kailan man ay hindi ko kilala! Ginawa ko ang
iyong mga kagustuhan. Nanguna ako sa aming paaralan, saksi ang Allah sa lahat ng sakripisyo
ko maipakita ko lamang ang paggalang at pagmamahal ko sa inyo ni Ume.
Abdullah: ( Sinampal ) Kailan ka pang natutong sumagot sa magulang mo? Ang lakas ng loob
mong sabihin ang mga bagay na iyan na parang kaya mo na ang iyong sarili Tina!
Tina: Kami ay hindi lamang isang babae, hindi ako parang laruan lamang na kailangang ipakasal
sa kung sino lamang. Ume, parang awa mo na. tulungan mo akong kausapin ang Abe na itigil
ang kasal.
Normina: ( kinukumbinsi ) Wata Akn, sundin mo na lamang ang kagustuhan ng iyong Abe.
Para rin naman ito sa iyong kapakanan.
Abdullah: kausapin mo iyang anak, Normina.
( kinagabihan )
Normina: Pagpasensyahan mo na ang Abe. Sige na, matulog ka na at may pasok ka pa bukas.
Tina: ( walang imik ) ( pabulong habang nag babalot ng damit) Hindi! Hindi ko maaaring sundin
ang nais ni Abe, hindi ito ang gusto ng puso ko at alam iyon ni Allah. Ito ay pagsubok lamang sa
akin ni Allah upang ipakita ang katatagan ko para ipaglaban ko ang aming Karapatan.
(maglalakad si Tina, at kakanta kasabay noon ay may lalabas na mga tao para maging back-up,
sasayaw sila sa likod.)
Music
Rosas - Nica Del Rosario
Huwag kang mabahala
Ikaw ay mahalaga
Hindi kita pababayaan
Hindi tayo naiiba

6
At sana'y paniwalaan
Na pipiliin ka araw-araw
At alam ko ang aking kaya
Alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan
Upang makapagsilbi
Hangga’t may kabutihan
Hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig

At hindi ko maipapangako
Ang kulay rosas na mundo para sa'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga’t hindi mo pa magawang
Muling ipagmalaki na ika'y isang Pilipino
(sasarado ang partition, ready sa next scene)
ISABEL POV
Tagpuan : Bar
( Bar Noise )
Isabel: ( Himithit ng sigarilyo ) Taragis na buhay ito!
Friend 1: Ano nanaman yang inaarte mo, Bel?
Isabel: tangina kasi e, lumalala na ang kalagayan ni mama. Hanggang ngayon di pa rin
magaling.
Friend 1: sinubukan mo na bang ipa check-up?
Isabel: Hindi pa nga e, walang arep.
Friend 1: ay teka gusto mo ba ng sideline? Meron akong kakilala na naghahanap ng magiging
proweba.
Isabel: Proweba? Anong klase naman iyon?

7
Friend 1: aba anong malay ko, ito tawagan mo itong numerong ito.
( kinagabihan )
( tahanan ni Isabel )
Aling Syeda: (umuubo) kumain ka na ba anak?
Isabel: nako ma wag mo na akong intindihan. Okay ka na ba? May gamut ka pa ba?
Aling Syeda: wala na anak, huwag mo na akong alalahanin. Sige na papasok na ako sa loob.
Isabel: (tinawagana ang numero) Hello, ako ang kaibigan ni Marie. Sabi niya ay mayroon
kayong inaalok na trabaho. Ano po ba yon? Interesado ako.
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

