You are on page 1of 1

JOHN PAUL RULLAN 10-STE OERSTED ESP

ABORSYON: MASAMA AT DI MAKATARUNGANG GAWAIN


Ang buhay na ipinagkaloob sa atin ay maituturing nating regalo na
karapat-dapat nating pahalagan at ipagpasalamat sa Maykapal. Ngunit, bakit
marami sa ating mga tao ang nais na mag-palaglag o mag-aborsyon sa kanilang
ipinaglilihi? Alam kong maraming rason ang mga taong nais na gawin ang
ganitong bagay ngunit ako’y naniniwalang ang pagpapalaglag ng anak ay isang
paglabag sa buhay at ipaglalaban ko kung bakit ako hindi sumasang-ayon sa
aborsyon.
Ang aborsyon ay ang pagkitil ng buhay ng sanggol na sinapupunan pa
lamang at ito’y kadalasan sinasadyang pagtanggal ng fetus o Embryo mula sa
sinapupunan ng isang buntis na tao. Ang ganitong gawain ay puwedeng
mangyari ng biglaan gaya ng isang babae na nalaman niyang siya ay buntis.
Ayon sa isang report mula sa Guttmacher Institute noong 2005 na naitala ni
Fatima Juarez, mahigit 500,000 na kababaihan ang nagpapa-abort kada taon na
kung saan ang ilan sa mga ito ay nanggaling sa illegal na pamamaraan.
Ang aborsyon ay isang krimen. Ang aborsyon ay ang pagkitil sa buhay ng
sanggol sa sinapupunan. Ang bata ay likha ng Maykapal. Maaari nating sabihin
na ang bata ay nanggaling sa kasalanan tulad ng rape, walang kalam-alam ang
sanggol na siya ay nabuo sa masama. Dito sa Pilipinas, bawal ang aborsyon o
pagpapalaglag at ang paglabag dito ay nangangaluhugan ng pagkulong.
Nakasaad sa Artikulo 2 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa Seksyon 12 ay
protektado ng batas ang buhay ng kapwa ina at ng hindi naisisilang na sanggol
mula sa paglilihi. Karamihan sa mga taong gumagawa ng paraan na ito ay
nakakatakas sa batas o sa krimen na kanilang nagawa. Hindi lamang ang ina ang
puwedeng lumabag pati na rin ang mga doctor na nagsagawa ng pamamaraan
na iyon. Ang mga doctor ang dapat na sumalba sa buhay ng isang tao at hindi
ang pumutay ng kapwa tao.
Base sa aking mga nasaliksik, maraming masasamang epekto ang
aborsyon sa kalusugan at mental stabilidad sa mga kababaihan. Ilan sa mga
kababaihang dumaan sa ganitong proseso ay nakaranas ng mga masasamang
epekto. Tiyak na walang patutunguhan ang pagpapalaglag. Lumabag ka na nga
sa buhay, nasira pa ang iyong katawan. Sa ganitong kalagayan ng kababaihan,
kailangan sila ay ating gabayan at pagtuonan ng atensyon upang sila’y makabalik
sa normal at upang matuto.
Maaaring may mga taong sumasang-ayon sa aborsyon ngunit dapat nating
tandaan na masama ang pagpapalaglag. Ito ay hindi makatarungang paraan
sapagkat iyong kinikitil ang isang sanggol na nanggaling sa iyong sinapupunan
na hindi pa naisisilang lalo’t galling ito sa iyong sariling dugo at laman. Sabi nga
nila “Abortion kills the life of a baby after it has begun”.
Bilang konklusyon, ito ay isang illegal na pamamaraan na kung saan
kinikitil mo ang buhay ng isang sanggol na hindi pa naisisilang. Ito ay isang
krimen. At ang paraan na ito ay nakapagbibigay ng masasamang epekto sa
buhay ng isang kababaihan na naglilihi. Sabi nga nila “Abortion kills the life of
a baby after it has begun” kaya labis akong hindi sumasang-ayon sa
pagpapalaglag o aborsyon.

You might also like