IKATLONG EKSENA Part 1


Isabel: ( papasok sa pinto )
Pedro: Ito na ang magiging susi natin pablo!
( MUSIKA )
Pablo: ( pakanta ) Sigurado ka bang magaling iyan? HAHA Ako si Pablo, kasing tibay ng aking
loob ang aking paninindigan! Pag-asa ng bayan ang aking layon, katahimikan at pagiging pantay
ang siyang susi nito!
Isabel: Teka, teka! Ano ho ba ang trabaho ko rito?
Pedro: Oo nga pala, ako si Pedro, Pedro Penduko. Itong pinasok mo ay isang secretorganization.
Ang layunin naming ay mapatalsik sa kinauukulan si Esme Dragon.
Isabel: Ang mayora? Hindi ba’t na paka imposible naman iyang nais nyo? Masyadong malakas
sa politika si Esme.
Pablo: ( Hinawakan sa balikat ) Ha! Ang organisasyon na ito ang tatapos sa kanya! Hindi mo ba
alam ang mga ginawa niya? Pinatay niya ang tatay ko! Dahil sa kaniya ay pinatay rin niya ang
tiya’t tiyo ko maging ang mga nakababatang kapatid ko! Ang lupain ng aking ama ag ginawa
nyang Plaza ng baryong ito! Ano gusto mo ng proweba? Ito, ito ang proweba! ( hinagisan ng
mga papel at larawan si Isabel)
Isabel: Teka, tila pamilyar ang lugar na ito. Saan ko ng aba ito Nakita?
Pablo: Pamilyar? Imposible dahil matagal ng wala ang kubo na iyan at lupain na iyan. Mabalik
tayo. Ang trabaho mo Isabel ay lubhang napaka halaga. Kinakailangan mong pumasok na
katulong sa mansion ni Esme at kumalap ng ibedensya upang mapatalsik si Esme. Sayo naka
alalay ang lahat. Ito ( binigyan ng dalawang cellphone ) ang isang ito ay pang kontak mo sa amin
samantalang ang isa naman na ito ay pang sarili mo. Tandaan mo Isabel. Huwag na Huwag kang

8
mag papahuli Kada dalawang linggo magpapadala kami sa naiwan mong pamilya ng bente mil.
Ngayon ay pasok na ang iyong profile sa mansion ni Esme. Ang iyong magiging trabaho roon ay
katulong, kinakailangang mapalapit mo ang loob ng kanyang anak sa iyo at sakanya ka kumalap
ng impormasyon. Mamaya ng gabi ang alis mo maliwanag? Sige na at umalis ka na upang
makapag paalam ka sa maiiwan mong pamilya.
(kakanta, mag-isa si Pablo habang nakatingin lamang sa kaniya si Isabel.)
Music
Noypi by Bamboo
Tingnan mo iyong palad
Kalyado mong kamay sa hirap ng buhay
Ang dami mong problema
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga, astig
Saan ka man naroroon 'wag kang matatakot
Sa baril o patalim
Sa bakas na madilim
Hoy, Pinoy ako
Buo aking loob
May agimat ang dugo ko
Hoy, oh, Pinoy ako
May agimat ang dugo ko
Sinisid ko ang dagat
Nalibot ko ang mundo
Nasa puso ko pala hinahanap kong kulo
Ilang beses na akong muntikang mamatay
O, alam ko ang sikreto kaya't nandito pa't buhay
O, sabi nila may anting-anting ako
Pero 'di nila alam na ang Diyos ang dahilan ko
Hoy, Pinoy ako

9
Buo aking loob
May agimat ang dugo ko
Hoy, oh, Pinoy ako
May agimat ang dugo ko
Hohh... hooh... oh...
Hohh... hooh... oh...
(sa sarado ang partition, at magiging eksena na nang pamaalam niya sa ina.)
( Umalis si Isabel at umuwi sa kanilang bahay upang kumuha ng gamit at magpaalam )
Aling Syeda: ( Nakahiga sa kama )
Isabel: Ma, meron po akong papasukang trabaho, alam kong maiiwan kita ngunit ang sahod ko
ay triple pa dahil sa pagsasayaw ko. Kada dalawang lingo ay makakatanggap kayo ng bente mil.
Gamitin mo iyon pang pagamot. Pasensya na ma kung sa panahon na iyon ay hindi ko kayo
masasamahan. Tatawag po ako sa inyo gabi-gabi.
(sa sarado ang partition, ready for the next scene.)

IKATLONG EKSENA Part 2


Isabel: Napaka husay mo talaga Ma’am Hulya! Nasaiyo na ang lahat, hindi ba Tina?
Tina: Tunay nga Isabel, Napaka buti mo siguro at biniyayaan ka ni Allah ng ganitong buhay.
Hulya : Bakit? Teka wala ba ang mama? Kasi baka mahuli niya akong nakikipag-usap sa inyong
dalawa. Alam n’yo naman ang mama diba? Ayaw niyang nakikipag-usap ako sa inyo kasi raw
baka hindi na ako galangin ng tao. Ewan ko ng aba diyan kay mama anong mal isa pakikipag-
usap lalo na kay Tina. Noong isang araw ay sinermunan niya ako dahil sa pakikipag-usap ko
sayo Tina. Ang sabi pa nga niya ay “ Huwag kang makikipag-usap sa katulong na muslim na
iyon dahil baka mahawa ka sa kanya at magbalot ka rin ng sarili mo, sayang ang invest ko sa
kagandahan mo”
Tina: Allahuakbar Hindi nakakahawa ang pagsuot ko ng Hijab nu! Ganito kasi, sa relihiyon
namin ang pagsuot ng Hijab ay protektahan kaming mga babaeng muslim sa affection ng mga
lalaki at isa pa ito ang way naming upang makilala na kami ay Muslim at mayroon kaming
paninindigan at takot kay Allah, sinusunod lamang naming ang nakasulat sa Qur’an at ito pa ha,
sa panahon ngayon ang pag susuot nito ay pagpapakita ng ng women empowerment bilang
babaeng muslim.
Isabel: kung proteksyon iyang pag susuot mo bakit mayroon pa ring mga nagagahasang muslim
na babae?

10
Tina: Alam mo Isabel Wala sa kasuotan o nakahijab ka man kung rapist talaga yan mangrarape
talaga yan.
Hulya: Oo nga pala sa pag-uusap natin ito ay tila mag kaka-edad na tayong tatlo no?
Tina: Oo, katunayan ay isang taon lang ang tanda mo sa akin Hulya, Ako sa totoo lang ay
napaka rangya ng buhay ko pero iniwan ko iyon dahil gusto ako ipakasal ni Abe sa malayong
pinsan ko na kailan man ay di ko pa nakikita at isa rin sa dahilan ay dahil sa pakikipag baka ko
sa Karapatan naming mga babaeng muslim, katunayan ay isa sa naging inspirasyon ko si Dr.
Noura Al-Rushoud ang Executive Director ng Independent Permanent Commission for Human
Rights ng Organization of Islamic Cooperation. Noong nakaraang taon lang Nobyembre 8, 2023
sa gawain ng International Conference on Islam, na inorganisa ng Organization of Islamic
Cooperation at hino-host ng Kingdom of Saudi Arabia sa lungsod ng Jeddah. Itinuro ni Al-
Rashoud sa kanyang interbensyon sa ikatlong sesyon ng pagtatrabaho, "Muslim Women in the
Gulf, Arab and Islamic Framework," na ang mga kababaihan sa pandaigdigang antas ay
nakakuha ng marami sa kanilang mga karapatan pagkatapos ng malalim na pagsusuri ng
kanilang mga karapatan sa maraming lipunan, dahil sa proseso ng modernisasyon na pinasok ng
karamihan sa mga bansa sa mundo noong mga nakaraang dekada.
Hulya: Alam mo Tina, napakarami kong natututunan sa inyo alam mo---
( Biglang pumasok si Esme sa Kwarto )
Esme: Hulya! Ano ba? I already called you thrice! Bingi ka na ba? Teka anong ginagawa ng
dalawang bubwit na iyan? Ikaw ( Tinuro si Isabel ) Dito ka sa likod ko at haplusin mo ako at
ikaw! ( tinuro si Tina ) ikuha mo ako ng maiinom.
Esme: Bwesit talagang mga mag-sasakang iyan. Kailangan silang paalisin sa lupain na iyon
dahil malaki ang investment na gagastusin ni Mr. Chu para sa ipapatayo niyang apartment.
Hmm, kung ipasunog ko kaya iyong sakahang iyon? Oh di kaya ipapatay na lang ang mga nag-
sasaka roon? HAHA total mga wala naman silang silbe e.
Hulya: Ma hindi ba’t sobra naman iyan?
Esme: Anong sobra? Ha! Para saiyo lahat ng ito Hulya kaya magpasalamat ka.
Hulya: ( nag taas ng boses ) Ma, Hindi ko naman alam gusto ng mga iyan e! marami na tayong
kasalanan na bayan na ito! Marami na..
Esme: ( Tumayo at sinampal si Hulya ) Ikaw! Wala kang utang na loob, tandan mo kung hindi
dahil inampon kita sa dalawang mag-sasakang iyon wala kang mapapala ngayon! Wala ka sa
nang natapos, nakakain ng masarap at nakukuha ang lahat ng gusto. Ampon lang kita! At lahat
ng gusto ko ay kailangan mong sundin! Binili kita sa mga mukhang pera mong magulang kaya
pag-aari kita Hulya! ( niyakap at inaalo si Hulya ) Hulya ang ginagawa ko ito dahil sa susunod
na halalan ay ikaw ang Manalo, kailangan ang kapangyarihan ko ay manatili lamang sa akin
kaya umayos ka. Any way, kakausapin ko muna si Jr para ipasunog ang sakahan na iyon. Ikaw
( Turo kay Isabel ) layuan mo ang anak ko ha! Katulong ka rito at hindi kaibigan ng anak ko.

11
( Umalis na si Esme )
Isabel: Okay ka lang ba Hulya? Grabe ang mama mo saiyo, hindi ko masikmura ang ugali ni
Esme.
Hulya : ( nagsindi ng sigarilyo ) Isabel, alam ko ang totoong pakay mo rito. Narito ka dahil kay
Pablo diba?
Isabel: ( walang imik )
Hulya: alam ko ang plano ninyo Isabel, alam ko rin na dati mong pinagbibili ang katawan mo
para sa nanay mong may sakit. Ako ang kumausap kay Pablo at Pedro para tulungan akong
mapatalsik si Esme. Katulad ng sinabi ni Esme ay hindi niya ako tunay na anak. Binili niya ako
sa dalawang magsasaka at ang magsasakang iyon ay tiyuhin at tiyahin ni pablo. Katunayan ay
hinahanap ko ang dalawang nakababatang kapatid ko. Ang isa ay ipinagbili sa muslim na
mangangalakal at ang isa ay itinakas. Bukas na bukas ay makikipag kita tayo kay Pablo.
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

IKAAPAT NA EKSENA
(Intense sound, habang sila ay tumatakas papunta sa secret organization kung nasan si Pablo)
Hulya : Tama ba itong tinatahak natin, Isabel?
Isabel : Oo, malapit na tayo sa secret organization na sinalihan ko.
Tina : Ako ay natatakot sa tingin ko ay nagkakasala tayo sa Allah.
(tunog ng pagkatok ng pintuan.)
Pedro : Anak ng Penduko! Isabel, bakit mo sila kasama? (pagalit ngunit bulong na tanong ni
Pedro.)
Isabel : Narito sila upang tumulong sa atin, Pedro.
Hulya : Tama si Isabel, kaya't huwag kang magalit sa kaniya.
Pedro : Paano ako nakakasigurado na tutulong ka talaga?
Hulya : (Ibinaba ang mga suot na mamahalin na alahas.) Ito, ibibigay ko ang lahat ng ito sa'yo,
Alam ko na tyak na malilintikan ako kay Esme, pero wala na akong magagawa pera naman niya
'yan, hindi mali. Pera ng taumbayan 'yan.
Pedro : Sige, ano bang nais mong makatamtan sa pagtulong sa amin?
Hulya : Mahanap ang dalawa ko pang kapatid na nawawala. Labing-taon ko na silang hindi
nakikita, Pedro.

12
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

IKALIMANG EKSENA.
Isabel : Dumaan muna tayo sa aking ina may sakit siya kaya naman, ngayon ko pa lamang siya
makikita muli. (tumango si Hulya at Tina.)
(Nakita agad ni Isabel ang ina na si Aling Syeda na nakaupo sa upuan, tahimik ito habang
nakatanaw sa labas ng kanilang tahanan)
Isabel : Ma. (tumingin sa gawi niya ang ina, at halos malaglag na ito sa kaniyang kinauupuan ng
makita ang dalawa pang pamilyar na mukha labing-walong taon na ang nakakalipas.)
Hulya : Magandang gabi po, Aling Syeda.
Tina : Magandang gabi po sa inyo.
Aling Syeda : Ang mga anak nina Lorenzo at Almarie. Diyos ko po. Totoo ka nga!
(halos umiyak na ang ina-inahan ni Isabel.)
Isabel : Ma, ano bang nangyayari? (alo nito sa kaniyang ina.)
Aling Syeda : Anak, sila ang mga kapatid mo. (nagkatinginan ang tatlong babae.)
Hulya : Ho?
Tina : po?
Aling Syeda : Paano ko ba makakalimutan ang inyong mga mukha, bata pa lamang kayo ng
maisipan na ipaampon kayo ng inyong mga ama't ina, mga anak. Ikaw si Hulya ang panganay na
anak nila, ipinaampon ka sa halagang tatlong libo, ikaw naman Tina ay ipinagkatiwala kay
Abdullah. Si Isabel lamang ang aking nailigtas dahil sa takot ko sa ginawa ni Esme sa amin
Tina : Magkakapatid po kami?
Hulya : Paano niyo po nasabi?
Aling Syeda : Dahil kayong dalawa ay nakuha ninyo ang ganda ng inyong tunay na ina.
Samantalang si Isabel, nakuha ang wangis ng inyong ama. Parehong mabuti ang inyong mga
magulang. Sa katunayan nga ay mga kaibigan ko sila.
Hulya : Kung ganoon ho, nasaan na po sila?
Aling Syeda : Pasensya na mga anak, ngunit pinatay sila ng iyong ina-inahan, Hulya. Hayop si
Mayor Esme, isa siyang demonyo. Kaya naman, nais kong baguhin niyo ang sistema, tulungan
niyo ang isa't isa. Maraming baho na itinatago si Esme at ang iyong ama-amahan na si Abdullah,
Tina.

13
Tina : Si Abe po?
Aling Syeda : Siguro ngayon ay ipinagkakasundo ka niya maikasal?
Tina : Paano niyo po nalaman?!
Aling Syeda : Dahil si Mayor Esme at ang iyong amahin ay magkasabwat sa pagbebenta ng mga
kababaihan. Maraming beses na nangyari ito. Akala niyo ay ipapakasal kayo ngunit hindi, dahil
kayo ay ipinagbili na.
Isabel : Mga hayop sila! Hindi lang mga mahal natin sa buhay ang kanilang kinuha. Pati ang
kainosentihan din ng bayan na ito. Gusto ko silang magdusa, gusto ko silang magbayad!
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

IKA-ANIM NA EKSENA.
Sa loob ng Head Quarters ng Secret Organization.
Hulya : Itutuloy ko ang pagtakbo bilang Mayor ng Bayan, at kasabay ng aking pagkapanalo ay
ang pagbagsak ni Mayor Esme.
Tina : Itutuloy ko ang adhikain ko na ang babae ay hindi lamang babae, hahanapin ko ang lahat
ng kababaihan na ibinenta ng aking amahin.
Isabel : Ipagpapatuloy ko ang pagiimbestiga kay Mayor Esme. Pedro, tulungan mo kami.
Pedro : Oo naman mga kaibigan ko kayo. Kasangga niyo ako.
(Hulya POV)
Esme : Hulya, bakit ka naabutan ng guard natin sa labas?!
Hulya : Nagpahangin lamang po, Mommy.
Esme : Pahangin? Nakalimutan mo atang naka-air-conditioned ka.
Hulya : Papayag na po ako sa gusto niyo na tumakbo ako bilang Mayor. (nanlaki ang mga ni
Esme, at niyakap ang anak.)
Esme : Mukhang nakatulong ang pagpapahangin mo para mapag-isipan 'yan kung ganoon din.
Anak ko Hulya, ako na ang bahala sa'yo.
Music
Bulong by Kitchie Nadal
Ikaw ba'y nalulungkot, nababalot pa ng poot

14
Maraming hinanakit sa mundo?
'Di alam ano'ng gagawin kundi ubusin ang oras sa gin
Akala mo'y iya'y may mararating
Hoy! Kaibigan ko
Pakinggan mo'ng mga bulong sa 'yo
Ito'y 'di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso
Nasa'n ang talino mo? Diskarte 'ka mo ng Kano
Apakan ang lahat kahit kapwa mo
Minsan ang kagitingan ay wala sa bigat ng pinapasan
Sa pagsuko't pagharap ng kabiguan
Hoy! Kaibigan ko
Pakinggan mo'ng mga bulong sa 'yo
Ito'y 'di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso
(sasarado ang partition, ready sa next scene)
(Tina POV)
Abdullah : Saan ka galing, Tina?
Tina : Sa aking kaibigan na si Hulya po, Abe.
Abdullah : Ah ang anak ni Esme. Mabuti' yan napakatalino ng bata na iyon. Marami kang
matutunan sa kaniya.
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

IKAPITONG EKSENA *intense sounds


Isabel : Narito ang aking mga nakalap na mga ebidensya sa bahay ni Mayora, Pedro. Hindi ko
kasama ang dalawa kong kapatid, dahil nga sa napagpasyahan na ni Ate Hulya na tumakbo para
sa halalan, pinagbawalan kami ni Mayora na makausap siya. Si Tina naman ay punong abala sa
paghahanap ng mga nabiktima ni Mayor Esme at ng kaniyang amahin.

15
Pedro : Ayos lamang. Nasaan ang iyong mga nakalap na ebidensya?
Isabel : Narito bilisan mo ang pagtingin dahil ang paalam ko ay bibili lamang ako ng ulam ni
Mayora.
Pedro : (kinuha ang papel) sampung mga bangkay ang nakalibing sa likod ng kaniyang
mansion?
Isabel : Oo, napag-alaman ko rin na ang iba riyan ay kamag-anak at magulang niya. Diyan din
nakalibing ang kaniyang asawa, at mga anak. Ngunit ang narinig ko ay may nakaligtas daw.
(Bilang natigilan si Pablo.)
Pablo : Ayos na ito. Salamat sa mga ebidensya mo, mag-antay na lamang tayo sa araw ng
halalan. (Napansin ni Isabel ang pagbabago ng ekspresyon ng kaibigan na si Pablo.)
(sasarado ang partition, ready sa next scene)

IKA-WALONG EKSENA *sounds of victory mixed with intense


Araw ng halalan. Masaya na dumating sa City Hall ang pamilyang Dragon na sina Esme, at
Hulya. Kahit siya ay nagngingitngit sa galit ay pinili niya muna ang manahimik dahil alam niya
kung gaano kademonyo ang taong umampon sa kaniya. Naroon din ang pamilya ni Tina kasama
nila. At sila Isabel na nasa baba kasama ang inang may sakit na si Aling Syeda.
Taong-Bayan : "Mayor Hulya Dragon! Mayor Hulya Dragon! Mayor Esme Dragon! Mabuhay
kayo!" (idineklara ng bagong Mayor si Hulya, ngunit ang kaniyang ina-inahan ang kumuha ng
mikropono.
Mayor Esme : Maraming Salanat dahil sa pagkakataong muli, kami ay inyong binoto.
Maraming salamat sa ti-" (hindi na natapos pa ni Mayora Esme ang kaniyang speech ng
dumating ang mga pulis. Nagkagulo ang mga tao.)
Pulis : Mayor Esme Dragon, kayo ay aming inaaresto sa kasong pagpatay, pagbebenta ng mga
kabataan at kababaihan, at corruption!"
Mayor Esme : Wait! Not now, today is the coronation day of my child, Hulya."
Pablo : Enough, Mommy! (naglakihan ang kanilang mga mata ng tawagin na Mommy ni Pablo
si Mayor Esme.) sumama ka na sa kanila, pinatay mo ang mga inosenteng tao sa buhay ng
magkakapatid na ito. Kasama na ang pamilya natin sinira mo ang buhay ng bawat isa!
Esme : Pablo? Anak?
Hulya : Hindi mo siya magiging anak dahil hindi mo siya katulad! Isa kang demonyo
mamamatay tao!

16
Esme : Watch your words, Hulya! (pinosasan na siya ng mga pulis.) Stop, kailangan kong
tawagan ang attorney ko!
Pulis : Abdullah! Ikaw ay aming inaaresto sa kasong sex trafficking, bistado na kayong dalawa
ni Mayor Esme!" (pinosasan siya ng mga ito.)
Abdullah : Hindi 'yan totoo. Ang anak ko ay babae kaya naman hindi ko magagawa ang inyong
binibintang. Tama, di ba mahal kong anak na Tina?"
Tina : Hindi po Abe, kasalanan kay Allah ang inyong ginagawa. Palagi niyong sinasabi na para
sa ikabubuti ko ang lahat ng inyong ipinapayo. Hindi ko akalain na gano'n pala kayo karumi na
tao. Hinanap ko ang lahat ng babae na inyong ibinenta at ipinakasal lahat sila ay abuso ang
natanggap sa mga ito. (itinuro ni Tina ang mga babae na umiiyak) sila! Sila ang mga patunay na
kayo ay nakakadiri at hindi karadapat-dapat na maging ama!
Abdullah : Normina, Ano bang sinasabi ng ating anak? (Isang iyak lamang ang itinugon ng Ina
ni Tina, dahil maging siya ay biktima rin ng kaniyang asawa.)
Normina : Tama na, Abdullah. Kahit ako ay iyong biktima, sumama ka na sa kanila at
pagbayaran ninyo ang inyong mga kasalanan.
Abdullah : No! Normina, don't do this to me!
(Inaresto ng sabay sila Esme at Abdullah. At panay ang kanilang sigaw.) (sasarado ang partition)
(sabay-sabay na kakanta ang tatlong mga bida, at ang mga taong bayan ang magiging back-up
dancer sa likod.)
Music
Ako si Darna by Yeng Constantino
Ako ang bida ngayon (Masyado kang ambisyosa)
Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha, (Kung kaya, e di subukan na)
Masipa sa mukha, (Sipain din sa mukha)
Ako ang bida ngayon, (Hanggang pangarap ka na lang)
Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma, (Wag ka nang umasa pa)
Si Nora at si Vilma, (Ilusyunada ka)
Dahil Ngayong gabi, ako?y titingalain, Ngayong gabi
Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan

17
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi
(Sa sarado ang partition, ready for the next scene)

IKA-SIYAM NA EKSENA. *sounds of cheering


Taong-bayan : Maraming salamat, Mayor Hulya malaking tulong po ito para sa amin. May
kabuhayan na po kami!
Hulya : walang anuman po. Lahat ng inyong mga nararanasan ay dahil sa kayo ay masipag at
mapagkakatiwalaan. Hiling ko na pagyabungin niyo pa 'yan at sabay-sabay natin na iangat ang
bayan na ito.(magsasara ang partition.)
(Sa kabilang banda, si Tina iyon naging isa na siyang social worker na tumutulong sa mga
kabataan at kababaihan.)
Tina : Huwag po kayong mahihiya na lumapit sa munisipyo sa lahat ng pangangailangan ninyo.
Bukas ang aking opisina para tulungan kayo na makaalis sa sakit na dinanas ninyo mula sa pang-
aabuso. Tutulungan din namin kayo na makapag-simula muli, katulad ng pagbibigay ng negosyo,
at pagpapakonsulta sa doktor. (magsasara ang partition.)
(Sa kabilang banda, si Isabel ay naging isang guro.)
Isabel : Mga bata, natutuwa naman ako sa mga iginuhit ninyo na mga pangarap, alam niyo si
Teacher Isabel, kahit na sobrang lungkot ng dinanas ko maswerte naman ako sa umampon sa
akin. Kaso nga lang ay kinuha na siya ng ating mahal na Panginoon, (siya ay tumingala) naging
mabuti siyang ina sa akin at hindi niya ako kailan man pinabayaan. Hindi man niya naabutan
itong pangarap ko, alam ko sa taas tyak natutuwa 'yon sa akin.
Student : Teacher, si Sir Pablo po! (tumingin si Isabel sa kaniyang likuran, si Pablo iyon
paparating sa kaniya na may hawak na bulaklak.)
Pablo : Good afternoon, Ma'am (sabay lahad ng bulaklak.)
Isabel : Pablo, talaga. Alam mong may klase. (lumayo silang dalawa sa mga bata.)
Pablo : Pasensya na, namiss lang kita.
Isabel : Hindi ka nga katulad ng iyong ina, salamat dahil pinili mo ang maging mabuting tao,
Pablo.
Pablo : Salamat din sa pagtitiwala.
(sa sarado ang partition.)

18
IKA-SAMPU EKSENA
(Nagsama-sama sila para puntahan ang labi ng kanilang mga magulang, at labi ni Aling Syeda
magkakatabi lamang ang mga labi nito. *Kailangan may larawan ni Lorenzo, Almarie, at Aling
Syeda.)
Hulya :Nanay, Tatay, hindi niyo man po kami naabutan sa paglaki namin. Nais ko pong sabihin
sa inyo na nagluwal kayo ng tatlong matatapang na babae. Hindi kami babae lang para sa wala.
Isabel : Napatunayan po namin na hindi porket mga babae kami ay wala na kaming ibubuga,
nakakatuwa nga po dahil maayos na ang ating Bayan, ngunit wala na kayong tatlo rito para
makita pa iyon
Tina : Utang ko po sa inyo ang aming mga buhay. Maraming Salamat, dahil alam ko po na
ginawa niyo lamang iyon para sa ikabubuti namin. Ngunit hindi naman palagi tayo sinususwerte
pero ngayon, sobrang saya ko dahil kasama ko na ang aking mga kapatid. Boses na po ako ng
mga kababaihan at kabataan, Nanay, Tatay. Tutulungan ako nila ate na matulungan lahat ng
kababaihan sa ating Bayan.
(sa sarado ang partition, mag-aayos tatanggalin ang mga lapida at gagawing masaya ang settings.
Bubuksan muli ang partition at makikita na ang mga tao at mga bida na nagsasayawan at
nagkakantahan.)
Music

Alapaap by Eraserheads
May isang umaga na tayo'y magsasama, Haya at halina sa alapaap
O anong sarap, Hanggang sa dulo ng mundo
Hanggang maubos ang uub, Hanggang gumulong ang luha
Hanggang mahulog ang tala, Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita, Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama, Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya
Hindi mo na kailangan humanap ng iba, Kalimutan lang muna
Ang lahat ng problema, Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
Handa na bang gumala, Paparapapa papa la oh
Ang daming bawal sa mundo (ang daming bawal sa mundo)

19
Sinasakal nila tayo (sinasakal nila tayo)
Buksan ang puso at isipan (buksan ang puso at isipan)
Paliparin ang kamalayan (paliparin)
Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako'y lumilipad at nasa alapaap na
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Gusto mo bang (gusto mo bang)
Sumama
(sa sarado ang partition, at magbubukas muli upang ipakilala una ang mga productions,
technical, casts, writers, at pinakahuli ang director magpapatuloy sa background ang kanta na
"Alapaap" habang pinapakilala sila.)

20

You might also like